Chapter 78

40.6K 1.4K 109
                                    

Morixette's POV

Pakiramdam ko, wala na kaming pag-asa. Gusto ko nang sumuko pero binibigyan ako ni Jerico nang lakas ng loob.

"Morixette, kaya natin 'to!" aniya habang nakaupo sa sahig habang nakalapat ang kaniyang likod sa may dingding.

Kaya 'to! Matatalo namin siya!

"Kawawang mga bata... Nadamay pa tuloy kayo," giit ni Angelika na wari mo'y kinakaawaan niya kami.

Lumapit siya sa akin at umupo nang bahagya sa sahig. Hinaltak niya ang baba ko para matuon ang atensiyon ko sa kaniya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin saka nag-usal sa aking tainga.

"Hindi na dapat kayo pumunta rito... Pero dahil mabait ako, bibigyan ko kayo ng pagkakataon tumakbo ng kaibigan mo, iwanan niyo na rito si Jerwel..."

"Hindi! Hindi namin siya iiwan! Ano pa't pinuntahan namin siya rito kung iiwanan lang din namin siya? Ang tunay na kaibigan, hindi nag-iiwanan!" giit ko.

Isang pagak na ngiti ang isinukli niya sa akin.

"Matapang ka bata. Binigyan na kita ng pagkakataong tumakas pero nagmamatigas ka pa rin. Pasensiyahan na lang."

Tumayo siya saka hinaltak ang aking buhok at kinaladkad ako papuntang kama.

"Ahhh!" sigaw ko nang ihagis niya ako sa ibabaw ng kama.

"Panuorin mo kung paano ko papatayin ang dalawa mong kaibigan. Uunahin ko na sila! Haha!"

"Hindi ako makakapayag!" anas ko.

Nag-ipon ako ng pwersa at lahat ng ito ay itinuon ko sa aking paa hangga't sa isang malakas na sipa ang iginawad ko sa nababaliw na katulong.

"Ahhh!" sigaw nito.

Saglit na napaluhod ang katulong matapos ko siyang tamaan sa kaniyang kaliwang binti.

"Lapastangan!" nanggagalaiti niyang sambit saka niya ako ginawaran ng isang malakas na siya sa aking tiyan.

"Ahhh!" sigaw ko na halos mamilipit sa sobrang sakit. Nagpagulong-gulong ako sa ibabaw ng kama dahil sa lakas ng epekto nito sa aking sistema.

"Kasalanan mo iyan! Haha! Panuorin mo kung paano ko lulumpuhin ang mga kaibigan mo! Haha!"

Itinungo ko ang aking atensiyon sa dalawa kong kaibigan. Si Jerwel na nakalupasay sa sahig na tila ba hirap na hirap na. At si Jerico na gano'n pa rin ang posisyon at mistulang may iniindang sakit.

"Huwag!"

Hindi niya ako pinakinggan. Naglakad siya palayo sa akin at tinungo ang kinaroroonan ni Jerwel.

"At dahil ikaw naman talaga ang pakay ko, uunahin na kita," aniya habang nakatayo sa harapan ni Jerwel.

Umupo siya para magpang-abot silang dalawa saka itinutok ang matulis na kutsilyo sa leeg ni Jerwel.

"Time to die! Haha!"

Bumwelo siya para itarak ang kutsilyo sa leeg ng aking kaibigan. Nang akmang itatarak niya na ito, isang kamay ang pumigil sa kaniyang pagratsada.

Buong lakas na kinabig ni Jerico ang kutsilyo mula sa katulong at ito'y tumurit palayo. Nanlulupaypay si Jerico at pilit na tinitiis ang panghihina.

"Pasaway talaga kayo."

Biglang siniko ng katulong si Jerico sa kaniyang sikmura kaya napaupo ito sa sahig na namamalipit sa sakit.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon