Chapter 88

43.2K 1.3K 274
                                    

Umuwi na naman akong luhaan, sugatan, walang napakinabangan. Napakatanga ko kasi, ako pa mismo ang nagsasabi at nagpapayo sa ibang tao na lakasan ang loob pero ako mismo ay wala no'n.


Kung hindi ko pinairal ang takot at pangamba, malamang ay nailigtas ko si Kaye. Napamahal na rin sa akin iyon kahit na gano'n siya. Nakakalungkot dahil nadamay siya sa bagsik ng ABaKaDa.


Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nalugami sa pagkasipayo. Wala naman akong ibang magawa kundi ang sumubasob sa kama ko habang iniisip ang nangyari kanina.


Manaka-naka pa, biglang nagliwanag na naman ang libro kaya walang sigla ko itong kinuha sa loob ng aking bag saka binuklat.


Hindi ka nagtagumpay. Sumalangit nawa ang kaniyang buhay.


Nakakapanlumo, madalas akong talunan sa labang ito.


Lumipat nang kusa sa sumunod ang aklat.


Alphabeto: Pa

Mensahe: Kasabay ng pagsabog ang kaniyang pagkakalasog-lasog

Kamatayang ipinataw: Paputok


Hanggang kailan ba ako magdudusa nang ganito? Nakakapangkonsensiya...


Habang nakapangalumbaba ako't nakatanghod sa may libro, bigla itong lumutang nang kaunti kaya nabitawan ko ito. Kasabay no'n ay ang paglipat nito sa sumunod na pahina.


Nakakangalit kapag masakit,

Kung makakain ka'y malimit.

O kay sarap bunutin,

Pasakit na ngipin.


Hindi ko mawari kung bakit patungkol sa ngipin ang ibinigay ng libro. Ano naman kaya ang kinalaman nito sa susunod na biktima?


Ibig sabihin kaya nito'y masakit ang ngipin ng susunod na biktima? Pero saan ko siya mahahanap?


---


Maaga akong pumasok sa school dahil wala naman akong magawa sa bahay. Maski naman dito sa school, pagkarating ko nga'y nakatanga lamang ako sa upuan ko. Hindi gaya noon na tatambay pa kami nina Dibina sa canteen para manginain. Nakakamiss ang mga bagay na kinagisnan mo na.


Para akong transferee na hindi makausap dito sa school ngayon. Wala e, kalungkutan ang namamayani sa akin. Isa pa, hindi ko naman close ang mga kaklase ko kaya bilang pormalidad, ngumingiti lamang ako sa kanila kapag binabati nila ako.


"Huwag mo nang isipin iyon, mahal ka naman no'n."


Napalingon ako sa bandang kaliwa ko dahil sa nagsalita. Si Ej lang pala.


"Sana, kapiling ko pa rin siya ngayon..." litaniya ko.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon