Chapter 26

51.7K 2K 174
                                    

Tinakpan bigla ni Divine ang aking bibig. Nawaglit sa isipan kong nandito nga pala kami sa ospital at hindi kami dapat gumawa ng kabalbalan.


"Aray!" Paimpit kong singhal dahil kumikirot ang paa ko.


"Gosh, dumudugo ang paa mo!" Turan ni Divine habang nakabuka ng malaki ang kaniyang bibig.


Pagyukod ko sa sahig, nagulat din ako dahil may thumbtacks ditong nakakalat na para bang isinalansan para gawing bitag.


Paika-ika akong umurong habang inaalalayan ako ni Dibina patungo sa malapit na upuan. Pagkaupo, kaagad kong tinanggal ang aking sapatos inspeksyonin ang aking paa.


"Grabe, bakit ayaw tumigil sa pagdurugo ang paa mo?" Turan ni Divine habang pinupunasan ang mga dugo sa aking paa gamit ang kaniyang panyo.


"Dito ka lang ah? Tatawag lang ako ng nurse para linisin ang sugat mo." Aniya at naglakad na palayo.


Habang ako'y nakaupo rito, hindi ko maiwasang mapatingin sa kinalulugdan ni Padre Santiago. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang biglang may sumirit na dugo sa sahig. Dumadaloy ang mga dugong ito patungo sa kinaroroonan ko.


Sa sobrang takot at kaba, napataas akong bigla ng paa. Nanginginig ako sa takot dahil parang may sariling buhay ang mga dugong naglalapitan sa akin.


Gusto kong sumigaw sa takot kaso hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa boses ko. Pumikit na lang ako para hindi ako masyadong matakot.


Pagmulat ko ng aking mata, wala na ang dugong rumaragasa sa sahig. Napabuntong-hininga na lamang ako na para bang nabunutan ng malaking tinik. Pero, biglang kumirot ang sugat ko sa paa kaya napasinghap ako sa hangin.


Naumid akong bigla dahil may yabag akong naririnig patungo sa aking pwesto. May bakas ng paa na papalapit sa akin habang ito'y nag-iiwan ng bloody footprint sa sahig.


Unti-unti akong napapayakap sa pader dahil nagsisitayuan na ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi na biro ito. Isa pa, ang lakas ng itim na aurang bumabalot sa kaniya.


Palapit na ito nang palapit sa akin. Isang hakbang niya na lang at at...


Napatakip na lang akong bigla ng kamay sa aking bibig dahil kaharap ko na siya ngayon. Isang pigura ng lalaki ang tumambad sa aking harapan.


"Ikaw ang susi para ako'y muling mabuhay!" Giit niya habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Napapailing na lang ako sa sobrang takot.


"Anong hindi? Bubuhayin mo ako, sa ayaw at sa gusto mo!" Aniya habang galit na galit.


"Layuan mo na ako please!" Pagsusumamo ko.


"Buhay!" Sigaw niya at bigla na lang napunit ang kaniyang litid kaya sumirit ang kaniyang dugo mula sa kaniyang lalamunan patungo sa aking mukha.


"Ahhh!" Sigaw ko dahil naliligo na ang sa nakakasulasok na dugo.


"Morixette!"


"Morx, kalma! Si Divine ito!" Pahayag ni Dibina habang niyuyugyog ang aking katawan. Natauhan na aking bigla kaya napayakap na lang ako sa kaniya.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now