Chapter 15

57.7K 2.4K 166
                                    

"Heto na guys, ano ba ang pagkakaintindi niyo patungkol dito?" Tanong ko.


Hindi ka makakatakas,

Buhay ay lalagaslas.

Mawawalan ka ng lakas,

Sa katotohanang ipapamalas.


Anong sandata ba ang mayroon ka?

Para mailigtas mo sila?

Mabagsik ang ABaKaDa,

Wala ka nang kawala pa.


"Nananakot yung libro. Para bang sinasabi na wala na tayong kawala. Na mamamatay tayo." Pahayag ni Divine.


"Oo tama siya, para bang warning ganun? Kaya kailangan talaga nating mag-ingat kung gusto pa nating mabuhay." Turan naman ni Thirdy.


"Hindi natin alam kung paano kumilos ang ABaKaDa kaya kailangan nating maging handa sa kahit anumang oras." Pahayag ni Jerwel.


"Okay, basta kailangan lang nating hawak ang ating cellphone para kung may emergency man. Alam na." Sambit ko.


"Heto ang clue sa unang biktima." Pahayag ko at nilipat muli sa sunod na pahina.


Lingon dito,

Lingon doon.

Huwag mahilo,

Maging kalmado.


Bato-bato sa paligid,

Kay sarap magmasid.

Sa iyong isip sumisisid,

Katanungang 'di mabatid.


Huwag magpapapatid,

Sa daang pagkakitid-kitid.

Mga suso sa bukid,

Dulot sayo'y pagkaumid.


Maging alerto,

Kung ayaw ma-insulto.

Itaas ang kamay,

Ito'y iwagayway.


Tanong na 'di masagot-sagot,

Masasagot 'wag lang magpakahindot.

Papalakpakan ka,

Matutuwa ka pa.


"Confusion? Haha. Nalito ako. Hindi ko rin mastadong naintindihan." Bungad ni Jerwel.


"Parang paglalakbay? Ewan. Naguluhan din ako friend." Pahayag ni Divine.


"Recitation ba ito? Haha! Kung anu-ano ang naiisip ko. Lulumutin pala talaga utak natin dahil sa librong iyan. Ang sakit sa utak." Giit ni Thirdy.


"Naku guys, ganiyan din ang naramdaman ko nung una. Next page nga." Sambit ko.


Ang hindi tumingin sa daan,

Hatid sa kaniya'y kapahamakan.


"Be alert. Ito lang ang nais iparating niyan." Paliwanag ni Divine.


"Agree!" Pagsang-ayon nung dalawa.


"Pareho tayo ng pananaw. Okay next." Turan ko.


Ang sarap maupo,

Pero 'di marunong mag-opo.

Kumain ng upo,

Baka buhay ay sakaling mabago.


Hatid mo'y karunungan,

Sa mga estudyanteng maraming katanungan.

Hindi mo mapunan ang pangangailangan ng iba,

Sa exam sila'y kakaba-kaba.


Hatid mo'y pasakit,

Mahirap ka pang magbigay ng pagsusulit.

Marapat lang na ika'y maukit,

Sa kalupaang nagngingitngit.


Sa iyong pagkawala,

Estudyante'y magpapatila.

Tainga'y papalakpak,

Tatawa pa sila ng pagak.


Sa iyong biyahe,

Huwag nang magbayad pa ng pamasahe.

Sa kabilang buhay ang iyong tuloy,

Kaya buhay mo'y 'di na magpapatuloy.


"Bakit ganun? Patungkol sa guro ang pagkakaintindi ko?" Bungad ni Thirdy.


"Apir dude, pareho tayo." Singit ni Jerwel.


"Yeah right. Lahat ng patama rito ay patungkol sa guro." Giit ni Divine.


"You mean guys, isang guro ang unang biktima ng ABaKaDa?" Tanong ko. Tumango naman sila.


"Sinong guro naman ang pakay nito? Tsaka, anong kamatayan naman ang kakaharapin niya?" Nagugulumihanan kong tanong.


"Ang hindi tumingin sa daan, hatid sa kaniya'y kapahamakan." Bulong ng isang tinig. Si Ethel. Nahinuha ko na ang nais niyang iparating.


"Guys, sinong guro ba ang nasa biyahe ngayon? Mukhang siya ang unang biktima." Pahayag ko.


"Isang guro lang ang kilala namin dahil patungo siyang seminar ngayon." Pahayag nilang tatlo.


"Huwag niyong sabihing si..." nanlaki ang mata ko dahil sa aming napagtanto.


Nagkatinginan kaming apat at sinisipat kung magkakapareho nga ba kami ng taong naiisip.


"Sir Brenan!" Sambit naming apat nang sabay-sabay.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now