Chapter 91

40.9K 1.2K 252
                                    

Nang mawala ang pagliliwanag nito, hindi naman kaagad lumitaw ang mensahe mula sa kaniyang noo.


"Kung makatingin ka naman sa akin 'te parang ang ganda-ganda ko," bungad ni Ej nang makalapit siya sa akin.


"Oo naman, ikaw kaya ang dyosa ng seksiyon natin," pambobola ko rito.


Nandito kami sa may corridor at nakadungaw sa may railings nito.


"Ano nga pala 'yung sasabihin mo sa akin na importente?" aniya.


Alam kong hindi niya maiintindihan agad kapag sinabi ko sa kaniyang nasa panganib ang kaniyang buhay kaya naman nagpaliguy-ligoy muna ako.


"Napaginipan ko kasing mamamatay ka kaya kapag may weird kang naranasan o napansin sa paligid, tawagan mo kaagad ako."


Napakunot siyang bigla ng noo at hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa tinuran ko.


"Ayokong ma-deadlalo nang maaga."


"Nakakatakot naman iyang napaginipan mo, hindi ko kinaya. Pero sige, I'll call you na lang..." dugtong pa niya habang nag-reretouch.


"Okay," tugon ko.


"Alam mo ba..." hirit niya.


"Hindi ko pa alam," ani ko.


"Malamang, hindi. Marami kasi akong na-sight na yummilicious diyan na fafa kaya samahan mo na lang ako mamayang mag-boy hunting."


Gusto kong tumanggi kaso kinakabahan ako. Baka kasi umatake bigla ang ABaKaDa at maligwak siya kaya wala akong choice.


"Ipinangako mong sasamahan mo ko kaya hindi ka pwedeng tumanggi!" birada pa niya.


Napa-poker face na lang ako.


"Oo na, malandi ka talaga... hahaha," tugon ko sabay hampas sa braso niya.


"Alam mo iyan, pareho lang tayo 'no!" giit niya pa matapos maglagay ng lipstick sa kaniyang nguso.


Naghalakhakan lang kami roon hanggang sa dumating na ang guro namin.


Lahat naman ng tao ay may natatagong landi. Nasa sa kaniya kung gagamitin niya ba o hindi.


---


Alas kwarto nang matapos ang aming klase. Excited ang gaga. Ako? medyo lang.


"Bilisan mo naman, Morixette sa paglalakad!" giit ni Ej.


Nandito kami ngayon sa ground floor at may nakita na siyang unang biktima kaya sinusundan na namin.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon