Chapter 22

59.3K 2.1K 443
                                    

Pagkamulat ng aking mga mata, hindi ko alam kung totoo yung lahat ng nangyari o nananaginip lang ako. Pero sigurado akong nakausap ko at nakita si Ate Roxette, hindi ako maaaring magkamali.


Kaagad akong tumayo sa aking kama para ihanda ang aking sarili. Alam kong kaya ko, syempre sa tulong na rin ng mga kaibigan ko, mapagtatagumpayan namin ito.


Handa na akong pumasok sa aming paaralan. Nang isusukbit ko na sa aking balikat ang bag ko, napansin kong may liwanag na namukadkad sa loob nito kaya kaagad kong kinuha ang libro.


Pagkabukas ko, nagulat ako sa mensaheng ipinarating nito.


"Ang makasalanang nilalang, sa impiyerno dapat isalangsang."


Higit akong naguluhan dahil wala akong ideya kung sino ang tinutukoy ng ABaKaDa. Lahat naman ng tao ay makasalanan 'di ba? Ibig sabihin, lahat tayo'y dapat na masunog sa kadagat-dagatang apoy?


Sa paglipat muli nito ng pahina, nagkaroon ako nang kahit kaunting ideya patungkol sa isusunod ng ABaKaDa.


"Maraming tao ang naniniwala sayo dahil akala nila ika'y santo. Hindi nila alam, maanumalya ka ring tao kahit na mataas ang iyong pwesto."


At dahil dito, siya lang ang nahihinuha kong isusunod ng libro. Hindi ko siya lubusang kilala pero alam ko kung sino ang makakatulong sa akin.


Kaagad ko namang isinara ang libro at dali-dali itong isinilid sa loob ng bag ko. Papalabas na sana ako ng aking silid nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman ininspeksyon ko ito.


Text message from Charlie.

Good Morning, ingat sa pagpasok. Love you.


Kinilig naman ako roon ng kaunti hihi. At least naalala pa niya ako kahit na hindi kami madalas magkita. At dahil si Denise ang kaklase niya, ito ang lagi nitong kasama. May tiwala naman ako kay Charlie, alam kong hindi niya ako ipagpapalit dito.


Tinungo ko na ang daan palabas ng aking silid at isinuksok ko na sa aking bulsa ang cellphone ko. Pagkarating ko sa baba, napansin kong nanunuod ng telebisyon si Lola Alette. Nagmano na lang ako sa kaniya at hindi ko muna siya kinausap dahil nga sa nangyari kagabi.


Pagkalabas ko ng gate, naabutan ko roon si Jerico na nakatayo at para bang may hinihintay.


"Hi Morixette." Bati niya habang nagkakamot pa ng ulo.


Napangiti naman akong bigla kasi ang cute ni crush sa ganoong pwesto.


"Hi Jerico, anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka?" Malumanay kong tanong.


"Ah kasi nakita kitang lumabas ng pinto niyo. Eksakto namang napadaan ako kaya hinintay na kita." Paliwanag niya habang siya'y nakayuko.


"Ako pala ang hinihintay mo haha. Salamat!" Pahayag ko. Medyo kinilig ako roon hihi.


"Ano? Tayo na?" Aniya habang magkaharap kami.


"Tayo na." Turan ko.


"Talaga? Tayo na?" Nakangiti niyang sambit na para bang nagliliwanag ang kaniyang mga mata.


"Oo, tayo na. Kasi, baka ma-late tayong pareho kapag tumunganga pa tayo rito." Sambit ko na may lihim na pagngiti. Kinilig kasi ako sa banat niya, haha.


"Ah, oo nga. Tara na, hehe." Sambit niya sabay sakay sa kaniyang bisikleta.


At gaya nang dati, nakayapos pa rin ako sa kaniyang beywang habang ako'y nakaupo sa may likuran. Ang ganda nga ng moment naming ito, simple pero memorable.


Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe, bigla siyang nagsalita.


"Nasaan nga pala ang boyfriend mo? Bakit hindi ka niya sinusundo?" Napatigagal akong bigla nang dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.


"Ah, busy kasi siya ngayon. Marami siyang inaasikasong bagay kagaya ng business nila. Wala naman akong magagawa dahil obligasyon niya iyon." Paliwanag ko.


"Kahit na, obligasyon ka rin naman niya 'di ba?" Mas lalo akong nawindang sa tinuran niya.


Oo nga, tama si Jerico. May obligasyon si Charlie sa akin dahil girlfriend niya ako. Oo, committed siya sa akin pero kulang ang panahon niya para bigyan ako ng atensiyon.


Hindi na lang ako nagsalita dahil tama ang tinuran niya.


"Kung papipiliin ka, magarang sasakyan pero kapag nakasakay ka rito ngunit hindi ka napahahalagahan o simpleng sasakyan pero saya ang dulot sa iyong kabuuan?" Aniya at biglang inihinto ang bisikleta sa tabi. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala ako sa school ko.


Bumaba na ako kaagad. Hindi ko alam kung ano ba ang aking isasagot sa kaniyang katanungan. Naguguluhan ako.


"Morixette, choose wisely." Aniya sabay ngiti sa akin. Isinikad niya na ang kaniyang paa doon sa bisikleta kaya umandar na ito.


Nang siya'y makalayo, ang daming katanungang gumugulo ngayon sa aking isipan kaya ako'y higit na naguguluhan.


Minabuti ko nang pumasok sa loob ng aming school para masolusyonan ang nais iparating ng ABaKaDa.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now