Chapter 49

51.3K 1.7K 182
                                    

Rochaes's POV


Matapos ang kaganapan kanina, dinala muna nila ako sa sala para kumalma. Batid kong nag-aalala rin sa akin yung kapatid ko pero ayaw niya lang ipahalata kanina dahil hindi nga kami nagpapansinan. Natutuwa ako dahil siya pa mismo ang nagpainom sa akin ng tubig para kumalma ko kaso after no'n ay umakyat din siya kaagad sa taas.


Ganito pala yung feeling na masakit at malungkot. Kaisa-isa kong kapatid pero galit siya sa akin. Hindi ako sanay na ganito kami. First time lang itong nangyari dahil lamang sa isang babae. Ano bang ginawa ng babaeng iyon sa kapatid ko para pati ako ay kamuhian nito? She's not worthy of my brother's love.


After ng pupuntahan namin, dapat magkausap na kami ng kapatid ko. Gusto ko nang makausap siya. I miss his sweetness sa tuwing nilalambing niya ako. This time, mukhang ako naman ang kailangang lumambing sa kaniya.


"Okay na ba pakiramdam mo Rochaes?" Bungad ni Carie habang hinahagod ang aking likod.


Ayos na nga ba ang pakiramdam ko? Nakaget-over na nga ba ako roon sa multo? I don't think so. Pero hindi na nila kailangan mag-alala pa sa sitwasyon ko. I can handle this.


"Oo naman, okay na ko. Dulot lang siguro ito ng stress." Paliwanag ko.


Hindi ko alam kung maniniwala ba sila sa palusot ko. Pero ako mismo ay mukhang naghihinala sa mga ikinikilos nila. May napapansin ba sila sa akin na hindi ko napapansin?


"Oh my gee! Tama nga ang hinala ko." Singit ni Izzy sa gitna ng katahimikan.


Hindi ko alam kung ano ang irereact ko dahil sa reaksyon ni Izzy. Napakunot na lang ako ng noo.


"Sabi na nga ba't puyat ka." Singit naman ni Carie at bigla akong nilapitan sabay tanggal sa suot kong shades.


Napagitla ako sa kaniyang ginawa. My face! Gosh! Nakita na nila ang zombiemode kong mukha.


"Kaya pala ang malumanay mong kumilos kanina. Yung tipong kulang sa energy. Nakakapanibago girl! Hindi bagay sa iyo iyon. Mas okay na maingay ka't maraming kinukuda." Giit ni Izzy.


"This time, mas maganda kami sa 'yo. Haha!" Pambubuska ni Carie at nag-apir pa sila ni Izzy.


"Tse!" Tangi kong nasambit.


"Kung anu-ano kasi ang iniisip tuwing gabi. Dapat nga nagbubeauty rest ka rito sa Pinas." Ani ni Carie.


"Tama kayo riyan. Huwag niyo nang intindihin ang iniisip ko. Umayos na kayo'y aalis na tayo." Pahayag ko.


"Before anything else, what should we do first girls?" Ani ni Izzy.


"It's re-touch time! Haha!" Sambit naming tatlo na sabay-sabay.


After ng girl session namin, sumakay na kami ng kotse ko at pumunta sa aking destinasyon. This is it! Total enjoyment for us.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now