Chapter 94

34.3K 1.2K 56
                                    

"Ej... 'di ba patay ka na?" sambit ko.


Hindi ako makapaniwala na magpupunta siya rito sa bahay namin. Anong kailangan niya? Isa pa, patay na siya! Paano siya nakapunta rito?


Napaurong ako bigla nang ihakbang niya ang kaniyang kanang paa papasok sa loob ng aming bahay.


Mabagal siyang maglakad...


Para siyang...


Oh my gee, para siyang zombie!


Nanginginig ang tuhod ko dahil hindi ko alam kung paano siya pipigilin.


Nandito na siya ngayon sa loob ng aming bahay. Mabagal lang siya maglakad.


"Ej, tumigil ka na!" sigaw ko.


Akala ko, titingin siya sa akin pero hindi niya ako pinansin. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.


Hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa bahay namin. Pinagmasdan ko lang siya kung saan siya pupunta hanggang sa lumiko siya at...


Hala, si Lola!


Nagpapanic ako sa aking kinatatayuan dahil nasa panganib ngayon ang buhay ng lola ko.


Nang may maisip akong paraan, dali-dali akong tumungo sa may kusina at kumuha ng isang pinggan, tatlong kutsara at isang tinidor. Kumuha na rin ako ng kutsilyo pang-back up.


Medyo malayo pa naman si Ej sa kwarto ni Lola kaya bumalik kaagad ako sa sala para harapin ito. Mukha siyang unconscious at hindi wild kagaya ng ibang zombie kaya hindi ako natatakot sa kaniya.


Para bang may kumokontrol lang sa katawan niya kahit wala na itong kaluluwa.


"Ej!" sigaw ko para makuha niya ang atensiyon ko.


Huminto siya sa kaniyang kinalulugdan at tumingin sa akin.


Ayos, maisasagawa ko na ang aking plano.


Inihagis ko ang hawak kong pinggan sa harapan niya at nabasag ito tapos inihagis ko ang tatlong kutsara sa mukha niya.


"A-rghh!" anas nito na parang nairita.


Nagsimula siyang maglakad at dinaanan lang ang mga bubog sa sahig na wari mong 'di man lang siya nasaktan. Oo nga pala, manhid na siya at walang pakiramdam.


Dali-dali akong sumugod sa kaniya hawak ang tinidor. Balak ko itong itarak sa kaniyang ulo.


"Ah!" sigaw ko habang sumusugod papalapit sa kaniya.


Nakatayo lang siya at hinihintay ang aking paglapit.


Nang makalapit ako, itatarak ko na sana ang tinidor sa kaniyang ulo kaso napigilan niya ang kamay ko.


Isang pagak na ngiti lamang ang itinugon niya sa akin saka biglang sumuka ng dugo sa mukha ko.


"Ah!" sigaw ko habang nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko muna ininda ang nakakasulasok na dugo sa mukha ko. Bagkus, ginawa ko ang plan B.


Sa kaliwa kong kamay, hawak ko ang kutsilyo at ito'y winasiwas sa kaniya. Sigurado akong natamaan ko siya kaso nang imulat ko ang isa kong mata, sa braso ko lang siya natamaan.


Isang nakakakilabot na ngiti ang ibinigay niya sa akin kaya napatigagal ako sa aking kinatatayuan.


Sinampal niya ako nang malakas na nagpamanhid sa aking kanang pisngi at napasubasob ako sa may sahig. Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo at ito'y tumilapon sa malayo.


Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto at biglang namang nagsalita ang taong lumabas mula roon.


"Morixette, anong ingay ba iy--"


Hindi na natapos pa ni Jaycee ang kaniyang sasabihin nang makita ang aking kalagayan at si Ej na kakila-kilabot ang itsura na nandito sa loob ng bahay.


Nabitwan bigla ni Jaycee ang hawak niyang cellphone at wari mo'y natuod sa kaniyang kinatatayuan habang may suot pang headset sa kaniyang ulo.


"Jaycee, takbo!" sigaw ko.


Kaagad akong tumayo sa kinalugmukan ko at nagtatakbo patungo kay Jaycee. Mabilis kaming tumakbo papasok sa loob ng kaniyang kwarto.


Hingal na hingal kaming pareho na para bang nakipagkarerahan kami sa aso. Nanlalagkit ako dahil sa dugong nakakapit sa aking katawan.


"Morixette, sino ba iyon?" bungad niya habang nagpupunas ng tumatagaktak niyang pawis.


"Kaklase ko, pero patay na siya e! Balak niya yatang patayin tayo..." tugon ko.


"Sino ka? Tulong! Ahhh!"


Nagkatinginan kaming pareho ni Jaycee nang marinig namin ang boses na iyon.


"Si Lola!"


Lola Alette's POV


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ako. Kaagad ko namang kinuha ang aking antipara sa aking gilid at isinuot sa aking mata.


Dahan-dahan akong tumayo para silipin kung ano bang nangyayari roon.


Hindi pa ako nakakarating sa pintuan nang bigla itong bumukas.


Nasindak ako at nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang isang binatang nakasuot ng itim na blusa.


"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" sambit ko habang unti-unting napapaurong.


Napahawak ako sa aking dibdib dahil bumibilis ang tibok ng aking puso.


"Layuan mo ako! Huwag kang lalapit sa akin!" anas ko nang ihakbang nito ang kaniyang kanang paa papasok sa loob ng aking silid.


"Ahh!" sigaw ko nang bigla siyang naglakad na parang robot habang nanlilisik ang kaniyang mata na nakatuon sa akin.


Nanginginig ako sa takot maging ang aking mga tuhod.


Ano ang kailangan niya sa akin?

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now