Chapter 80

40.8K 1.4K 37
                                    

Nagulat ako sa sampal ni Divine. Hindi ko inaasahan na gano'n ang ibubungad niya sa akin. Isa lang ang ibig sabihin nito, galit pa rin siya sa akin. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip kung ano ba ang nagawa ko sa kaniya at gayon na lang kung magalit siya sa akin.


Nakatulala lang ako sa kaniya na walang ekspresiyon. Habang nakatitig sa kaniyang mga mata, batid ko ang lungkot na nagkukubli mula rito. Malalim ang sugat na mukhang matagal hilumin.


"Anong ginagawa mo rito?" pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa pagitan namin.


Hanggang ngayon, pilit pa rin niyang ipinapakita sa akin na matatag siya, matatag ang kalooban niya kahit na hindi niya na kaya.


"Patawarin mo na ako sa kung anuman ang nagawa kong kasalanan sa iyo," ani ko.


Akmang hahawakan ko siya sa kaniyang braso nang bigla niyang tampalin ang kamay ko.


"Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako. Hindi kita kailangan dito," giit niya at biglang nahiga sa kaniyang kinalulugdan at nagtalukbong ng kumot.


"Huwag ka nang magpanggap na malakas ka, na kaya mong suungin ang problema mo nang mag-isa. Alam kong hirap na hirap ka na, bakit ba hindi mo hayaang tulungan kitang pasanin ang problema mo?" litaniya ko.


"Kaibigan mo ako, alam kong maselan ang kondisyon mo. Maski sino namang tao na nasa kalagayan mo ngayon ay panghihinaan ng loob. Ano pang silbi ng pagkakaibigan kung hindi naman tayo magtutulungan. Sa huli, tayo-tayo lang din ang magkakaunawaan," dugtong ko pa.


Hindi ko alam kung saan ko hininugot ang lakas ng loob na iyon para masabi ang mga katagang iyon sa kaniya. Napabungtong-hininga ako matapos no'n.


Kaagad niyang tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniya at bumungad sa akin ang totoong Divine. Rumaragasa na ang mga luha sa kaniyang mukha. Sumabog na ang nagsusumidhi niyang damdamin na kanina niya pa pinipigilang ilabas.


"Kaibigan? Nagpapatawa ka ba?" aniya na lumaslas sa aking kalooban.


Nang sabihin niya iyon, para bang sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Isa lang ang sigurado ako, nasasaktan ako.


"O? Napatigagal kang bigla? Nagulat ka ba?" aniya.


May diin sa bawat salitang pinapakawalan niya. Pakiramdam ko tuloy, ang dami kong kasalanan sa kaniya.


"Bakit ba ganiyan ang trato mo sa akin? Para bang napaka walang kwenta kong kaibigan. Ano bang kasalanan ko sa iyo?"


Isang pagak na ngiti ang itinugon niya sa akin.


"Ang totoong kaibigan, laging nandiyan kapag kailangan mo siya. Hindi lang sa tuwing may kasiyahan kung hindi pati na rin sa oras ng kapighatian," pahayag niya.


"Sa panahong kailangan kita, nasaan ka ba? Wala 'di ba? Kasi, busy ka sa pakikipaglandian diyan sa Jerico na iyan," dugtong pa niya.


"Alam mo namang hindi ako ganiyan, hayaan mo namang magpaliwanag ako..." singit ko.


"Tumigil ka! Huwag ka munang magsalita! Hayaan mo munang ilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa iyo!" sigaw niya kaya itinikom ko muna ang aking bibig.


Nasasaktan ako kasi humahagulgol siya sa pag-iyak ngayon. Masakit para sa akin na makita mo ang kaibigan mong umiiyak sa sobrang kapighatian pero wala kang magawa kung hindi pagmasdan siya at panuorin na lamang ang pagsusumamo niya.


"Ikaw lang ang babaeng ka-close ko. Halos lahat-lahat nga ay alam mo sa akin. Pero ako? Limitado lang ang alam ko patungkol sa iyo."


"Sinasabi ko ito sa iyo dahil tinuring na kitang bestfriend. Lahat ng sikreto ko, alam mo. Open book ang buhay ko sa iyo."


"Alam mo ba kung ano ang ikinapuputok ng butsi ko? Malamang hindi. 'Yong feeling na mayroon kang itinuturing na bestfriend pero 'yong taong iyon ay hindi ka naman bestfriend. Masakit din pala."


Para akong pinaulanan ng mga sibat dahil sa mga sinasabi niya. Masakit nga.


"Okay lang, tanggap ko naman na hindi mo ako bestfriend. Pero kasi iba itong problema ko ngayon. Alam kong parang OA ko na pero ito talaga ang hinanakit ko sa iyo e."


"Ikaw lang ang masasandalan ko sa tuwing may problema ako. Alam mo naman 'yong dalawa na walang alam sa mga ganitong kakumplikadong bagay lalo pa't masyado emosyonal tayong mga babae."


"Napapagaan mo ang mga dinadala ko sa pamamagitan ng mga payo mo. Pero wala e. Hindi naman habang buhay ay aasa ako sa iyo."


"Morixette, may sakit ako! Hindi na ako tatagal pa sa mundong ito!"


Bakas sa kaniyang mukha ang sakit na kaniyang tinatamasa. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa sistema ko.


Napahagulgol siyang bigla sa pag-iyak.


"Sabi ng doctor, stage 4 na raw ang kanser ko. Tumor. Kahit anong oras, maaari na akong mawala sa mundong ito..."


Sa minutong ito, bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na yakapin siya. Hindi naman pumalag ang kaibigan ko at tuluyan na siyang umiyak sa aking bisig.


"Iiyak mo lang iyan. Ilabas mo ang sakit."


"Marami akong kasalanan at pagkukulang sa iyo bilang iyong kaibigan. Hayaan mo, babawi ako."


Hindi ako sanay sa ganitong tagpo. Hindi ko alam kung ano ang ipapayo ko sa mga taong bilang na lang ang itatagal sa mundo. Tanging dasal at pananalig na lamang ang maaari kong maitulong sa ngayon.


Medyo matagal din ang iyakan porsiyon naming dalawa. Nakakahawa ang iyak ng isang kaibigan kapag alam mong matindi ang kaniyang pinagdaraanan.


Makalipas ang kalahating oras, nag-ayos na kami ng aming sarili.


"Salamat," bungad ni Divine.


"Walang anuman," tugon ko at nagyakapin ulit kaming dalawa.


Maayos nang muli ang aming samahan. Kung totoo talaga kayong magkaibigan, mabilis lang din kayong magkakapatawaran. Sabi nga nila,'Laughter is the best medicine.' Pero para sa akin,'Forgiveness is the best medicine.'


Ilang saglit pa, bigla namang nagliwanag ang libro sa loob ng aking bag.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now