Chapter 86

41.6K 1.3K 217
                                    

Ngayon na ang huling araw ng burol ni Charlie. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumunta sa burol niya dahil kumikirot lang ang puso ko.


Oo, feeling guilty rin ako sapagkat ang dami kong nagawang kasalanan sa kaniya. Pero siya, ako lang ang inisip niya noong mga oras na iyon.


Ang dami kong pagkukulang bilang girlfriend niya. Mas pinairal ko pa ang pride ko kaya lumala pa ang sitwasyon namin.


Siguro, kung hinayaan ko lang siyang magpaliwanag noon, hindi pa siguro siya patay ngayon. Magkasama pa marahil kami at masayaha sa piling ng isa't isa.


Heto na naman ako, drama mode at nagpapalamon na naman sa sakit ng nakaraan. Wala naman na akong magagawa pa kung magsusumamo lang ako rito sa kwarto.


Bakit ba wala akong lakas ng loob na magpakita o dumalaw man lang sa burol niya? Ano bang ikinatatakot ko? Ang sisihin ako ng mga magulang niya?


Oo nga pala, hindi alam ng mga ito na ako ang girlfriend ng kanilang anak. Wala akong dapat ikatakot. Ito na ang time para mamaalam sa kaniya.


Bumangon na ako sa higaan ko at naupo muna sa ibabaw ng aking kama. Napahalukipkip na lamang ako sa gitna ng aking pagninilay-nilay.


"Tibayan mo ang loob mo Morixette! Kaya mo iyan!" giit ko sa aking sarili.


Mayamaya pa'y biglang tmunog ang cellphone ko sa gilid.


'Cause I was born to tell you I love you...


Alarm tone ng cellphone ko lang pala.


Nang marinig ko iyon, hindi ko napigilan ang mga luha sa aking mata na hindi tumulo.


Naalala ko na naman si Charlie. Siya kasi ang nagpalit ng alarm tone ko para raw sa tuwing gigising ako sa umaga, siya agad ang unang maiisip ko.


Napayakap na lamang akong bigla sa aking unan dahil nakakaramdam na naman ako ng sakit. Hikbi lang ang ginagawa ko dahil hindi ko kayang ihagulgol ang sakit sapagkat maririnig ako ng mga kasamahan ko rito sa bahay.


"Okay lang iyan, iiyak mo lang ang sakit. Darating talaga 'yung time na masasaktan tayo pero hindi tayo dapat magpalamon dito," turan ng isang tinig.


Dahil nakasubsob ang mukha ko sa unan, sinipat ko kung saan nanggaling ang tinig na iyon.


Pagdako ng aking paningin sa may tokador, isang babae ang nakatayo roon. Duguan siya at mayroon hawak na kidney. Malamlam ang kaniyang pagtingin pero nababalot ito ng pag-iimbot.


Para siyang pamilyar sa akin. Kaibigan yata siya ni Ate Roxette pero hindi ko maalala ang pangalan niya.


"Oo nga po, sumasakit lalo sa tuwing naiisip ko siya. Kadalasan, sa tuwing ako'y nag-iisa. Nasasariwa ko ang lahat ng aming alaala..." tugon ko.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon