Chapter 18

58.2K 2.2K 370
                                    

Totoo nga, patay na si Sir Brenan. Nalaglag ang kaniyang sinasakyan sa bangin at ito'y sumabog kaya wala na siya. Sabi, may iniwasan daw itong sasakyan kaya tuluyan itong nalaglag sa bangin. Nakakalungkot lang, si Sir pa naman ang isa sa mga mabait at masipag na nakilala ko.


Nakaburol si Sir ngayon sa isang simbahan. Nandito kami ngayon para makiramay sa kaniyang pamilya. Kita mo talagang maraming nagmamahal kay Sir dahil ang daming taong nakikiramay maging ang mga estudyante na katulad namin ay narito. Halos mapuno na nga ang simbahan sa dami ng tao.


Nasunog si Sir dulot ng insidente. Hindi siya pinacremate dahil ayaw ng pamilya niya. Hindi naman kami nandidiri kahit na sunog ang kaniyang mukha habang nakahimlay sa loob ng ataul.


Habang tinitingnan namin siya, napansin kong nagliliwanag ang alphabetong "Ba" sa kaniyang noo. Ako lang ang nakakakita nito, hindi nakikita ng mga kaibigan ko. Nagulat ako nang biglang dumilat ang mata ni Sir. Nanlilisik ito't nakatitig sa akin. Pawang galit at nagngingitngit. Napasaldak akong bigla sa sahig dahil doon.


"Morixette, anong nangyari sayo?" Tanong ni Divine habang tinatayo ako.


"Dumilat si Sir! Para bang galit na galit siya sa akin! Nakakahindik ang pagtingin niya!" Garalgal kong sambit habang nangangatog sa takot.


Itinayo nila akong tatlo para ilayo muna sa bangkay ni Sir.


"Seryoso ka? Hindi naman namin nakitang dumilat si Sir eh." Turan ni Thirdy.


"Mukha ba akong nagbibiro? Kita mong takot na takot ako." Giit ko.


Habang naglalakad kami pabalik sa aming upuan, isang malamig na hangin ang biglang umihip sa kung saan man. Nakaramdam ako ng pangingilabot at nagsipagtindig bigla ang aking mga balahibo.


"Guys, magpupunta muna ako sa CR." Pahayag ko.


Pagkarating ko roon, umupo kaagad ako dahil ihing-ihi na talaga ako.


Habang dinarama ang pag-ihi, napapikit pa ako. Pakanta-kanta pa kuno.


Pero nauyot ang pagkanta ko dahil nakarinig ako ng parang bola na gumugulong sa sahig.


Pagdilat ko ng aking mga mata, hindi pala isang bola ang nasa harapan ko na ngayon. Kung hindi isang pugot na ulo!


"Tulungan mo akong hanapin ang nawawalang katawan ko." Turan nito.


"Ahh!" Napasigaw na lang akong bigla dahil sa sobrang takot. Dali-dali akong lumabas ng CR pagkaflush ko.


Pagkalabas ko ng pinto, gumaan na ang aking pakiramdam. Pero bigla na namang tumibok ng mabilis ang aking puso nang may makita akong nakabarong sa peripheral vision ko.


"Huwag kang lilingon." Sambit nito.


Nanginginig ang aking tuhod at hindi ko alam kung paano ba ako hahakbang. Gusto ko na talagang maiyak sa takot.


"Excuse me miss." Bungad ng isang babaeng nagmamadaling pumasok sa loob ng CR. Dahil nabunggo niya ako, napalingon akong bigla sa aking gilid.


"Ahh!" Napasaldak akong bigla sa sahig dahil isang pugot na katawan ang bumungad sa akin. Nasa sahig ang kaniyang ulo! Bigla niya itong pinulot.


"Thank you miss." Sambit nito at bigla itong kumindat sa akin.


"Ahh!" Sigaw ko at nagtatakbo palayo.


Sinalubong ako ni Divine. "Ano bang nangyari sayo? Sigaw ka ng sigaw!" Bungad niya.


"Oo nga, nakakahiya sa mga tao rito kaya pinuntahan ka na namin." Singit ni Jerwel.


"Hindi ko na kaya guys! Umuwi na tayo!" Giit ko habang nanginginig pa rin sa takot.


"Maghunos-dili ka!" Ani ni Thirdy.


"Basta guys, tara na!" Sambit ko at kinaladkad ko na sila palabas ng simbahan.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon