Chapter 2

109K 3.5K 881
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata, kakaibang enerhiya sa paligid ang aking nadama. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko dahil may nakita akong bulto ng tao na nakatayo malapit sa may bintana.

Nanlaki ang mata ko dahil hindi pala ito tao, isa siyang multo sapagkat siya'y nakalutang at ngayo'y nakangiti sa akin.

Napagitla ako kaya napausog ako sa kasuluk-sulukan ng aking kama.

Nakasuot siya ng puting damit. Mukha naman siyang mabait. Maganda siya, pero may ekis na marka siya sa kaniyang kanang pisngi. Pero kahit na ganoon, natatakot pa rin ako sa kaniyang presensya sapagkat multo siya.

"Huwag kang lalapit!" Turan ko dahil unti-unti na siyang lumalapit sa akin.

Sa isang iglap lang, nasa harapan ko na siya at bigla niya inilapat ang kaniyang kanang kamay sa aking ulo.

Biglang tumirik ang aking mata na para bang pumapasok siya sa aking isipan.

"Mag-ingat ka, malapit nang magsimula ang inyong pakikibaka sa kamatayan." Aniya habang magkaharap kami. Puti lang ang makikita mo sa bawat paligid.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan!" Anas ko na may bahid ng pagkairita.

"Huwag kang mabagabag, tutulungan ko kayo para mapagtagumpayan niyo ang kamatayang kahaharapin ninyo." Dugtong niya na mayroong bahid ng pag-aalala.

"Teka teka, nananaginip lang ako 'di ba? Pero bakit kita nakakausap? Tsaka, sino ka ba? Anong kamatayan namin ang tinutukoy mo?" Aligaga kong tanong.

"Pinasok ko ang iyong isipan upang makausap ko ang iyong diwa. Nandito ako para gabayan kayo." Aniya.

"Gabayan? Kasi mamamatay na kami? Haha, huwag mo nga akong lokohin." Pahayag ko sabay pakawala ng buntong-hininga.

"Hindi ako nagbibiro, maniwala ka sa akin! Naaalala mo ba yung libro? Yung librong ibinigay sayo ng itim na babaeng multo? Iyon, iyon ang naglagay sa inyo sa kapahamakan.

"Hindi maaari, sabi nung black lady ay maaari kong buhayin ang patay kapag ginamit ko iyon. Ibig sabihin, pwede kong buhayin yung Ate ko!" Turan ko.

"Oo tama ka, ang ABaKaDa ay maaaring bumuhay ng patay. Ngunit, buhay ang kapalit. Ang ABaKaDa ay dalawampung pantig. Ibig sabihin, dalawampung buhay din ang nalagay sa alanganin. Pagkatapos mong laruin ito, kung ilan ang buhay na nailigtas mo sa binggit ng kamatayan ay siyang bilang ng buhay ang maaaring magbalik dito sa kalupaan." Paliwanag niya.

Nagimbal ako sa kaniyang isinalaysay. Ibig sabihin, pati ako ay nasa alanganin. Sino naman ang labing siyam na maaari ring mamatay? Dapat pala hindi ako nagpadalos-dalos. Dapat nagsaliksik muna ako.

"Maaari ko pa bang maihinto ito? Mapawalang bisa kumbaga?" Tanong ko.

"Ang ABaKaDa'y nagsimula nang kumilos. Pumasok na sila sa katawan ng mga mabibiktima. At ang mga mabibiktima ay maaaring kaibigan mo, malapit na tao sayo, nakakasalamuha mo, at higit sa lahat, pwede ring magulang mo." Aniya.

Sumikip bigla ang aking dibdib sa aking narinig. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ang daming nadamay dahil sa pagiging padalos-dalos ko. Nawa'y magtagumpay ako.

"Bakit mo alam ang lahat ng ito?" Pang-uusig ko.

"Ako kasi ang may gawa ng librong ABaKaDa." Pahayag niya.

Nagulat ako sa kaniyang tinuran. Pero bakas sa kaniyang mukha ang lungkot ngayon.

"Ginawa ko iyan dahil nais kong buhayin ang Ate ko noon ngunit nabigo ako. Nagkaroon iyan ng sumpa kaya hindi ko magamit-gamit." Turan niya habang siya'y nakayuko.

"Ibig sabihin ikaw si Ethel? Yung author ng libro? Kaano-ano mo yung black lady na nagbigay sa akin nito?" Pang-uusisa ko.

