Chapter 11

64.2K 2.3K 190
                                    

Kinabukasan, hindi ko pa rin alam kung ano ang nais iparating ng ABaKaDa. Ang hirap naman kasing unawain, tsaka hindi ko forte ang mga ganun.


"Apo, hindi ka ba papasok sa school mo? Malelate ka na." Bungad ni Lola Alette na nasa labas ng aking kwarto.


Para akong na-untog bigla sa pader nang marinig ko iyon. Pagtingin ko sa orasan, 7:00am na. 7:30am ang klase ko!


"Papasok ako Lola! Heto, nagbibihis na." Sigaw ko.


Dali-dali akong umalis sa ibabaw ng aking kama at tinungo ang banyo para makapagsipilyo. Hindi na ako naligo, wisik-wisik na lang. Nandiyan naman ang pabango ko para gawin akong fresh.


Makalipas ang ilang minuto, ready na akong pumasok sa school. Mayroon pa akong labing limang minuto para hindi ma-late sa school.


"Mama, Papa, Lola, mauuna na po ako." Ani ko sabay halik sa kanilang mga pisngi.


"Hija, hindi ka ba kakain muna?" Tanong ni Papa habang nagbabasa ng dyaryo.


"Naku Pa, sa school na lang po." Ani ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin.


"Hija, yung neck tie mo, hindi mo pa suot." Singit ni Mama.


"Heto po isusuot ko na." Ani ko sabay kuha nito sa gilid ng aking bag.


"Sige po, una na ako. Bye!" Paalam ko at dali-dali na akong lumabas.


Pagkarating ko sa labas ng bahay, maglalakad pa ako ng tatlong minuto para marating yung labas ng aming subdivision.


"Patay, malelate talaga ako nito." Sambit ko sabay pakawala ng buntong-hininga.


"Hi Morixette, malapit ka na ring ma-late. Halika, sabay ka na sa akin." Bungad ng isang binatang makalaglag panty ang itsura. Nakabike siya, at nakahinto ngayon sa harapan ko. Ano ang gagawin ko?


"Morixette? Okay ka lang ba? Anong nangyari sayo? Bakit natulala ka?" Aniya habang inaalog ang aking balikat.


Thank you Lord, kilala pa rin ako ni Crush. My childhood friend, pero ngayon niya lang ulit ako pinansin kahit magkapitbahay lang kami.


"Kilala mo pa ako?" Bungad ko habang napapangiwi na ako sa kilig.


"Oo naman. Hindi naman ako makakalimutin." Aniya.


Thank you Lord, heaven na naman po ang ipinagkaloob ninyo sa akin.


"Ano? Sasabay ka ba? 7:30am na. Late ka na!" Dugtong pa niya sabay pakawala ng nakahihimatay na ngiti.


Grabe! Patay ako nito! Kailangan ko na talagang sumabay sa kaniya.


"I'm dead!" Sambit ko.


"Salamat Jerico, sige sasabay na ako sayo." Turan ko.


"Okay. Angkas ka na lang dito sa likuran." Aniya at tinuro ang upuan doon.


Pagkasakay ko, hindi ko alam kung saan ako hahawak. Tumingin siya sa direksyon ko kaya inilagay ko na lang ang aking kamay sa ibabaw ng kaniyang balikat.


"Kung gusto mong makarating ng ligtas sa school mo, kumapit ka ng mabuti sa akin." Aniya at inilagay ang niya ang aking kamay sa kaniyang bewang at ipinulupot niya ito roon.


Grabe na ito, kinikilig ako masyado. May boyfriend na ako pero mas kinikilig ako kay Jerico kahit crush ko lang siya.


"Huwag kang kabahan, ako ang bahala sayo." Aniya nang maramdaman niya ang panginginig ng aking kamay.


"Salamat." Ani ko at nginitian niya ako.


Hindi ko mapigilang hindi mapayakap sa kaniya dahil ang bilis niyang magpatakbo ng bike. Para akong sumakay sa isang rides na makalaglag puso sa bilis ng takbo.


Pagkarating sa school, nalungkot ako dahil hindi ko na siya makakasama pa. At the same time, masaya dahil nayakap ko siya.


"Jerico, salamat sa paghatid sa akin." Pahayag ko habang nasa labas kami ng school ko.


"Walang anuman." Aniya at nginitian ako. Pakiramdam ko, pumapalakpak ang tainga ko sa saya.


Papaalis na sana siya pero tinawag ko siya. "Jerico!" Sigaw ko. Nilingon naman niya ako.


"Ingat ka." Turan ko. Tumango lang siya at pinaadar niya na ang bike niya.


Pagkalayo niya, tiningnan ko ang aking relo. "Hala, 20 minutes late na ako! Patay!" Nagtatatakbo ako papasok sa school at dali-dali kong tinungo ang aming silid.


Pagkarating ko roon, walang katao-tao. Nasaan kaya sila? Minabuti kong tawagan na lang si Divine.


"Hello, nasaan kayo?" Bungad ko.


"Nasa canteen bakit?" Aniya.


"Wala ba tayong klase ngayon kay Sir Brenan?" Tanong ko.


"Wala. May pupuntahan kasi si Sir. May seminar yata sila sa Tagaytay kaya nandito kami, kumakain."


"Ganun ba? Sige, sunod ako riyan. CR lang muna ako." Turan ko sabay baba ng phone.


Hay, hindi pa man din ako naligo dahil late na ako. Wisik-wisik lang tuloy ang nangyari. Hindi naman ako siguro mabaho dahil may pabango naman 'di ba?


"Sandali.." Napahinto akong bigla habang naglalakad sa corridor.


Inamoy ko ang sarili ko. Napangiwi na lang akong bigla nang mapagtanto kong nakalimutan ko palang maglagay ng pabango.


Napapadyak bigla ako sa sahig dahil sa banas. "Nakakahiya talaga kay Jerico. Sana, hindi niya nahalata.." sambit ko sa aking sarili.


Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungong banyo para ayusin ang sarili ko.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now