Chapter 92

36.4K 1.2K 102
                                    

Ej's POV


Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Heto na ba ang sinasabi ni Morixette na napaginipan niyang mamamatay ako? Oh no! Ayoko pang mamatay!


"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ko habang kinakalampag ang pinto.


Hindi ako magkandamayaw sa aking kinatatayuan dahil maaari niya akong atakihin kahit anumang oras.


"Kahit magsisigaw ka pa riyan, walang tutlong sa iyo! Hahaha!" sambit niya.


Mas lalong lumalakas ang itim na enerhiya rito sa loob ng aking silid.


"Ang mga magulang mo, busy sa trabaho. Wala silang pakialam sa iyo dahil kinamumuhian ka nila! Haha!" panunuya niya sa akin.


"Hindi totoo iyan! Mahal ako ng mga magulang ko kahit na ganito ako!" giit ko.


"Gano'n? E bakit ka laging binubugbog ng Tatay mo? Alam mo bang ikinahihiya ka niya sa mga kakilala niya?"


"'Yung Nanay mo, bakit wala siyang magawa para maipagtanggol ka niya sa Tatay mo? Kasi, mas mahal niya ang Tatay mo kaysa sa iyo!"


"Hindi totoo iyan!" pahayag ko habang tinatakpan ang magkabila kong tainga.


"Masakit ba? Haha! Iyan ang katotohanan!" pambubuska niya pa.


"Tigilan mo na ko! Layuan mo ko!" sigaw ko habang nakapikit at nakasandal sa may pinto.


"Ang dalawa mong kapatid, hindi ka ba naiinggit sa kanila kasi close na close sila? Lahat ng bagay ay napagkakasunduan nila?"


"Isa pa, ni minsan ba'y niyaya ka nilang sumama sa kanila para maka-bonding ka? Hindi 'di ba? Kasi, kinakahiya ka nila!"


Naiiyak na ako sa sobrang sakit ng ibinabato niya sa aking mga salita. Napakasakit nga namang tanggapin at mapakinggan ang katotohanan.


"Sa school, pinaplastik ka lang ng mga naging kaibigan mo roon! Palihim ka kasing lumandi, maarte ka, nasa loob ang kulo mo!"


Tama siya, ramdam ko namang sinasamahan lang ako ng mga kaibigan ko roon kapag may kapalit. Ni hindi nga nila ako masoportahan sa kung anuman ang gusto ko. Ang hirap nga naman talagang makatagpo ng totoong kaibigan.


"At ang panghuli, kaya ka lang naman sinamahan at kinaibigan ni Morixette dahil alam niyang nasa panganib ang buhay mo..."


Naimulat kong bigla ang aking mga mata dahil sa tinuran niya. Tiningnan ko siya nang masama habang nakalutang siya sa ere.


"Kahit iyon naman ang naging dahilan ni Morixette para kaibiganin niya ako, thankful pa rin ako sapagkat nadama ko ang pag-aalala niya sa akin. Kahit papaano pala, may concern pa rin sa akin..."

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now