"Ako nga, yung black lady na tinutukoy mo, siya yung Ate ko, ang Ate Helga ko. Siya ang may-ari ng librong Alphabet of Death na kumitil sa buhay ng Ate mo't mga kasamahan niya." Pahayag niya.

"Argh! Ang sama pala niya! Pinlano niya siguro ito! Mabulok sana siya sa impiyerno!" Giit ko sa sobrang poot.

"Kaya narito ako para gabayan kayo. Ayokong mapahamak ang sinuman dulot ng librong ginawa ko. Nakasulat sa libro ang mga maaaring maganap at kung sino ang pupuntiryahin nito, clue kumbaga." Aniya.

"Pero paano ko matatagpuan o malalaman kung sino yung taong mamamatay na?" Tanong ko.

"Dapat lang na masagot mo o malaman ang metaporang nakasulat sa libro. At kapag natagpuan mo na yung taong nag-aalanganin ang buhay, makikita mong may magliliwanag na ABaKaDa sa noo nila. At iyon din, ang magiging sanhi ng kanilang kamatayan." Pahayag niya.

Kinilabutan akong bigla dahil sa kaniyang mga tinuran. Buhay laban sa kamatayan pala ang pinasok kong ito. Patawarin sana ako ng may lalang.

Nagbalik na ako sa tamang wisyo. Ang mas ikinababahala ko ay yung mga taong madadamay. Huwag naman sana ang pamilya ko.

Dulot ng biglaang pagkahingal, nakaramdam ako ng uhaw kaya minabuti kong bumaba muna upang uminom ng tubig.

Naglakad na ako patungong ibaba nang mapagtanto ko na hindi pa pala ako kumakain ng hapunan. Nahigilap ng aking mata ang orasang nakasabit sa may dingding.

"Aba, alas tres na pala ng umaga." Bulong ko.

Pagkarating ko sa may kusina, kumuha ako ng baso at tinungo ang kinalalagyan ng inumin, ang ref. Sarap na sarap ako habang nilalagok ang napakalamig na tubig.

"Ahh, ang sarap. Nakakaginhawa ng pakiramdam." Pahayag ko.

Pagkatapos kong uminom ng tubig, isasara ko na ang ref. Pagkasara ko nito, tumambad sa aking harapan ang babaeng duguan habang hawak-hawak ang kaniyang puso.

Napaupo ako bigla sa sahig dulot ng pagkasindak. Batid ko ang galit na namumutawi sa kaniyang mata. Isa siyang dalaga, kaedaran siguro ni Ate.

Napagapang tuloy ako ng 'di oras paakyat sa hagdan dahil tumatalon ang puso ko sa sobrang kaba. Mukha siyang multong mapaghiganti.

"Ako ang buhayin mo." Turan niya habang nakalutang sa ere at nakasunod lang sa aking likod.

Gusto ko ng sumigaw sa takot dahil galit na galit siya. Ayoko namang gambalain ang mahimbing na tulog ng aking mga magulang.

"Layuan mo ako! Wala kang mapapala sa akin!" Sigaw ko habang gumagapang paakyat ng hagdan.

Pagkarating ko sa dulo, napahinto akong bigla dahil nandoon na siya at nakatayo. Ako lang ang kaniyang hinihintay.

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakakamit ang hustiyang nais ko!" Sigaw niya habang balot ng galit ang bawat katagang kaniyang binibitawan.

"Hindi ako ang hanapan ng nawawalang hustisya! Kaya layuan mo ako!" Pagduduldulan ko sa kaniya.

Biglang bumukas ang silid ng aking mga magulang at lumabas mula rito si Papa.

"Morixette, bakit ka ba sumisigaw? Sino bang kausap mo?" Pahayag ni Papa habang nagkakamot ng ulo.

Batid kong hindi niya nakikita ang babaeng multong kaharap ko ngayon kaya akaka niya siguro, nag-eemote ako.

"Hindi pa tayo tapos, babalikan kita! Ah!" Turan niya sa akin sabay sigaw kaya parang mabibingi ako ngayon.

Kasabay ng pagsigaw ng multong kaharap ko ngayon ay ang paghagis niya sa akin ng pusong hawak niya.

Umilag ako para hindi niya ako matamaan pero dahil doon, nadulas ang isang paa ko at nagpagulong-gulong ako pababa sa hagdan.

"Anak!" Sigaw ni Papa at dali-dali niya akong pinuntahan.

Kasabay ng pananakit ng aking ulo ay ang pagkawala bigla ng malay ko.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now