Chapter 57

48.4K 1.6K 115
                                    

Para akong lutang habang tinatahak ang daan patungo sa aking silid. Nakatingin lang ako sa malayo habang iniisip ang nangyari kanina.


Aaminin ko, kinikilig talaga ako lalo na roon sa huling banat niya. Para akong tanga ngayon na ngingiti-ngiti habang naglalakad sa corridor.


"In-love na in-love itong kaibigan ko a," bungad ni Dibina pagkarating ko sa tapat ng aming silid.


"Tse!"


Dali-dali akong pumasok sa loob para makaiwas sa pangungulit nito. Pero kahit na ganiyan iyang kaibigan kong iyan, na-miss ko iyan.


"Tinawagan nga pala ako ni Charlie," aniya habang nakatayo sa harapan ko.


Napatigagal ako at wari mo'y hindi makagalaw sa aking kinauupuan. Ano kaya ang sinabi sa kaniya nito?


"Anong sabi niya sa iyo?"


Napahalukipkip bigla si Divine at naging seryoso ang mukha.


"Hindi ko alam kung ano ang problema niyong dalawa. Hindi mo raw siya kinakausap. Tawag siya nang tawag, text siya nang text pero ni sagutin o reply man lang daw ay hindi mo magawa," panimula niya.


"Tapos nakisabay pa 'yong problema niyong dalawa sa pagkamatay ng ate niya. Ni hindi ka nga sumipot sa lamay nito maski na sa libing," dugtong pa niya.


"Alam mo, nakakaawa 'yong boyfriend mo. Tiyak na sobrang depressed iyon ngayon. Noong tumawag nga siya sa akin, umiiyak siya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong marinig siyang umiyak. Nakakahabag talaga siya, Morx."


"Gustong-gusto ka nga niyang puntahan sa inyo kaso hindi niya maiwanan ang burol ng ate niya tapos hindi naman kayo legal sa parents mo kaya tiniis niya muna iyong lahat."


"Noong bumisita kaming tatlo nina Thirdy at Jerwel sa burol ng ate niya'y halatang malaki ang pinayat nito. At isa pa, ang sarap sabunutan ni Denise dahil nakalingkis at lagi itong nakabuntot sa boyfriend mo. Hindi ka ba nagseselos?"


"Tapos ngayon, nakita kitang hinatid ng crush mo sa gate. Napakasaya mo nga e, para kang walang problema."


"Wala kang alam! Hindi mo kasi nararamdaman kung ano ang nararamdam ko!" sigaw ko.


Nagulat si Divine dahil sa pagsigaw na ginawa ko sa kaniya. Nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin sa aming direksyon at bigla naman kaming nilapitan nina Thirdy at Jerwel.


Hindi ko rin namalayan na kanina pa pala rumaragasa ang mga taksil kong luha. Lalong sumilakbo ang aking damdamin dahil sa sermon at parating na ibinato sa akin ni Divine.


"Oo, wala akong alam sa sitwasyon niyo! Kaya nga narito ako para tulungan kayong dalawa na magkaayos!" sigaw ni Divine na tila ba nanggigigil.


Oo, alam kong malinis ang intensiyon niya dahil nais niya lang namang magkaayos kami ni Charlie pero hindi pa ito 'yong time. Naiinis ako dahil akala niya, nakikipaglandian lang ako kay Jerico. Mga paratang na hindi ko gusto.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon