Chapter 64

46.1K 1.5K 347
                                    

Charlie's POV


Gugustuhin ko bang pumunta na lang sa Amerika? Kung sasama ako sa mga magulang ko, magkakalayo kami ni Morixette. Kaya ko bang malayo sa taong mahal ko?


Oo, hiwalay na kami ngayon. Pero, pwede pa namang maibalik ang lahat sa dati. Kaso, hindi ko alam kung tatanggapin niya pa ako. Paano ko itatama ang mali ko kung sarado naman ang isipan niya?


Kung magkakalayo kami, siguro makakalimutan niya ako at 'yong sakit na naidulot ko sa kaniya pansamantala. Ma-miss niya kaya ako? Kung sakali mang sasama ako sa Amerika, pipigilan niya kaya ako?


Ang sakit, ang sakit-sakit. Bakit ba kasi nahantong sa ganito ang lahat? Parang kailan lang, sobrang saya namin tapos kamukat-mukat ko, hiwalay na kami.


Hindi ko alam kung iniisip niya pa rin ba ako. Kung kumakain ba siya nang ayos. Kung nakakatulog ba siya ng mahimbing. At kung may gana pa ba siya sa akin. Sa simpleng pagkakamali, nasira ang lahat.


Habang nagmumuni-muni ako sa loob ng aking silid ay biglang nag-ring ang cellphone ko.


Divine is calling...


Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ni Divine sa akin. Nagkausap kaya sila ni Morixette? Nais na ba ako nitong makita? Ibabalita ba niyang hinahanap ako ng mahal ko?


Walang pag-aalinlangan ko iyong sinagot.


"Hello?" bungad ko.


"Charlie, hindi ko alam kung matutuwa ka o ano..."


"About saan ba iyan? Kay Morixette ba?"


"Hindi, tungkol kay Denise."


Akala ko, magandang balita na ang ipapaalam niya sa akin. Akala ko, sasabihin niyang gusto akong makita ni Morixette.


"Ano'ng tungkol kay Denise?"


"Patay na si Denise..."


Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa akin ang pagkamatay ni Denise. Wala naman akong pakialam sa kaniya.


"Wala ka bang ibabalita patungkol kay Morixette?"


"Sad to say, hindi na kami magkaibigan. Sorry Charlie."


Batid ko ang lungkot sa pagiging garalgal ng boses ni Divine. Hindi ko alam kung bakit sila nag-friendship over pero malulungkot pa rin ako para sa kaniya.


"Sad to say rin, break na kami," turan ko.


"Ha? Bakit?"


"Galit pa rin siya sa akin. Gustuhin ko mang magpaliwanag, kaso ayaw niyang makinig."


"Hay, mahal niya na yata si Jerico." sambit niya sabay buntong-hininga.


"Sino si Jerico?" nagugulumihanan kong tanong.


"Iyon 'yong crush niya na taga-kabilang school. Nililigawan yata siya. Ewan ko ba roon, basta lagi siyang nakangiti kapag kasama si Jerico," paliwanag ni Divine.


Parang tinudla ng labing limang pana ang puso ko dahil sa aking narinig. Sobrang sakit. Napakasakit pala na malaman na ang taong mahal mo'y may mahal ng iba. Posible nga bang may iba nang nagpapasaya sa kaniya kaya gano'n na lang siyang manlamig sa akin?


"Sorry Charlie, hindi ko dapat sinasabi sa iyo ang ganiyang bagay. Dapat siya mismo ang mag-eksplika sa iyo."


Hindi ko na kinaya pa dahil durog na durog na ang puso ko. Ayoko nang makarinig pa nang hindi maganda dahil baka mas lalong hindi ko kayanin kaya minabuti ko na lang na patayin ang tawag ni Divine.


Gusto kong magwala. Gusto kong puntahan si Morixette mismo sa bahay nila para alamin kung totoo nga ba na may iba nang nagpapasaya sa kaniya. Kung sino man ang Jerico na iyon, tarantado siya. Mata niya lang ang walang latay kapag nagkaharap kami.


Sa dinami-rami ng babae sa mundo, si Morixette pa talaga? At itong si Morixette naman, natutuwa pa? Ibig sabihin, nakakalimutan niya ako sa tuwing magkasama sila nung Jerico?


Hindi ko alam kung ano na ang aking dapat na mararamdaman. Halo-halong emosyon ang naglalaban-laban dito sa aking kaibuturan. Gusto kong makausap si Morixette para maging malinaw ang lahat.


Morixette's POV


Nandito ako ngayon sa loob ng aking kwarto't nakakulong lang. Ayokong lumabas dahil wala akong gana. Isa pa, hanggang ngayo'y iniisip ko pa rin si Charlie. Kung umuwi ba siya sa kanila? Kung ano iniisip niya, kung nais niya pa ba akong makita o ano. Maski ako mismo ay naguguluhan. Dahil siguro sa pagkabigla kaya nagawa kong makipaghiwalay.


Ang tanong, masaya ba ako? Tama ba ang naging desisyon ko? Kung makikipagbalikan ba siya't susuyuin ako'y nanaisin ko pa ba? Mga tanong na hindi ko alam kung ano ba ang dapat na isagot.


Ilang saglit pa'y biglang nagliwanag na naman ang libro kaya dali-dali ko itong kinuha sa loob ng bag ko.


Nagulat ako sa pagbungad nito sa akin.


Handa ka na bang makibaka sa ngalan ng pag-ibig?


Napahawak akong bigla sa aking dibdib dahil sa nabasa ko. Handa na nga ba ako?


Sa paglipat nito sa sumunod na pahina'y napanganga na lamang ako.


Mahal mo o mahal ka?


Ex mo o bagong nagpapasaya sa iyo?


Minahal mo o crush mo?


Sino ang dapat na piliin? Panalangin mo kaya'y dinggin?


Para akong naburo rito sa kinauupuan ko dahil sa mensaheng ibinigay ng libro.


"Ano ang gagawin mo? Sino ang maililigtas? o parehong buhay nila'y magwawakas?" bungad ni Ethel na nakalutang sa may tapat ng bintana.


"Ano ba ang dapat kong gawin?"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon