Chapter 20

60.5K 2.2K 167
                                    

Pagkarating namin sa labas ng simbahan, tila ba nagkakagulo ang mga tao. Nag-iiyakan yung mga bata at hindi magkandamayaw ang iba pang mga bisita. Ang mga guro'y pawang takot na takot. Ang mga kapwa estudyante naman namin ay nagpapanic at nagsisitilian.


At dahil maraming katanungan ang biglang pumasok sa isipan ko, minabuti kong magtanong sa mga tao nagsisitakbuhan palabas ng simbahan. May hinarang akong isang binata para magtanong.


"Excuse me, anong kaguluhan mayroon dito? Bakit tarantang-taranta ang mga tao?" Tanong ko habang nakahawak sa kaniyang braso.


Litong-lito siya at parang kabang-kaba. Pawis na pawis at nanginginig sa takot. Nakiramdam ako sa mga kasama ko at ganun din ang nararamdaman nila.


"H-huwag na kayong m-magbalak pang p-pumasok sa loob! M-mapanganib!" Pautal-utal niyang tugon.


"Anong mapanganib ang sinasabi? Pakilinawan naman." Turan ni Divine habang nakahalukipkip dulot ng kaba't pangamba.


"May demonyo sa loob ng simbahan! Nabuhay ang patay!" Giit niya at biglang nagkukumahog na tumakbo palayo.


Kaming apat ay biglang natahimik. Wala ni isa sa amin ang makapag-usal ng salita. Hindi namin alam kung dapat pa ba kaming tumuloy o hindi na.


"Guys, dawit tayo sa gulong ito kaya dapat lang na suungin natin ang problemang nagbabadya sa loob." Bungad ni Jerwel.


"Baliw ka ba? May demonic activity na nangyayari sa loob tapos papasok pa tayo? Mas better siguro kung umuwi ni tayo!" Pahayag ni Divine.


"Tama si Divine. Ang pari na ang concern doon at labas na tayo kaya umuwi na tayo." Dugtong naman ni Thirdy.


"Hindi ako uuwi guys. Kung ayaw niyo, ako na lang mag-isa ang papasok sa loob!" Pahayag at dali-dali akong nagtatakbo papasok sa loob ng simbahan.


"Morixette sandali! Hintayin mo kami!" Sigaw nila habang sinusundan ako papasok sa loob.


Pagkapasok ko, yung paring nakausap ko noon ay nakikipagtunggali sa sunog na bangkay ni Sir Brenan.


"Lumayas kang demonyo ka sa katawan ng binatang iyan!" Giit ng pari habang may hawak na holy water.


"Hindi mo ako mapipigilan! Ang katawang ito ay pag-aari ko! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Marami pa akong pangarap sa buhay!" Sumbat ni Sir Brenan sa pari. Nakakatakot ang boses niya, para bang napakalamig na pagkalakilaki na hinugot pa mula sa kailaliman ng lupa.


"Brenan anak! Mahal ka namin! Kung anuman ang plano sayo ng Panginoon, dapat nating sundin." Singit ng nanay niya na nakayakap sa silya habang nakaluhod sa sahig.


"Alam kong hindi ko pa oras kaya ako nagbalik!" Sagot nito.


"Anak, tanggapin mo na ang katotohanan na patay ka na! Oo masakit sa amin, pero wala kaming magawa. Alam kong gusto mo pang matupad ang lahat ng pangako mo sa amin na magkaroon ng malaking bahay, makabili ng magarang kotse pero ngayong wala ka na, lahat ng pangarap mo sa amin ay naglaho lahat na parang bula. Tandaan mo anak, nawala ka man sa piling namin, hindi ka mawawala sa puso namin." Nagsusumamong tugon ng nanay nito. Nakaramdam ako ng matinding emosyon dahil sa pinakawalang kataga ng kaniyang ina.


"Nay.." Sambit ni Sir Brenan. Nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang mga mata.


"Morixette!" Sigaw ng tatlo kong kaibigan nang marating nila ang kinaroroonan ko. Nanlaki bigla ang aking mga mata nang lumingon sa kinaroroonan ko ang bangkay ni Sir Brenan.


"Ikaw! Ikaw ang may sala nang lahat nang ito! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako namatay!" Sigaw niya habang nakaturo siya sa direksyon ko.


Lumakas bigla ang kaniyang aura. Mas lalong naging kahindik-hindk at kakila-kilabot. Napansin ko ang isang espiritong itim na bumubulong sa kaniya. Tama nga ang hinala ko, iyon si Helga. Nakangiti pa ito na parang nagtagumpay siya sa kaniyang plano.


Napakapit akong bigla sa balikat ni Jerwel nang maglakad siya patungo sa kinaroroonan namin.


"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, lumayas ka sa katawan ng binatang iyan!" Usal ng pari at biglang isinaboy ang hawak na holy water sa bangkay ni Sir Brenan.


"Ahh!" Sigaw nito na para bang nasusunog. Unti-unti siyang napapaluhod ngayon sa may sahig. May usok na itim ang lumalabas ngayon sa kaniyang katawan.


Nakita ko si Ethel na nasa ikalawang palapag ng simbahan. Sa may parte kung saan kumakanta ang mga taong kabilang sa choir ng simbahan. Kasama niya roon ang kaluluwa ni Sir Brenan. Nakangiti ito na parang masaya na ngayon.


Nang lisanin na ng diyablo ang katawan ni Sir Brenan, nagbalik na itong muli sa pagiging malamig na bangkay. Lubos ang pasasalamat ng kaniyang pamilya sa pari nang mapalayas nito ang masamang espiritu. Kasabay nito, biglang nagliwanag ang kalangitan at masayang umakyat si Sir Brenan sa langit.


"Masaya na siya ngayon sa piling ng Diyos Ama." Bungad sa amin ng pari.


"Nakita niyo rin po ang kaniyang kaluluwa?" Tanong ko sa kaniya.


"Oo." Tugon nito sabay ngiti.


"Tito!" Sigaw ni Divine at nagtatakbo papalapit sa pari at niyakap niyo ito.


"Hija, ang laki mo na! Kumusta na ang mga magulang mo?"


"Okay naman po hehe."


"Nga pala guys, siya si Padre Santiago. Tito ko." Pakilala sa amin ni Divine.


"Hello po." Bungad naming tatlo nina Thirdy at Jerwel. Tumango lang ito sa amin bilang pagtugon.


Nang maayos na ang lahat, umuwi na kami. Nakakapagod ang araw na ito. Inabot na kami nang gabi. At least, masaya ako dahil nakarating na ang kaluluwa ni Sir Brenan sa langit.


Habang nasa gitna kami nang biyahe, biglang nagliwanag ang aklat sa loob ng aking bag. Kaagad ko itong inilabas para malaman namin kung ano ang nais nitong iparating.


"Sa iyong pagtudla, siguraduhing sa pinupuntirya ito tatama. Ika'y malilinlang, sa pakikipagsalamuha sa iba't ibang nilalang."

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now