Chapter 58

49K 1.6K 382
                                    

Nahihirapan akong magdesisyon ngayon kung ano ba ang dapat kong gawin. Oo, hindi kami nagkakapalagayan ng loob. Magandang rason ba iyon upang ipahamak ko siya? Isa pa, may kasalanan siya sa akin. Kinalantari niya ang boyfriend ko though may past sila.


Nakakakonsensiya naman kung hahayaan ko na lang siyang mamatay nang hindi tinutulungan. Hindi naman ako masamang tao para gawin iyon. Isa pa, parang ako na rin ang pumatay sa kaniya kung hindi ko siya tutulungan.


"Ganid na tindera talaga iyon. Napakamahal magtinda! Sugapa talaga sa pera."


Nakarinig ako ng boses ng isang babae na naglilitaniya ngayon dito sa loob ng CR. Pamilyar ang boses niya.


"Oh my gosh!" sambit pa nito.


Dama ko ang takot sa mga salitang binitiwan niya at narinig ko siyang naghuhumindig na tumungo sa isa sa mga cubicle rito.


Hindi ako makapaniwala na nandito siya. Kailangan ko siyang warningan.


"Ahh!"


Nakarinig ako ng sigaw at sigurado akong siya iyon kaya dali-dali akong lumabas sa loob ng cubicle na kinalulugdan ko.


Nanlaki ang mata sapagkat pagkabukas ko palang ng pinto, nakita ko kaagad si Helga na nakatayo sa labas ng isang cubicle na malamang ay kinaroroonan ni Denise.


Isang ngiting nakakasindak ang pinakawalan ni Helga. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba. May side sa puso ko na natutuwa dahil mapaparusahan din sa wakas si Denise at may side rin na nalulungkot dahil mukhang nahihirapan siya.


"Bilisan mo, kumilos ka na!" Giit ni Ethel na nasa gilid ko pala.


Buong loob kong tinungo ang cubicle na kinaroroonan ni Denise. Pilit ko itong binubuksan ngunit ayaw bumukas. Tanging pagtangis at pagsigaw lang ang naririnig ko kay Denise.


"Denise, anong nangyayari sa iyo? Sumagot ka! Si Morixette 'to!" Bungad ko.


"Morixette, tulungan mo ko!" sigaw nito na tila ba hirap na hirap na.


Dahil sa taranta, bigla kong sinipa ang pinto ng cubicle at bumukas naman ito. Halos maduwal ako sa karima-rimarim na sitwasyon ni Denise.


"Tulungan mo ko please! Hindi ko na kaya! Ahhh!" pagsusumamo nito habang nakasalampak sa sahig.


Naaawa ako sa itsura ni Denise, sadyang kahabag-habag. Hindi ko siya magawang lapitan sapagkat nandidiri ako. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo.


"Diyan ka lang, tatawagin ko 'yong nurse!" turan ko at dali-daling nilisan ang loob ng CR.


Makalipas ang ilang minuto, nakabalik akong muli sa CR kasama ang nurse ng aming paaralan.


The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now