Chapter 76

40.7K 1.3K 197
                                    

Jerwel's POV


Nagising ako na madilim sa loob ng aking kwarto, nakapatay ang ilaw. Ang tanging tumatanglaw sa aking silid ay ang liwanag na mula sa buwan. Hindi ko alam kung anong oras na.


Nang igagalaw ko ang aking mga kamay at paa, tila ba hindi ko ito maikilos mula sa kinalulugdan ng mga ito. Sa aking pagkawag, doon ko napagtantong nakatali sa apat na sulok ng aking kama ang aking mga kamay at paa.


Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ang aking posisyon. Sa pagkakatanda ko, humingi ako ng gamot sa kasambahay namin tapos nawalan na ako ng malay. Sino ang may kagagawan nito? Ano ang rason niya para ganituhin niya ako?


"Tulong! Tulungan niyo ako! Mommy! Daddy! Angelika! Tulong!" sigaw ko.


Patuloy pa rin ako sa pagkawag at nagbabaka-sakaling lumuwag ang pagkakatali sa akin ngunit sadyang napakahigpit ng mga ito.


Bumukas ang pinto ng aking silid at naaninaw ko ang bulto ng isang tao na nakatayo sa may pintuan habang siya'y nakapameywang.


"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" bungad ko habang nagngangalit ang aking mga ngipin.


Hindi siya nagsalita. Bagkus, binuksan niya ang ilaw at unti-unti kong naaninaw ang kaniyang pigura.


"A-angelika? B-bakit?" medyo utal kong sambit.


Hindi ako makapaniwala na ang isang dekada na naming kasambahay ay gagawin ito sa akin. Pamilya na ang turing namin sa kaniya. Hindi naman siya katandaan. Nasa late 20's na kumbaga.


Tanging nakakalokong ngiti ang tugon niya sa aking katanungan. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin.


"Pasensiya ka na kung ikaw ang napagbuntunan ko ng galit. Kung tutuusin, ang mga magulang mo ang sisihin mo kung bakit ako nagkakaganito!" nanggagalaiti niyang tugon habang nanlilisik kaniyang mga mata sa galit.


Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya magagalit sa mga magulang ko? Ano bang kasalanan nito sa kaniya?


"Angelika, huminahon ka. Maaayos naman natin ang problema niyo ng mga magulang ko. Ako na ang kakausapin sa kanila kaya please pakawalan mo na ako."


Mas lalo siyang nagalit dahil sa aking tinuran.


"Huminahon? Huh, hindi na maibabalik pa ang mga oras na nasayang. At hindi na rin maibabalik pa ang buhay na nawala!" giit niya habang piga-piga ang aking panga.


"A-angelika m-masakit!"


Ang sakit ng panggigigil niya sa panga ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga katagang pinakawalan niya.


Binitawan niya ang pagkakapiga sa panga ko kaya medyo makakapagsalita na ako nang ayos.


The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now