Chapter 31

56.6K 2K 213
                                    

Janine's POV


Namimiss ko na ang ate. Kung nasaan man siya ngayon, sana masaya na siya. Pero kahit na patay na siya, alam kong ginagabayan niya pa rin ako.


Simula nang mamatay siya, wala nang umaasikaso sa akin. Siya nga lang palagi ang karamay at sabdigan ko kaso kinuha na siya sa akin ni God. Wala na akong ateng masasandalan. Wala na akong mapagkukwentuhan.


Nakakalungkot mang isipin, kailangan pa ring tanggapin. Kapos na nga kami sa buhay, pareho pang walang trabaho ang aming mga magulang.


Ang nanay ko, sugal dito, sugal doon. Sa umaga, tsismis sa kalsada kasama ang aming mga kapitbahay ang laging inaatupag. Hindi niya man lang ako maasikaso para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Si Ate lang talaga ang nagparamdam sa akin na mahal niya ako. Kahit na barung-barong ang aming tahanan, malinis ito. Syempre, kailangan kong magsipag.


Hindi uso sa amin ang almusal. Tubig lang lagi ang laman ng aking tiyan. At dahil walang gripo sa amin, nag-iigib pa kami ng tubig sa may bombahan. Madalas, nagkakaubusan ng tubig kaya kailangan naming magtipid. Hindi rin uso ang pagligo, wisik-wisik lang ay sapat na. Maswerte ka na kung makaligo ka nang tatlong beses sa loob ng isang linggo.


At dahil nakatira kami sa. squatter's area, asahan mo nang marami anumalya ang nagaganap. Walong taon na ako kaya bukas na ang isipan ko sa mga bagay-bagay. Sabi nga ni Ate Arianne, "Kung ayaw mong maisahan, gamitin ang utak kung kailangan." Kaya naman utak lagi ang pinapagana ko.


Si Tatay naman, nangangalakal ng kung anu-ano kaso hindi pa rin iyon sapat para kami mabuhay. Lasinggero pa kaya lagi silang nag-aaway ni Nanay. Kaya umaalis na lang ako ng bahay sa tuwing nag-aaway at nagbubulyawan sila. Sawang-sawa na ako sa ganitong buhay.


Minsan iniisip ko, Sana, hindi na lang sila ang magulang ko. Sana, mayaman na lang ako. Nakaka-inggit din kasi yung mga kaklase kong may magarang damit, sapatos, gadgets at lahat ng gusto nila ay nakukuha nila.


Heto ako ngayon, naglalakad patungong eskwelahan nang walang laman ang aking tiyak. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Sana, kahit tinapay man lang ay makakain ako.


Habang naglalakad sa may daan, napadaan ako sa isang tindahan ng tinapay. Napahinto ako bigla at pinagmasdan ang masarap na tinapay.


Halos maglaway ako habang nakatanghod dito. Ang sarap-sarap! Yung punong-puno ito ng keso sa ibabaw habang sa paligid nito ay puro mantikilya. Napalunok bigla ako ng laway nang pagmasdan ko ang asukal nito at pinatungan pa ng itlog na pula. Ang paborito kong ensaymada!


"Kkrrggh" Narinig kong nag-aalburuto na ang aking tiyan sa gutom pero wala akong pera para makabili noon.


"Hoy bata! Umalis ka nga riyan! Kaya walang bumibili sa akin eh! Alis!" Singhal sa akin nung ale habang pinandidilatan ako ng mata. Napayuko na lang ako sa lungkot na aking nadarama.


Nagulat ako dahil may humintong sasakyan at isang babae ang bumaba rito. Siguro, nasa 20+ na siya.


"Aling Nena, pabili nga akong limang ensaymada tsaka malamig na inumin." Turan nito.


"Ay naku Doktora, suki na kita rito kaya may libre ka nang isa." Anito habang inilalagay sa plastik ang mga binili nung babae.


Nagsimula na akong maglakad at tila ba sisimulan na naman ang araw na walang laman ang aking tiyan.


"Beep.. beep.." Nakarinig ako nang busina kaya iniangat ko kaagad ang aking ulo. Laking gulat ko dahil ito yung sasakyan nung babae kanina.


Unti-unting bumukas ang bintana nito at dumungaw yung babae.


"Bata, mukhang gutom na gutom ka na. Heto, tanggapin mo." Aniya habang may ngiting namumutawi sa kaniyang mukha sabay abot sa akin ng pinamili niya kanina.


"Ibinibigay niyo po talaga sa akin iyan?" Nagugulumihanan kong tanong.


"Oo, kaya tanggapin mo na."


"Naku, maraming salamat po!" Pahayag ko at kinuha ko na ito.


"Ingat sa pagpasok." Aniya at pinaandar niya na ang kaniyang sasakyan.


"Maraming salamat po!" Sigaw ko habang kumakaway-kaway pa.


Naupo muna ako sa tabi para kumain muna saglit. Gutom na gutom na talaga ako kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na buksan ito.


Dahan-dahan kong binuksan ang plastik na bumabalot sa ensaymada. Inamoy ko muna ito at nilanghap ang napakasarap na bango na pawang gumuguhit sa aking isipan.


"Hmmm sarap!" Sambit ko sa unang kagat palang.


Namiss ko ang pagkaing ito. Madalas, ganito ang iniuuwi sa akin ni Ate Arianne sa tuwing may lakad sila ng mga kaibigan niya.


Lumagok ako ng kaunting inumin para maitulak man lang ang aking pagkain patungo sa aking tiyan. Kailangan kong tipirin ang inumin na ito hanggang mamayang gabi. Masarap pala ang ganitong inumin na may kulay pa.


"Thank you Lord!" Sambit ko matapos mabusog. May lima pang natitira kaya inilagay ko na ito sa aking bag.


Nagsimula na ulit akong maglakad. Ngunit, sa ikatlong hakbang ko, biglang nagliwanag ang langit. Nakakasilaw. Para bang may babaeng bumababa mula rito.


Hindi ako maaaring magkamali, yung ngiti't tindig niya palang, kilalang-kilala ko na...


"Ate Arianne!"


The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now