Chapter 75

44.8K 1.3K 157
                                    

Sobra akong nagpapasalamat kay Ate Joan dahil binigyan niya ako ng clue kung sino ang sunod na mabibiktima. Kaunting pigaan na lang at malalaman ko rin kung sino siya.


Dulot ng lubos na kasiyahan, napayakap akong bigla kay Ate Joan. Kahit na tumatagos siya sa aking bisig, in-imagine ko na lang na nakayakap ako sa kaniya habang nakasandig ang aking ulo sa kaniyang balikat.


"Huy, anong ginagawa mo?" turan ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran habang dinudutdot ang aking likod.


Bago tuluyang maglaho ang kaluluwa ni Ate Joan, isang ngiti ang kaniyang pinakawalan. Matapos no'n saka ko nilingon si Jerico na wari mo'y nagugulumihanan.


Bago ko siya harapin at tingnan ang mukha, sinilip ko muna ang aking orasan.


"5:45pm na, buti dumating ka pa," pagtataray ko habang nakataas ang aking kanang kilay.


Nakatayo pa rin siya habang nakahalukipkip sa aking gilid habang ako nama'y nakaupo pa rin sa may bench.


"Cleaners kasi ako. Isa pa, pinaglampaso pa kami ng sahig ng guro namin kaya tingnan mo itong kamay ko o, mamasa-masa pa," paliwanag niya sabay taas ng kaniyang mga kamay na medyo nanginginig-nginig pa dulot ng pasma.


"A, kawawa naman 'yong batang iyan..." pang-aalaska ko habang inaapi-api siya kuno.


"Wala e, gano'n talaga. Alam mo naman sa mga pampublikong paaralan. Kiss mo nga dali," segunda niya habang nagtataas-baba ang dalawa niyang kilay at nakangiti nang nakakaloko.


Nanlaki ang mata ko at hindi ko maipinta ang aking mukha dahil sa huling pangungusap na binitiwan niya.


"Joke lang. Alam ko namang magkaibigan lang tayo. At isa pa, may Charlie ka na."


Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla siyang tumalikod at hindi ko alam kung ano ba ang dahilan.


Tama siya, dapat talaga hanggang kaibigan na lang kami. Pero minsan talaga, hindi ko kinakaya ang mga binibiyiwan niyang kataga na wari mo'y may nagpipiyestang paru-paro sa loob ng aking tiyan.


"Kaibigan is kaibigan, tandaan mo iyan Morixette," turan ko sa aking isipan.


At isa pa pala, hindi pa rin pala niya alam na patay na si Charlie. Kumusta na kaya siya? Masaya kaya siya sa langit? Wala pa akong balita kung naiburol na ba ang bangkay niya. Sana, sana...


"Oo nga pala, pagkarating ko kanina dito sa school niyo e ipinagtanong kita sa gwardiya kaya natunton kita rito. Sabi no'ng guard e kanina ka pa nga raw naghihintay roon. Salamat a?" aniya nang humarap siyang muli sa akin.


"Wala iyon, ikaw pa? Malakas ka sa akin e."


"Sus, pero umalis ka raw bigla at pumunta rito. Para ka raw baliw na may kinakausap at tumatawa-tawa pa. Anong nangyari sa iyo? Napaglaruan ka ba ng anghel?"

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now