Chapter 32

52.4K 1.9K 96
                                    

Morixette's POV


Hindi ko alam kung paano makakalabas sa school namin. Isa lang ang paraan na naaalala ko, ang mag-over 'd bakod ulit.


Lalabas na sana ako rito sa CR kaso biglang nagliwanag muli ang libro kaya inilabas ko ito.


Sa eskwelahan,

Marami kang matututunan.

Pwede kang makisalamuha kanino man.

Ngunit, hindi mo alam na ikaw pala'y kinapopootan.


Mga kaibigang maaaring totoo,

Mga kaibigang plastik ang pagkatao.

Mahirap hulaan kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan,

Kaya sikreto mo'y huwag ipaubaya kanino man.


Namamayani ang pagkamuhi,

Lalo na't pinangangalagaan ang dangal ng lipi.

Ika'y maging mabusisi,

Nang ika'y hindi masulsi.


Mga gamit na marangya,

Madalas ipinapangaya.

At kapag ito'y nawala,

Tiyak na kabaha-bahala.


Mag-ingat sa matulis na bagay,

Para maisalba ang isang buhay.

Kapag ito'y tumarak sayo,

Magkita na lang tayo sa kabilang mundo.


Napangiwi akong bigla nang mabasa ko ito. Kailangan ko na talaga siyang masaklolohan sa lalong madaling panahon.


Isinilid ko kaagad sa aking bag ang libro at naghihikahos akong lumabas. Sumalungat ako sa daan patungo sa aking silid-aralan upang mailigtas ang nag-aalinlangan.


"Miss Morixette, saan ka pupunta? Huwag mo sabihing liliban ka sa aking klase?" Bungad sa akin ng aming guro nang makasalubong ko siya sa daan.


Pinagpawisan akong bigla kasi hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. "Bibili lang po sa coop." Bigla kong sambit dulot ng pagkataranta.


"Anong bibilhin mo roon at may dala ka pang bag aber?" Mapang-usisa niyang tanong habang nakapameywang pa.


"Bibili lang po akong ballpen." Palusot ko habang nagkakamot ng ulo.


"Iyon lang ba? Asus, pahihiramin na lang kita. Tara na sa classroom." Aniya.


"Pero Ma'am..."


"Wala nang pero-pero. Ako ang masusunod." Turan niya at kinaladkad na ako patungo sa aming silid-aralan.


Janine's POV


Hindi ko tuluyang nakikita ang pigura ni Ate pero tiyak kong siya nga iyon. Hindi ko siya masilayan dahil sa liwanag na bumabalot sa kaniya. May kasama pa siyang isang babae. Hindi ko alam kung sino iyon pero hindi siya kaibigan ni Ate. Pareho silang nakaputi.


"Ja, bunso. Alam mo bang miss na miss ka na rin ng ate? Kaso hindi na kita makakasama pa dahil nasa langit na ako. Hindi ko man natupad ang pangarap nating makaahon sa hirap, sana ikaw ang tumupad nito. Mag-aral kang mabuti ah? Huwag makulit. Tandaan mo, lagi lang akong nasa tabi mo." Pahayag niya habang nakaimprenta sa kaniyang mukha ang banayad na ngiti, sinisiguro ko.


"Ate..." tanging nasambit ko sapagkat tagos mula sa kaibuturan ng aking puso ang mga salita niya para sa akin. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede.


"Mag-iingat ka lagi. Tatatagan mo ang loob mo. Maging matapang ka. Huwag kang magpapaapi ah? Laban lang." Dugtong pa niya.


"Oo ate, tatandaan ko lahat ng sinabi mo."


"Mahal na mahal kita.." huli niyang sambit bago nawala ang nakakasilaw na liwanag kasabay siya.


Nagulat akong bigla nang maramdaman kong parang nanginginig ang lupa. Napapagewang-gewang tuloy ako dahil sa tensiyon nito.


Kamukat-mukat ko, biglang nagkaroon ng biyak ang lupa at bumuka ito na para bang nais lamunin ang mga bagay sa paligid kaya napayakap ako sa poste malapit sa tabi ko.


"Hahaha! Katakutan mo ako! Sige! Matakot ka!" Turan ng isang tinig na pawang galing sa nabiyak na lupa.


Unti-unting sumisibol mula rito ang pigura ng isang babaeng nakaitim. Nakakatakot ang aurang bumabalot sa kaniyang. Nakakapanindig balahibo, nakakanginig ng tuhod, at nakakasindak dahil sa matalim niyang pagtingin habang pulang-pula ang kaniyang mga mata.


"Ahhh!" Napasigaw na lang ako sa sobrang takot sa kaniya. Nagtatakbo palayo at binagtas ang daan patungong silid-aralan.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon