Chapter 83

42.9K 1.4K 133
                                    

Nilibot ko na ang buong ospital pero hindi ko pa rin natatagpuan si Thirdy. Hindi ko na alam ang gagawin ko na tila ba nagpapanik na ako. Gusto kong iligtas ang kaibigan ko pero hindi ko malaman kung paano, kung nasaan ba siya, at ano ang maaari kong gawin.


Nanlulumo na ako halos dahil nawawalan na ako ng pag-asa habang naglalakad palabas ng ospital nang may marinig akong humihingi ng tulong.


"Tulong! Tulungan niyo ako!"


Alam kong malapit lang sa akin 'yung humihingi ng tulong kaya hinagilap ko siya. Isa pa, parang pamilyar sa akin 'yung boses niya.


"Nasaan ka?!" sigaw ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. Madilim kaya mahirap umaninaw.


"Morixette? Ikaw ba iyan? Tulong! Argh!" anas pa niya.


"Thirdy? Nasaan ka?" natataranta kong tugon. Napapasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil hindi ko siya mahagilap pero unti-unting lumalakas ang boses niya na ibig sabihin ay malapit na ako sa kinaroroonan niya.


"Nandito ako sa may... ah!"


Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin at bigla ko na lamang siyang bumulagta sa sahig habang namamalipit sa sakit malapit sa may ambulansiya kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.


"Thirdy, anong nangyari sa iyo?" bungad ko habang nakaupo paharap sa kaniya.


Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at bigla napadako ang aking tingin sa kaniyang leeg at doon ko napagtanto na may kagat siya ng ahas. At isa pa, ang lamig-lamig niya habang pawis na pawis.


"Thirdy, dadalhin na kita sa loob. Lakasan mo ang loob mo, maaagapan pa iyan."


"Morixette, mukhang hindi na ako tatagal. Ikaw na ang bahala kay Divine..."


"Huwag mo ngang sabihin iyan! Magpakatatag ka!"


Naiiyak ako para sa kaibigan ko. Pinapalakas ko ang kaniyang loob para hindi siya tuluyang sumuko. Nasa labas lang kami ng ospital kaya tiyak maaagapan pa. 


"Dadalhin na kita sa loob..."


Akmang itatayo ko na siya pero hindi siya makatato. Doon ko nalamang may tuklaw rin siya sa may binti. At nang alalayan ko siya, isa pang tuklaw sa kaniyang braso ang nakita ko.


"Kaya mo ito, Thirdy. Laban lang..."


Halos 'di na siya makapagsalita dulot ng tuklaw ng ahas. Kailangan kong magmadali papasok sa loob dahil mabilis kumalat ang kamandag.


Gabing-gabi na kaya wala nang masyadong tao sa paligid. At isa pa, hanggang alas nuwebe lang ang dalaw sa mga pasyente kaya limitado lang ang makikita mong tao. Sana, may tumulong sa akin dahil ang bigat ni Thirdy.


Ihahakbang ko na sana ang kanang paa ko nang biglang may bumulagang ahas sa harapan ko.


The Return of ABaKaDa (Published)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt