Chapter 48

51.3K 1.7K 30
                                    

Rochaes's POV


Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa naranasan ko kagabi. Hanggang ngayon, mulat na mulat pa rin ako na para bang hindi tinamaan ng antok. Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang dalawang multong iyon.


Hindi ako makapaniwala at pilit na nababahala dahil sa pagpapakita ng dalawang iyon. Idagdag mo pa ang nagliliwanag na letrang Ka sa aking noon na ngayong okay naman na. Gulong-gulo ang aking isipan sa kung ano ba ang nangyayari.


Hindi ako naniniwala sa multo, kathang-isip lang ang lahat ng iyon. Pero bakit naman ang magdedelusyon? Ibig sabihin, totoo ang lahat ng nangyari kagabi. Totoo silangbdalawa dahil ramdam na ramdam ko ang kanilang presensiya.


Higit akong nabahala dahil sa kanilang tinuran. Yung isa, sang-ayon na ituloy namin ang aming adventure trip. Taliwas naman ito sa isa na pilit akong pinipigilan. Sino ba ang dapat kong sundin sa kanilang dalawa?


Hay, dahil sa sobrang stressed, kung anu-ano na ang iniisip ko. Hindi sila ang dapat na magdesisyon para sa akin. May sarili akong desisyon, pero kahit na ganoon, mayroon pa rin akong papanigang isa sa kanilang dalawa.


I miss my friends so much kaya hahayaan ko bang hindi kami mag-enjoy sa muli naming pagkikita? Everything is settled. Sayang ang perang ginastos ko kung hindi kami tutuloy. And one more thing, nagsacrifice rin ang dalawang kaibigan ko para lang matuloy ang lakad namin.


Tuloy na tuloy na kami. Hindi na ako mapipigilan ng kahit na sino. This is the time for enjoyment. Gusto kong ma-refresh at pansamantalang kalimutan ang aking mga problema. Ayokong maging losyang nang maaga. This ain't fun!


Bumangon na ako sa aking higaan kahit na puyat ako't wala pang tulog. Dumiretso ako sa aking CR para maghilamos.


Pagkarating ko sa sink, napahawak na lang akong bigla sa aking dalawang pisngi.


"Ahhh!" Sigaw ko.


Para akong nakakita ng zombie sa harap ng salamin dahil sa eyebags na namumukadkad sa aking mukha. Ang pangit kong tingnan, hindi ako maganda ngayong umaga. Nakakahiya kina Izzy at Carie kapag nagkita-kita kami mamaya. Hindi pwedeng pangit ang itsura ko. Ako dapat ang pinakamaganda sa aming tatlo dahil sa ako ang modelo.


Girls problem. Nakakaconcious talaga kapag feeling mo pumangit ka o 'di kaya'y kapag nagmukha kang matanda. Yung tipong kinaiinggitan ka ng lahat dahil sa taglay mong ganda pero kapag naglaon, ihahalintulad ka pa kay ganito ganiyan.


Narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya dali-dali akong lumabas ng banyo para kuhanin ito.


Carie is Calling...


Pinindot ko kaagad ang answer button para masagot ito.


"Sis! I'm on my way papunta riyan sa inyo." Bungad ni Carie na mukhang siya ang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan.


"Me too, abangan mo na lang kami riyan ah?" Singit naman ni Izzy.


The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now