Chapter 33

52.6K 1.9K 188
                                    

Janine's POV


Takot na takot ako habang nanginginig nang marating ko ang aming paaralan. Maaga pa naman pero ang aga kong makakita ng multo. Hindi lang ito basta multo, nakakatakot siya! Ang lakas ng kaniyang aura kaya tatayo talaga ang buong balahibo mo sa katawan.


Pagkapasok ko sa paaralan, pumunta ako kaagad sa banyo para makapagpahinga saglit. Ang bilis pa rin kasi ng pintig ng aking puso dahil sa nangyari. Akala ko, hihigupin na ako ng lupa kaya takot na takot ako. Gusto ko pang mabuhay.


Humarap ako sa salamin at inayos ko ang aking sarili. Gusot-gusot na nga ang aking damit dahil wala kaming plantsa, mas lalo pa tuloy nagusot ngayon. Naghilamos na lang ako ng mukha para naman magmukha akong fresh.


"Girls, tingnan niyo kung sino ang nandito." Bungad ng kaklase kong si Georgia, ang pinaka-intrimitida kong kaklase.


"Ang hampas lupa nating kaklase. Haha!" Giit naman ni Vanessa, ang pinakalaitera.


"Hay, hayaan na natin siya riyan. Baka hawaan pa niya tayo ng kabantutan!" Haha!" Turan ni Clouie, ang lider nila.


Hindi ko na sila pinansin. Halos araw-araw naman, binubully nila ako kaya sanay na ako sa kanila.


"But wait, there's more! Syempre, mas masaya kung may thrill 'di ba?" Sambit ni Vanessa na para bang may iniisip na namang ikapapahamak ko.


Nagbulungan silang tatlo at nagngisihan na para bang kinikiliti ang kanilang mga mani. Ang babata pa, naglalanturan na. Ganito siguro talaga kapag nasa pampubliko kang paaralan. Maraming makati kahit bata pa.


Pumasok bigla dito sa loob ng banyo si Georgia at tumapat sa may pinto. "Siguradong mag-eenjoy ka rito, bye!" Aniya at biglang isinara ang pinto.


"Buksan niyo ito!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto. Wala itong ilaw kaya sinag lang mula sa araw ang tumatanglaw sa akin.


Naririnig ko ang kanilang hagikgikan mula sa labas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para makalabas dito. Kailangan kong maghintay hanggang sa may sumaklolo sa akin at magbukas ng pinto. Wala na akong magagawa pa kundi ang maghintay.


Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha kaya naman napaharap na lang ako sa may salamin na puro sulat ng kung anu-ano. Naalala ko na naman ulit si Ate Arianne. Kailangan kong magpakatatag. Hindi ako dapat nagpapaapi.


Pumikit ako saglit para sariwain ang mga alaala namin ni Ate. Ang sarap lang balik-balikan ng mga bagay na iyong kinagisnan. Kung pwede lang sanang balikan iyon, gagawin ko kaso time flies.


Pagmulat ko ng aking mga mata, napatakip na lang ako sa aking bibig bigla. Hindi ko inaasahan ang aking nakikita ngayon. Natatakot ako!


Isang letrang "La" ang ngayo'y nagliliwanag sa aking noo. Hindi ko alam kung para saan ito. Pero isa lang ang inaasahan ko, dapat lang akong matakot.


Sa sobrang pangamba, pilit ko itong kinukuskos gamit ang aking kamay. Naghilamos ako nang paulit-ulit sa pagbabaka-sakaling mawala ito. Ngunit, ayaw talaga nitong mawala.


Napaurong akong bigla palayo sa salamin nang biglang may dugong sumibol dito. May pangungusap na pawang mensahe ang nais iparating nito.


"Mag-ingat sa matulis kung buhay mo'y mahal nang labis."


Hindi ko alam kung ano ang nais nitong iparating. Ang alam ko lang, natatakot ako. Nanginginig ako sa takot dahil naaalala ko ang babaeng nakaitim.


Halos yakapin ko ang pader nang bigla akong makaramdam ng kakaibang lamig. Kung hindi ako nagkakamali, ganito rin ang naramdaman ko kanina noong nagpakita sa akin yung babaeng nakaitim. Hindi kaya...


"Ako nga my dear!" Bulong ng isang tinig mula sa aking likuran. Nanlaki bigla ang aking mga mata dahil pakiramdam ko, lalamunin na ako ng lupa.


"Na-miss mo ba ako? Huwag kang mag-alala, akin ang iyong kaluluwa! Haha!" Giit niya at niyakap niya akong bigla ng pagkahigpit-higpit mula sa aking likuran. Para bang mauubusan na ako ng hininga sa sobrang higpit ng yakap niya.


"Ahh!" Isang malupit na sigaw ang aking pinakawalan.


"Hahaha! Ganiyan nga! Sumigaw ka pa!" Aniya habang humahagikgik sa pagtawa.


Isang puting liwanag ang aking nakita. Kasabay nito, isang imahe ng nakaputing babae ang tumambad sa aking harapan.


"Tulungan mo ako!" Sigaw ko.


"Hindi magniningas ang kasamaan kung ang puso mo'y naglalaman ng kabutihan." Aniya at nangiti ako at para bang nabugayan muli nang pag-asa.


Kasabay nito, ang pagbitaw ng babaeng nakaitim ngunit ako'y nawalan ng malay.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon