Chapter 44

46.9K 1.7K 90
                                    

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan. Naglakad siya patungo sa pwesto ni Ate Rochaes, hinihimas-himas niya ang magandang buhok nito't bigla siyang ngumiti.


Sa muling paglalakad, nilapitan niya si Denise at ito'y kaniyang niyakap at para bang may ibinulong siya sa tainga nito.


Ilang saglit pa'y dumako siya sa pwesto ng boyfriend ko't hinaplos at hinihimas niya ang mukha nito. Gusto kong gumalaw sa aking kinauupuan pero hindi ko maikilos ang aking katawan na para bang kinokontrol niya ako. Mas lalo akong nagulat nang halikan niya ang boyfriend ko sa pisngi. Nanggigigil ako sa inis.


Tuwang-tuwa siya na lumapit sa akin habang tumatagaktak ang tubig mula sa kaniyang katawan. Nakangiti na parang nang-iinis ang kaniyang itsura. Gusto ko siyang sumbatan ngunit hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas na boses sa aking bibig.


Nanlaki biglang ang aking mga mata nang itaas niya ang kaniyang kanang kamay at may hawak siyang patalim. May plano siyang saksakin ako kaya hindi panatag ang loob ko.


"Mamamatay ka!" Sambit niya at biglang inihataw ang hawak na patalim sa aking dibdib.


"Ahhh!" Sigaw ko.


"Baby, anong nangyari sa 'yo?" Yugyog sa akin ni Charlie.


Napatigil akong bigla sa pagsigaw nang bumalik na akong muli sa katinuan. Pero hindi ako pwedeng magkamali, totoo yung nakita ko kanina.


"Ganiyan ba asal ng isang matinong babae? Parang taga-bundok?" Bungad ni Ate Rochaes.


"Hay, hindi na siya nahiya." Dugtong pa ni Denise na animo'y busy sa pagkain.


Napayuko akong bigla dahil sa narinig ko mula sa kanila. Nakakawala nga naman ng manners ang ginawa ko.


That time, hindi ko namamalayang nakatayo pa rin pala ako. Nagulat akong bigla nang yakapin ako ni Charlie.


"Keep calm, baby. Nandito lang ako sa tabi mo," bulong niya sa kanang tainga ko.


Halos mawala ang panginginig ng aking tuhod dahil sa tinuran ng boyfriend ko. Ngayon, ramdam na ramdam ko na mahal na mahal ako ni Charlie. Naiwaksi ng aking isipan ang lahat ng bagay na tinuran ni Jerico patungkol sa kaniya.


Nangiti na ako nang maramdaman kong ligtas na ako sa piling ng boyfriend ko. Ngunit, bigla na naman akong tumalima nang makita kong muli ang babae na nakatayo sa likod ni Ate Rochaes.


Nanlaki ang mata ko nang ipatong niya ang kaniyang dalawang kamay niya sa balikat ni Ate Rochaes. Nakangisi nang patuya ang multo habang hinihimas ang balikat ng Ate ni Charlie.


"Baby, bakit nanginginig ka na naman?" Pahayag ni Charlie.


"M-may m-multo sa likod ni Ate Rochaes..." utal kong tugon.


"What the? Are you kidding?" Sarkastikong tugon ni Ate Rochaes sabay inom ng wine.


"Don't trick us, freak." Dugtong ni Denise.


"Hindi ko kayo niloloko! Totoo ang sinasabi ko!" Giit ko.


"Hindi totoo ang multo." Pahayag ni Ate Rochaes.


"Nabaliw ka na naman. Charlie, ganiyang klaseng babae ba talaga ang pinagpalit mo sa akin?" Segunda ni Denise.


Wala akong pakialam sa kung anong sasabihin nila sa akin. Hindi naman nila naiintindihan kung ano ba ang pinagdaraanan ko.


Muling kumilos ang babaeng multo at nakangiting naglakad palayo sa kinaroroonan namin.


"Saan ka pupunta?" Giit ko sabay sunod sa kaniya.


"Morixette wait!" Sigaw ni Charlie at sinundan ako.


Naglakad ang babaeng multo patungo sa sala at huminto sa may hagdanan. Napahinto akong bigla at hinihintay kung ano ba ang susunod niyang gagawin.


Sa isang kurap ko lang, biglang nasa harapan ko na siya. Nanginig ang aking tuhod, tumaas ang aking mga balahibo, nanlaki ang aking mga mata, at halos manigas ako sa aking kinatatayuan.


"Magbabalik ako! Haha!" Bulong niya sa akin at bigla niya akong niyakap nang pagkahigpit-higpit.


Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa itaas na kami ng hagdan. Hindi ko alam kung paano kami nakarating dito ng ganoong kabilis.


Bumitaw siya sa pagkakayakap at biglang bumulong "see you in hell..." at bigla niya akong itinulak ng walang pakundangan.


"Ahhh!" Sigaw ko.


Akala ko, katapusan ko na. Laking pasasalamat ko't biglang naagapan ni Charlie ang aking mga kamay kaya napahawak ako sa railings ng hagdan at hindi dumausdos pababa.


"Kumapit ka lang sa akin, huwag kang bibitaw." Pahayag niya.


Naialis naman ako kaagad ni Charlie sa kahambal-hambal sa sitwasyong iyon.


"God!" Rinig kong sambit ni Ate Rochaes habang nandoon sila sa baba ni Denise at nakatanaw sa amin.


Nakahalukipkip lamang si Denise at wari mo'y walang reaksyon sa nangyari.


Matapos ang pangyayaring iyon, napagpasyahan kong umuwi na lang. Hinatid naman ako ni Charlie hanggang sa labas ng subdivision namin.


"Thanks Charlie." Sambit ko pagkababa ko sa kaniyang sasakyan.


"Walang anuman. Magpahinga ka na, masyado kang na-stressed sa pangyayari. At isa pa, sorry dahil sa inasal ni Ate at nakasingit pa itong si Denise." Aniya.


Niyakap ko lamang siya bilang tugon at sumakay na ako kaagad ng pedicab.


Pagkarating sa bahay, naabutan ko ang pinsan kong nagsisiyesta sa may sala. Mukhang tulog naman si Lola kaya dumiretso ako kaagad sa aking kwarto.


Pagkabukas ko ng aking pinto, naabutan kong nagliliwanag ang libro na nakapatong sa ibabaw ng aking kama.  


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon