Chapter 42

55.1K 1.9K 236
                                    

Ngayon na ang araw na kung saan ay ipapakilala ako ni Charlie sa ate niya. Oo may takot, marahil mukhang terror nga ang ate nito. Though, kailangan ko pa ring magpakatatag para hindi niya mayurakan ang pagkatao ko.


Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang lamigin ang aking mga kamay dulot ng kaba. Alam kong pansin ito ni Charlie dahil habang nasa biyahe, magkahawak ang aming kamay.


Kinikilig nga ako kasi habang nagmamaneho siya'y susulyap siya sa akin at ngingiti tapos balik muli ang tingin sa daan. Alam niyo yung pakiramdam na yung kaliwang kamay niya ay gamit niya sa pagmamaneho at ang kanan nama'y nakahawak lang sa kaliwa kong kamay. Grabe lang, parang gusto kong himatayin sa kilig lalo na sa tuwing sumusulyap siya't ngingiti bigla.


"Huwag kang kabahan kay ate, hindi naman nangangain ng tao iyon. At isa pa, kasama mo ko't wala kang dapat na ipangamba." Aniya nang makaliko kami sa isang kanto.


Napangiti naman ako dahil sa tinuran niya. Idinako ko tuloy ang aking tingin sa may bintana para hindi niya mahalata.


Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa bahay nila. Nandito palang kami sa labas ng gate ay namangha na ko dahil sa laki ng bahay nila. Habang umaandar nang dahan-dahan papasok ang sinasakyan namin, nadungaw lang ako sa may salamin at pinagmamasdan ang paligid.


Tahimik masyado sa kanila at payapang-payapa ang mga paligid. Marami kang makikitang halaman sa paligid kaya ang gaan sa pakiramdam. Buhay na buhay ang mga bulaklak at halatang alagang-alaga.


Nang huminto ang sinasakyan namin, naramdaman kong medyo dumiin ang hawak ni Charlie sa kamay ko kaya naman napatingin ako agad sa kaniya. Nakangiti ang loko na para bang tinutuya ako kaya naman medyo napakunot ako ng noo.


"Nandito na tayo," aniya at binuksan ang pintuan sa gilid niya bago bumaba.


Bababa na sana ako dahil may pagtatangka na akong buksan ang pinto kaso pinigilan niya ako.


Nang pagbuksan niya ako ng pinto, agad naman niyang iniabot ang kaniyang kanang kamay para alalayan ako pababa.


Kinikilig ako sa ginagawa niya kasi pakiramdam ko'y isa akong prinsesa na napakahalaga. Yung feeling na bawat kilos ko ay dapat nakaalalay siya. Iniingatan ako dahil ayaw akong madumihan ni masaktan.


"Welcome to my house," mahinahon niyang sambit at hinalikan ang aking kamay matapos kong makababa sa sasakyan.


Para akong nananaginip dahil mukhang natagpuan ko na si Prince Charming. Wala na akong hihilingin pa sa tuwing kasama ko siya.


Naglakad na kami patungo sa pintuan ng kanilang bahay. Hihimatayin yata ako sa kilig kasi nakaangkla pa ang aking kamay sa kaniyang braso. Talagang pinaparamdam niya sa akin na safe ako at walang dapat na katakutan.


"Maligayang pagdating Sir!" Bungad ng isang babae na medyo may katandaan na rin. Marahil siya ang katiwala nila rito.


Ngumiti lang dito si Charlie at naglakad na papasok.


The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now