Chapter 74

41.4K 1.4K 305
                                    

Ang awkward sa pakiramdam. Para bang sinisimpatiya namin ang isa't isa kung sino ang unang magsasalita. Maski ako'y nag-aalinlangang ibuka ang aking bibig dahil hindi ko naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya.


Umiwas siya ng tingin at kinuha niya ang pulbo sa loob ng maliit na bag na nakasukbit sa balikat niya. Nagtaktak siya ng pulbo sa kaniyang kanang palad at naglagay ng mga linya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang hintuturo.


Para bang hindi niya ako nakikita. Patuloy lang siya sa ginagawa niya. Ayoko naman nang maging bastos dahil kung ako talaga ang may kasalanan sa kaniya, sige magpapakumbaba ako.



Sabi nga nila, "Wala namang taba ang pride kaya hindi masama kung lulunukin mo ito."


"Divine..."


Ako na ang unang nagsalita para makuha ko ang atensiyon niya.


"Hala, sino ang tumawag sa akin? Bakit humangin bigla dito sa loob? Ang lamig, may multo yata. Makaalis na nga."


Nasaktan ako sa ginawa niya sa akin. Mistulang multo na lamang ako ng nakaraan niya, namin. Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para magkaayos kami.


Sakto namang pagkalabas ko sa loob ng comfort room ay biglang tumunog ang bell kaya dumiretso na ako kaagad sa aking silid.


Balik sa dating gawi. Tahimik lang ako na nakikinig sa mga itinuturo ng aming guro.


Mabilis lumipas ang oras. Pagkatapos ng aming klase, dumiretso kaagad ako palabas ng aming eskwelahan. Naupo ako malapit sa may guard house dahil hihintayin ko pa si Jerico. Handa na akong ipaalam sa kaniya ang tungkol sa ABaKaDa.


Nagmuni-muni ako habang hinihintay siya. Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng lumalabas sa gate ng aming paaralan.


Mayroong daraang magkasintahang sweet na sweet pa at magkahawak kamay habang naglalambutsingan at naglalakad. Nakaka-miss 'yong panahong ganoon pa kami ni Charlie. Hindi nga lang kami showy sa school dahil mahiyain kuno kami pareho pero deep inside e gustong kumawala ng kaharutan namin sa loob ng aming katawan.


Mayroon ding dumadaan na magkakabarkada. Nakakalungkot lang dahil hindi na kami buo ngayon. Sabi nila, ang high school daw ang pinakamasayang stage ng isang kabataan. Masasabi kong totoo iyon.


Mayroon namang mag-isa lang. Nandiyan 'yong nerdy type, the anti-social, 'yong mga emo type at ang higit sa lahat, 'yong black sheep na parang ako ngayon.


Ang hirap magpaka-Ms. Lonely. 'Yong tipong sa tuwing maglalakad ka e anino mo lang ang nakaagapay sa iyo; sa tuwing kakain ka e tutulo na luha mo sa bawat pagsubo palang; kapag nakasakay ka sa jeep ay hangin lang ang yumayapos sa iyo. Ang hirap.


No man is an island, walang talagang kayang mabuhay nang mag-isa. Kailangan mo ng sandigan at masasandalan.


Alas kwatro y medya na pero wala pa rin si Jerico. Medyo naiinip na ako pero kaunting tiyaga pa, darating din iyon.

The Return of ABaKaDa (Published)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant