Chapter 17

63.7K 2.2K 150
                                    

Dali-dali kaming tumungo sa faculty room para hingin ang contact number ni Sir Brenan.


"Good Afteenoon Ma'am, maaari po ba naming mahingi ang contact number ni Sir Brenan? Urgent lang po." Turan ko habang nagmamakaawa sa harapan niya.


"Hija, hindi kasi namin ibinibigay ang number ng mga co-teacher namin sa mga estudyante. Unless, may pahintulot yung teacher." Paliwanag niya.


Hindi ko na alam kung paano kukumbinsihin yung teacher na kaharap ko ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na nasa panganib yung buhay ni Sir Brenan. Ano na ang gagawin ko ngayon?


"Morixette, mukhang hindi na natin matutulungan si Sir." Singit ni Divine sa gitna ng aking pag-iisip.


"Huwag tayong mawalan ng pag-asa guys." Dugtong pa ni Jerwel.


"Got it! Baka matulungan tayo ni Kuya Arcie! Janitor siya rito sa school. Malay natin, matulungan niya tayo." Pahayag ni Thirdy.


"Good idea Thirdy. Mapapakinabangan din pala natin minsan yung utak mo. Haha!" Panunuya ni Divine rito.


"Oo naman. Hindi naman ako bobo 'no. Hindi ko lang talaga ginagamit madalas yung utak ko hehe." Paliwanag niya.


"Thanks! Tara, subukan na natin!" Segunda ko at dali-dali naming tinungo ang maintenance office.


Pagkarating namin doon, hinagilap namin kaagad si Kuya Arcie.


Nang makita namin siya, napatigagal talaga ako sa kaniyang tindig at postura. Makalaglag panty pa! Joke, hindi nga pala ako nagpapanty kaya walang malalaglag chos!


Ka-close pala siya ni Thirdy. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil nagpapapungay pa ng mata si Divine rito. Nagpapacute pa.


"Kuya Arcie, matutulungan mo ba kami?" Bungad ni Thirdy habang nasa tapat sila ng pintuan. Kaming tatlo naman, nasa sulok lang at nakikinig sa kanilang usapan.


"Depende. Ang tuloy ba ang maiaambag ko?" Tanong niya.


Grabe talaga, ang gwapong janitor naman ni Kuya Arcie. Nasa 20+ na siya tiyak. Marami na siguro siyang nabihag na kababaihan at isa na si Divine roon haha.


"Kailangan po kasi namin talagang makuha yung contact number ni Sir Brenan. Kaso, ayaw ibigay doon sa faculty room. Baka po maaari niyong maipagtanong sa kanila. Urgent po kasi talaga." Paliwanag ni Thirdy.


Best actor din pala 'to, ang galing magpaawa. Dinaig pa niya ako. Siya na talaga.


"Hindi kayo nagkamali ng nilapitan. May number ako ni Sir Brenan. Ang bait kaya nun. Naging teacher ko pa siya dati kaya naging ka-close ko rin siya." Paliwanag nito.


"Naku, salamat Kuya Arcie! Hulog ka ng langit!"


"Thank you po!" Sambit naming apat.


Pagkakuha namin ng contact number ni Sir, agad namin siyang tinawagan. Nakausap ko siya kaso saglit lang. Medyo mahina kasi ang signal ni Sir kaya choppy. Nang tuluyang maputol ang linya, wala na kaming nagawa pa.


Tumungo kami sa canteen upang magpalubag-loob dahil kinakabahan kami sa maaaring mangyari kay Sir. Ilang sandali pa, biglang nagliwanag ang librong ABaKaDa sa loob ng bag ko kaya kaagad kong kinuha ito.


Pagkalabas ko nito, kusa itong bumukas.


"Hindi ka nagtagumpay. Sumalangit nawa ang kaniyang buhay."


Nagulat kaming apat sa sa mensaheng ipinarating nito. Patay na nga ba talaga si Sir?


Muli itong lumipat sa susunod na pahina.


Alphabeto: Ba

Mensahe: Sa pagtatapos ng buhay mo, ang bangin ang sayo'y sasalo

Kamatayang ipinataw: Bangin


Napaluha na lang akong bigla dahil bigo ako sa unang biktima ng ABaKaDa. Hindi ko alam kung kaya ko pang iligtas yung mga taong sunod pa nitong mabibiktima.


"Wala na tayong magagawa pa. Patay na si Sir." Turan ni Jerwel.


"Iyon na eh. Patay na si Sir, wala man lang akong nagawa para tulungan siya." Giit ko.


"Hindi mo kailangang sarilihin ang bagay na iyan. Kaibigan mo kami, tulong-tulong tayong kikilos para mailigtas ang mga taong nasa bingit ng kamatayan." Singit ni Thirdy.


"Sa pa iyan. At dahil kaibigan ko kayo, nadamay pa kayo sa larong dulot ay kamatayan. Isa lang ang pagpipilian natin, ang tuluyang mabuhay o mamatay." Ani ko.


"Huwag ka ngang selfish Morixette. Ang mong sarilihin yung problema. At dahil damay na rin kami, problema na rin namin iyan. Kaya nga tulungan 'di ba?" Segunda ni Divine.


"Pasensya na guys. Nadala lang ako ng emosyon ko. Nakalimutan ko ang kapangyarihan ng pagkakaisa. Naniniwala akong mapagtatagumpayan natin ang lang ng ito." Pahayag ko. Dulot ng matinding emosyon, niyakap namin ang isa't isa.


Napahiwalay kaming apat sa pagyayakapan nang biglang magliwanag muli ang libro na nasa lamesa at isang mensahe na naman ang ipinarating nito sa amin.


"Ihanda ang sarili, huwag manghuli ng tutubi. Kapanibughuan ay iwasan, dulot nito sayo'y kamatayan."


Napaisip kaming apat sa mensaheng ipinarating nito. Maaaring may mamamatay na naman. Pero sino?


"Guys, panibagong pakikibaka na naman ang kakaharapin natin. Prepare yourself." Bungad ni Jerwel.


Alam kong mahirap pero kakayanin namin. Isa lang naman ang kailangan, ang magtulungan.


"Mapagtatagumpayan natin ito guys! Maniwala tayo." Turan ni Thirdy.


"Yeah right!" Pagsang-ayon namin.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon