Chapter 50

46.2K 1.6K 35
                                    

Morixette's POV


Pagkalabas ko ng bahay, sakto namang papadaan si Jerico habang nakasakay sa bike niya. Hihintuan niya sana ako kaso pinigilan ko siya at naghand sign ako na nagmamadali ako.


Nakita ko sa kaniyang mukha ang lungkot pero kahit na gusto ko siyang kausapin, hindi pwede dahil kailangan kong makapunta sa bahay nila Charlie as soon as possible.


Pagkarating ko sa labas ng subdivision, napansin kong nagliliwanag na naman ang aklat kaya kaagad ko itong kinuha sa aking bag at binuklat.


Bilisan mo, kamatayan niya'y malapit nang maging polido.


Nagpapanic na ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano bang kamatayan ang ipapataw ng ABaKaDa kay Ate Rochaes. Isa lang ang sa isip ko'y nakatanim, kailangan ko siyang puntahan kaagad sa bahay nila.


Pagkabalik ko sa loob ng aking bag nung libro, bigla namang nagring sa cellphone ko.


Charlie is calling...


Nang makita kong si Charlie ang tumatawag, kaagad ko namang sinagot ito.


"Hello?" Bungad ko.


Nagtataka ako dahil walang nagsasalita sa kabilang linya. Iniisip ko tuloy na baka may iba nang nangyari sa loob ng bahay nila.


"Hello? Charlie? Ikaw ba 'to?" Tanong kong muli habang nakatayo sa labas ng subdivision.


Nagulat na lamang ako nang isang hikbi ang aking narinig mula sa kabilang linya.


"Charlie? Okay ka lang ba?" Alala kong tanong sa kaniya.


Natataranta ako sa kinikilos niya. Wala man lang siyang maisagot sa tanong ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.


"Baby..." malamig niyang sambit.


Narinig ko na naman ang baby na iyan. Gusto ko mang kiligin, pangamba ang bumabalot sa akin.


Sumunod pa ang sunod-sunod na pagsinghot ng sipon at tiyak ko nang umiiyak nga ang boyfriend ko.


"Patay na si Ate..." dugtong pa niya.


Tuluyan na ngang rumagasa ang kaniyang pagluha habang naririnig ko ang kaniyang pagsusumamo sa kabilang linya.


"Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita, huwag kang aalis," tugon ko.


"Bahay," matipid niyang sambit habang patuloy pa rin sa pagragasa ang kaniyang luha.


"Okay baby, papunta na ko," sambit ko at dali-dali kong ibinulsa ang aking cellphone.


Papasakay na sana ako ng jeep nang biglang magliwanag muli ang libro.


Tumabi muna ako sa sulok bago ko ito inilabas sa loob ng aking bag. Hindi ko alam pero kinakabahan ako nang binuklat ko ito.


"Hindi ka nagtagumpay, sumalangit nawa ang kaniyang buhay."


Napatigagal ako nang mabasa ko iyon. Nabigo na naman akong makaligtas ng buhay ng tao. Nakakalungkot dahil wala akong nagawa para sa ate ni Charlie.


Oo nalulungkot ako sa pagkawala ng ate niya. Kahit naman masama at hindi palagay ang loob sa akin ni Ate Rochaes ay hindi ko siya itinuring na kaaway o kahit na magtanim man lang nang hinanakit sa kaniya.


Pero on the other side of my thought, natutuwa ako dahil wala nang pwedeng humadla at maging balakid pa sa relasyon namin ni Charlie. Oo, ang sama nang thinking kong ito pero lahat naman ng tao ay may darkest thought din naman.


Sa muling paglipas ng pahina, ibinigay na nito ang kaniyang hatol kay Ate Rochaes.


Alphabeto: Ka 

Mensahe: Maging mataimtim sa pagsabay sa indayog ng hangin. Sa pagbagsak mo sa lupa, ikaw ay ngangawa. 

Kamatayang ipinataw: Kawayan


Wala akong ideya sa kung papaano ba namatay si Ate Rochaes by means of kawayan. Sa ngayon, kailangan ko munang puntahan si Charlie para madamayan ko siya.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon