Chapter 3

93.9K 3.1K 513
                                    

Bumungad sa akin ang puting silid nang imulat ko ang aking mga mata. Nagpalinga-linga ako pero walang ibang tao rito sa aking kinaroroonan. May nakasaksak pang aparato sa aking kanang kamay upang magbigay sa akin ng resistensya.


Akmang tatayo na ako nang biglang may magsalita sa aking tagiliran. "Huwag ka munang tumayo, hindi ka pa malakas, tiyak na mabibinat ka niyan." Anito kaya nanigas akong bigla sa aking kinahihigaan.


Ayoko siyang lingunin dahil kong patay na siya. Isa na siyang multo. Kilala ko siya, kaibigan siya ni Ate Roxette. Nagsimula nang tumindig ang aking balahibo nang biglang may malamig akong naramdamang kamay na humipo sa aking braso.


Nangangatal ang aking bibig dulot ng takot. Hindi ko siya dapat katakutan dahil mabait siya't kilala ko siya. Pero hindi mo pa rin mawawaglit sa isipan ko na siya'y isa nang multo.


"Huwag kang matakot sa akin. Tandaan mo, kaagapay mo ako." Bulong niya sa akin at mayroong bulang pumatak sa aking balikat.


Nang lingunin ko siya, napagitla ako dahil bumubula ang kaniyang bibig. Nandidiri ako dahil hindi lamang bula ang lumalabas sa kaniyang bibig, kung hindi pati na rin dugo. Pinigilan ko ang sarili kong maduwal dahil Ate na rin ang turing ko sa kaniya.


Napaluha akong bigla nang makita ko siyang lumuluha ng dugo. Kilalang-kilala ko siya, nalulungkot talaga ako sa kalunos-lunos na sinapit niya. Siya lang ang inaasahan sa kanilang pamilya pero ngayong wala na siya, nalugmok na rin ang kaniyang pamilya.


"Morixette, pakisabi sa kapatid kong si Janine, mahal na mahal siya ni Ate. Lagi lang akong nasa tabi niya't ginagabayan siya." Aniya.


"Opo Ate, ipapaalam ko po iyon sa kaniya." Turan ko. Bakas naman ang kaligayahan sa mukha niya dahil sa tinuran.


Bigla na lang siyang nawala nang bumukas ang pinto ng aking silid.


"Morixette baby!" Sigaw ni Jerwel habang nakataas pa ang kaniyang dalawang kamay at nagseshake-shake pa. Sa kaniyang tagiliran, nandoon si Thirdy at Divine.


"Baliw!" Tipid kong sagot habang pinipigil ko ang aking pagtawa. Naglakad na sila papalapit sa aking kinaroonan.


"Hala, umiiyak ang mahal na prinsesa." Singit ni Thirdy. Nakaakbay pa siya kay Divine na para namang mawawala ito sa tabi niya.


"Tears of joy lang ito, ano ba kayo. Parang hindi niyo naman ako kilala." Palusot ko at pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha.


"Asus, natuwa ka naman dahil dinalaw ka namin." Panunuya ni Divine. "Oo nga pala, bakit ka ba nalaglag sa hagdan? Iyan tuloy, may benda ka sa ulo." Dugtong pa niya.


"Ah, may basa kasi sagdan at hindi ko napansin kaya ayon, nalaglag ako hehe." Palusot ko ulit.


"Bakit nga pala kayo naparito? May klase tayo 'di ba?" Pang-iiba ko sa topic.


"Si Sir Brenan kasi ang teacher natin remember? Ayon, um-acting kami para makapunta kami rito. Haha!" Pahayag ni Jerwel na nakatayo sa aking kanan. Sa kaliwa naman sina Divine at Thirdy.


"Ows? Talaga? Sige nga, sampolan niyo nga ako ng acting skills niyo." Panunuya ko naman sa kanila.


"Sige ba!" Sagot nilang tatlo.


"Sir sir sir! Hindi ko na po talaga kaya. Lalabas na po!" Acting ni Jerwel habang nakahawak sa kaniyang at kunwari namamalapit na sa sakit. Natawa kami sa kaniya dahil umeekis pa ang kaniyang paa. Haha.


"Haha, epic face." Kumento ko.


"Mabuti na nga lang at napaniwala ko siya eh. Hehe." Aniya habang hinihimas-himas pa ang kaniyang baba.


"Sus, eh kayong dalawa? Anong pakulo niyo?" Singhal ko kina Divine at Thirdy.


"Iyon ba? Simple lang." Pahayag ni Thirdy at nagsimula na ngang umarte si Divine.


"Tulong! Tulong! Nahihirapan akong huminga!" Akting ni Divine na nakahawak sa kaniyang dibdib at kunwari pa'y lumalaylay na ang kaniyang dila.


"Sir! Baka mamatay po si Divine kapag hindi natin siya isinugod sa ospital!" Paghuhurumintado ni Thirdy.


Tawa ako nang tawa dahil sa kalokohan ng tatlong ito. Ako lang ang hindi komedyante sa kanila. Ang bagay lang na alam ko kung bakit ko sila naging kaibigan ay napapasaya nila ako't masarap silang kasama.


Natigil ang aming kasiyahan nang biglang bumukas ang pinto.


"Lola Alette!"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon