Epilogue

73.7K 1.8K 1K
                                    

Ipinikit ko muna ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

Pagmulat ko, iniusal ko na ang seremonyang nakasaad sa libro.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Matapos kong iusal ang mga katagang iyon, biglang nagningning ang libro at naglabas ito ng fireworks.

Isang putok lamang ang ginawa noon ngunit litrato ng mga biktima ng Alphabet ang iminudmod nito sa ere.

Sa bawat litrato ay mayroong pangalan, sa baba ng pangalan ay may nakalakip na letra.

Sampu lamang ang aking pipiliin. Inuna ko na si Ate Roxette.

Itinuon ko ang aking kanang kamay sa kaniyang litrato at ito'y biglang naglaho sa ere.

Iginala ko ang aking paningin at ininspeksyon isa-isa ang litrato.

"Si Ate Joan!" sambit ko sa aking isipan nang makita ang kaniyang litrato.

Itutuon ko na sana ang aking kamay sa kaniyang litrato nang bigla may lumabas na liwanag sa itaas at lumitaw roon ang pigura ni Ate Joan at siya'y umiiling-iling.

Ibig sabihin ba nito, ayaw niya nang mabuhay? Masaya na ba siya sa langit?

Isang ngiti ang itinugon ko sa kaniya nang makuha ko ang nais niyang iparating. Nginitian na rin ako bilang tugon at nawala siyang bigla na parang bula.

Iginala kong muli ang aking mata.

Ginny? Siya 'yung babaeng may hawak na kidney! And, kaibigan siya ni Ate!

Itiuon ko ang aking kanang kamay sa litrato niya at nawala na rin ito sa listahan.

"Walo pa," sambit ko sa aking sarili.

Arianne, kaibigan din siya ni Ate.

Agatha, siya 'yung babaeng putol ang paa.

Mark? Ang gwapo naman nito.

Nikka, 'yung babaeng inaalihan ng linta sa jeep! Nakakaawa siya at mukhang guso niya talagang mabuhay.

Itinuon ko ang aking kamay sa litrato ng apat na napili ko at nawala na sila sa listahan.

"Apat na lang," sambit ko.

Karlo, siya 'yung lalaking nanakot sa akin sa simbahan! Siya 'yung lalaking pugot. Kyot siya kaso mukhang hindi naman na niya deserve mabuhay so no to him.

Nagulat ako ng biglang magkaroon ng ekis ang kaniyang litrato dahil nag-no ako sa kaniya.

Iginala ko ang aking mata at inalisang mabuti ang mga litrato.

Grace, hindi ko matandaan kung kailan siya nagpakita sa akin pero okay siya sa akin.

Hannah, siya rin. Hindi ko maalala pero gusto ko ang mga ngiti niya.

Itinuon ko ang aking kamay sa dalawang litrato at nawala na sila sa listahan.

"Dalawa pa!" turan ko.

Mia? Oh my gosh! Tinakot niya ako sa may kusina! No.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon