Kabanata 54

13.5K 676 383
                                    

WALA na ang mga mag-aaral ni Choleng sa loob ng silid-aralan. Mag-isa na lang siyang naroroon nang matapos niyang ilagay sa wastong pagkakahanay ang mga silya. Nang masiguro niyang wala ng mga naiwang kalat sa sahig ay lumabas na rin siya mula sa loob ng silid at ni-lock iyon. Ngunit mabilis din niyang nahigit ang kanyang hininga nang sa kanyang pagbaling sa gawing kaliwa ay may nakita siyang bulto ng isang babae. Nakatayo iyon sa gitna ng hallway. Kulay itim ang suot-suot nitong kasuotan na ang laylayan niyon ay sumasayad sa sahig.

Ang bahagi pa naman ng hallway na iyon ay hindi gaanong tinatamaan ng liwanag mula sa sikat ng araw. Her surrounding is quiet and peaceful since all the students in that school went home already. The woman with the black dress started to walk towards her direction and her heels creating a click-clack sound like in a horror film that made her scared more.

Pero kaagad din siyang nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay tamaan ng liwanag ang kabuuan ng babae mula sa bahagi ng hallway na tinatamaan na ng sikat ng araw.

"Proxerphina..." sambit niya nang masilayan niya ang kabuuan nito.

Jusme! Akala naman niya isa ng black lady ang nagpakita sa kanya!

"Puwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko pero hindi naman sa ganyang paraan." Naroroon sa tinig ni Choleng ang takot nang makalapit sa kanyang puwesto si Proxerphina.

Poker face pa rin ang mukha ni Proxerphina at walang kamuwang-muwang na muntik na siya nitong ma-cardiac arrest kanina.

"Sorry if I scared you. Wala lang ako sa mood mag-exert ng effort na isigaw ang pangalan mo. Hanggang ngayon ay binabawi pa rin ng katawan ko ang lakas na nawala sa akin magmula nang matagpuan kita sa panahong ito."

"Ibig mong sabihin..."

Tumango-tango si Proxerphina at muli nitong ipinagpatuloy ang paglalakad. Mula sa likuran ni Proxerphina ay nakasunod naman si Choleng at tahimik lang siyang nakikinig sa paliwanag nito.

"Sa katunayan, hindi ko maaaring gamitin nang sobra ang aking kapangyarihan. Nanghihina ako at matagal bago ko muling mabawi ang nawala kong lakas." Panimula nito.

"Paano ka naman mawawalan ng lakas? Eh lulubog-lilitaw lang naman ang ginagawa mo ah?"

"Ang ibig kong sabihin, kapag kinakailangang gamitan ko nang malaking porsyento ng aking kapangyarihan ang isang bagay na gagawin ko. Gaya halimbawa ng paminsan-minsan kong pagdalaw sa iyong panahon. One hundred sixty-two years ang agwat ng panahong ito sa iyong panahon kaya kinakailangan kong doblehin ang ginagamit kong kapangyarihan makarating lamang dito."

"Bakit kasi hindi ka na lang manatili sa iisang lugar? Bakit kailangan mo pang lumipat-lipat kung alam mo naman palang nakasasama na pala sa 'yo ang sobra mong paggamit sa kapangyarihan?" Usisang tanong ni Choleng nang makalabas na sila sa paaralan at magkapanabayan na silang naglalakad sa gilid ng kalsada habang may mga nagdaraan na naglalako ng kani-kanilang paninda at mga bumibiyaheng kalesa.

"Dahil hindi lamang ang panahong ito ang nararapat kong pag-ukulan ng pansin kundi tungkulin ko ring bantayan ang mga kasalukuyang nangyayari sa iyong panahon. Noong hindi pa nagkukrus ang ating mga landas sa kasalukuyan, saksi ako sa mga kaganapang nangyari sa panahong ito. Magulo, malungkot, masalimuot at walang katiwasayan. Nang makumpirma kong dito ka dinala ng aking kapangyarihan, hindi na ako nagtaka kung bakit maraming mga bagay-bagay akong napansing nagbago nang dahil sa 'yo."

"Medyo na-bored ako dahil sa pag-aakala kong wala na talaga akong pag-asang makabalik. Kaya pasensiya na kung meron man akong maliliit na detalyeng napakialaman dito. Gusto ko lang namang makatulong sa mga kababayan ko kahit sa maliit na paraan na alam ko at iparamdam sa kanila na merong taong handa silang kampihan laban sa mga Kastila."

El Gobernador General De Mi CorazónWhere stories live. Discover now