Chapter 14

61.2K 2.3K 53
                                    

Pagkarating namin sa canteen, nakaupo lang ako. Ni hindi ko magawang kumain dahil iniisip ko pa rin kung tama ba ang hinala ko sa kung sino ang unang biktima nang ABaKaDa.


"Morixette, masyado ka yatang balisa ngayon? May problema ka ba?" Bungad ni Thirdy.


"May bumabagabag lang sa aking isipan. Huwag niyo na akong intindihin hehe." Ani ko.


"Asus, kaibigan mo kami kaya pwede mo kaming pagkatiwalaan. Malay mo, masolusyonan pa namin problema mo. 'Di ba guys?" Pahayag naman ni Jerwel.


"Yeah right." Pagsang-ayon naman nina Divine at Thirdy.


Dapat ko na bang ipaalam sa kanila ang patungkol sa ABaKaDa? Baka nga matulungan nila ako para mas sigurado ako.


"Guys, maniniwala ba kayo na may taning na ang buhay ko?" Bungad ko.


"What? Mamamatay ka na?" Singit ni Jerwel.


"Kailan mo pa nalamang may sakit ka? Cancer ba? Tumor? Leukemia? Sakit sa puso? Ano?" Pahayag naman ni Thirdy na aligagang-aligaga.


"Iiwanan mo na kami friend? Akala ko ba walang iwanan?" Pagdadrama naman ni Divine.


"Guys, wala akong sakit. May taning na ang buhay ko dahil sa pagnanais kong mabuhay si Ate Roxette." Paliwanag ko.


"What do you mean? Hindi ka naman maintindihan." Giit ni Divine.


Inilabas ko ang libro at ipinakita ito sa kanila.


"The Return of ABaKaDa? Ano naman kinalaman niyan sa pagkakaroon ng taning ng buhay mo?" Segunda ni Thirdy.


"Huwag mo sabihin, 'Iyan ay libro ng sinumpang mangkukulam na nabaliw sa pag-ibig?' Hahaha!" Pagbibiro ni Jerwel.


"Tumigil ka nga Jerwel, epekto iyan sayo nang kapapanood kay Doktora the Explorer haha." Anas ni Divine.


"Tama si Jerwel guys, sinumpa ito. Pero hindi libro ng mangkukulam. Kung hindi, libro ng isang multo." Paliwanag ko.


"What? Multo? Haha!" Segunda nilang tatlo.


"Ang lakas ng tama mo. Nagpacheck up ka na ba?" Giit ni Thirdy na humahagalpak pa rin sa katatawa.


"Guys, seryoso ako. Kung ayaw niyong maniwala, fine!" Pagdadabog ko. Hindi kasi nakakatuwa ang ginagawa nila.


"Chill! Relax lang, niloloko ka lang namin friend. Sige na, magkwento ka para maliwanagan kami." Pahayag ni Divine. Seryoso na kaming lahat ngayon.


Ikinuwento ko sa kanila ang lahat-lahat patungkol sa ABaKaDa. Napanganga na lang sila. Hindi ko alam kung naniniwala ba sila sa akin o tinutuya lang nila ako.


"Ibig sabihin, kailangan mo talagang iligtas ang buhay nung mamamatay para makabuhay ka muli nang patay?" Tanong ni Jerwel.


"Oo ganun na nga. Binigyan na ako ng clue nitong ABaKaDa kung sino ang unang mabibiktima. Nalagay ang buhay niya sa alanganin dahil sa akin. Ako ang higit na makokonsensya kapag hindi ko nailigtas ang taong iyon." Pahayag ko.


"Huwag kang mag-alala friend, tutulungan ka namin. 'Di ba guys?" Turan ni Divine.


"Oo naman!" Sagot nung dalawa.


"Thank you guys! Kung hindi dahil sa inyo, baka mabaliw ako nito." Pahayag ko.


"Walang anuman." Sagot nila at naggroup hug kami.


Nagliwanag muli ang libro at nawindang ako sa nilalaman nito.


Mahuhuli ka na,

Siya'y aligaga pa.

Maghunos-dili ka,

Buhay ay masasagip pa ba?


Guys? Ano ang ibig sabihin nito? Sabay pakita sa kanila nung libro.


Umagos bigla ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan dahil napagtanto kong buhay nila'y nasa pangsnib din. Ang noo nila'y nagliliwanag. May mga letrang nagniningning doon.


"Anyare sayo?" Tanong nila.


"Guys, may taning na rin ang buhay niyo." Paliwanag ko.


"Mamamatay na rin kami?" Pahayag ni Divine.


Hindi ko magawang tumango dahil guilty ako. Pakiramdam ko, ako mismo ang kikitil sa buhay ng mga kaibigan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.


"Alam kong kaya natin itong lampasan, basta, sama-sama tayong lalaban at haharapin ang sakunang maaaring dumating." Singit ni Thirdy.


"Sa ngayon, huwag muna nating isipin na tayo'y mamamatay. Resolbahin muna natin kung anuman ang nais iparating ng ABaKaDa." Pahayag naman ni Jerwel.


"Guys, sorry talaga." Pagsusumamo ko.


"Huwag ka ng umiyak friend. Tandaan mo, hindi tayo mamamatay." Giit naman ni Divine.


Nginitian ko lang sila bilang pasasalamat. "Ngayon, gawin na natin. Simulan natin sa umpisa! Go fight!" Pahayag ko ay binuksan ko ang libro sa unang pahina nito.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now