Kabanata 02

54K 2.2K 1.1K
                                    

NOTE: May 1st version ang kabanatang ito, kaso nakatanggap lang ako ng masasakit na salita galing sa ibang rude readers. Itong nakapaskil ngayon ay 2nd version na, kaso nakatatanggap pa rin ako ng reklamo sa ibang demanding readers na masyado raw cliché at gasgas na ang truck scene. Ngayong natapos ko na ang akdang ito, naisip ko na palitan na lang ang truck scene ng ibang eksena dahil under editing at revising na rin ito. Nawa'y maibigan pa rin ninyo ang buong kuwento. Maraming salamat sa inyong malawak na pang-unawa!


"SPAIN created a rigid pyramidical social stratification from the simple social organization of the Filipino natives. Governed by the principle of limpieza de sangre, the structure was divided into three: those Spanish blood, those with money and power and the indio class..."

Isang malaking paghikab ang pinakawalan ni Choleng habang nakapangalumbaba sa kanyang desk at nakikinig sa kanyang kaklase na si Gregorio Miravilla na halatang kinabisado lang nito ang aklat-sanggunian na inuulat sa kanila. Philippine History class nila ng mga oras na iyon. Tuwing klase nila ay meron nang ibinigay na task ang kanilang Professor kung sino-sino ang mga mag-uulat.

Sa kasamaang palad, ang pangkat nina Gregorio ang naka-assign na tagapag-ulat nang araw na iyon. Buong pansing nakikinig ang kanilang mga kaklase na conscious sa grades maliban sa kanya na kanina pa ipinagdarasal na sana lunch break na. Ang pangkat rin kasi nina Gregorio ang magbibigay ng quiz mamaya pagkatapos ng talakayan. Kaya hindi magkandaugaga ang mga kaklase ni Choleng na masinsinang nakikinig.

Mahirap pa naman magbigay ng quiz si Gregorio dahil mistulang pang-outer space ang mga tanong nito na ang binata lang ang nakaaalam ng sagot. Kaya hindi na nag-aksaya ng panahon si Choleng dahil nakapag-advance study na rin naman na siya. Kahit hindi na siya makinig kay Gregorio meron naman siyang maisasagot sa quiz ng grupo nito mamaya. Saka, kilala niya ang ugali ni Gregorio. Feeling genius ang binata kahit hindi naman. Puro pagkakabisa ang alam nito at tanging lalaki na kanyang nakilala na sinimot na ng balat nito ang kayabangan sa mundo.

Bukod sa feeling genius ay ma-vocal at competitive si Gregorio. Kaya tingin ng binata sa kanilang lahat na kaklase ay kakumpitensiya. Kaya alam ni Choleng na pahihirapan sila nito mamaya sa quiz para ang grupo lamang nito ang may mataas na grades. Mayamaya naman ay nagtaas ng kamay si Rachelle. Numero unong basher ni Gregorio.

"Excuse me!" Agad nakuha ni Rachelle ang pansin ni Gregorio na hindi pa nga nangangalahati sa pagsasalita. "I have a question for you, Mr. Reporter!"

Naiinis na binalingan ni Gregorio ang direksyon ng kaibigan ni Choleng. "Will you let me finish my report?"

Sinandal naman ni Rachelle ang likod nito sa inuupuang desk at hindi pinansin ang reklamo ni Gregorio bago muling nagsalita. Nasa college na sila. Hindi na rin mandatory na tumayo ang isang mag-aaral para mag-recite.

"Can you explain to us what does limpieza de sangre means?" Tinaasan pa nito ng kilay ni Rachelle si Gregorio.

Purity of blood. Sagot na lang ng isip ni Choleng dahil ayaw niyang madamay sa bangayan in three, two, one...

"You should already knew the meaning of limpieza de sangre since it was mentioned as one of our vocabularies yesterday unless you did not do your assignment for today's discussion."

Maiksi lang ang pasensiya ni Rachelle. "Aba't! Hoy! Pinagbibintangan mo ba ako na hindi gumawa ng assignment?"

Nagsisimula nang magtaray at tumaas ang kilay ng kaibigan ni Choleng. Wala siyang nagawa kundi ang umiling na lang. Alam na niya kung saan hahantong ang usapan ng dalawa.

"Bakit? Tinamaan ka ba? So, wala ka ngang ginawang assignment kaya humihingi ka ng sagot sa akin?"

"Ang feeling mo talaga! Hindi mo ikinaguwapo ang pagiging feeling mo!"

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now