Chapter 66

52.2K 1.6K 647
                                    

Sabi nila, may kamalasan daw na magaganap kapag may dumaang itim na pusa sa iyong harapan kaya huwag mo nang tatangkain pang tumuloy pa sa iyong patutunguhan kung ayaw mong magsisi. Isa lamang iyan sa mga pamahiin ng matatanda. Hindi naman ako naniniwala roon kaya dumiretso pa rin ako sa aking pupuntahan.


Naglakad na ako palabas ng aming subdivision. Medyo maaga pa naman kaya okay lang kahit maarawan ako. Vitamin D naman iyon para sa ikasisigla ng aking balat. Sampung minuto lang naman ang itatagal ng aking lalakarin kaya naglakad na lang ako kaysa gumastos pa't magpedicab. Mahirap kumita ng pera kaya dapat magtipid.


Habang binabaybay ko ang daan, may nakasabayan akong gwapo. Matangkad siya, may itsura tapos naka-jersey na parang varsity player ng basketball. Hindi ko mapigilang hindi iiwas ang tingin sa kaniya dahil ang sarap niyang pagmasdan. Ang swerte sa kaniya ng girlfriend niya.


Ngayon ko lang siya nakita rito sa lugar namin. Siguro, napadaan lang siya rito't may pinuntahang kaklase. Pero pwede ring bagong lipat sila.


Ang yum yum yum ni kuya. Siguro, ka-edaran siya ni Ate Roxette. Ang sarap niyang yapusin. Namumutok ang maskels niya sa braso na tila ba nakakapanlaway.


Medyo nauuna ako sa kaniyang maglakad nang kaunti. Hindi ko na siya malingon kasi baka alam niyang kanina ko pa siya iniinspeksyon, mula ulo hanggang paa.


Nang medyo maabutan niya ako sa paglalakad, bigla naman niya akong nginitian. Napakagat-labi akong bigla dahil parang may tumatalon na palaka sa tiyan ko. Grabe, makalaglag panty ang ngiti niya!


Napapikit akong bigla dahil nahihiya ako sa mga pinagkikilos ko. Para akong timang na pinagnanasahan siya.


Normal lang naman sa mga babae na pagpantasyahan ang isang lalaki lalo pa't kay gwapong nilalang nito. Minsan lang naman lalandi, hanggang kilig lang gano'n. Pero syempre, hanggang doon lang 'yon. No physical attachment.


Pagmulat ko ng aking mata, bigla namang nawala 'yong gwapong kasabayan ko. Nauna na kaya iyon? Tinakbuhan ako? Tinaguan? Pero, bakit ang bilis naman niyang mawala? Hay, hayaan na nga lang.


Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at medyo palinga-linga, nagbabaka-sakaling makita ko ulit siya. Nang marating ko ang mapunong bahagi, laking gulat ko nang matagpuan ko ang isang lalaking nakabarong habang ito'y nakasabit sa may puno't may tali ang leeg. Tila ba nagpatiwakal ito. Nakayuko ang lalaki kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.


Unti-unti nang nagsisitayuan ang aking buhok sa braso. Kinikilabutan na ko kay aga-aga. Umihip pang bigla ang hangin na kay lamig-lamig.


Napagitla na lamang ako sa aking kinatatayuan nang bilang gumalaw ang lalaking nag-suicide sa may puno't tinitigan ako.


"Hesus na mahabagin..." bulong ko.


Hindi nagsisinungaling ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala, 'yong gwapong lalaki kanina, patay na siya!


Napapitlag ako at tila ba medyo napaurong dahil sa aking napagtanto. Nagkatitigan kami't bigla niya akong nginitian.

The Return of ABaKaDa (Published)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora