Chapter 29

55.1K 2K 172
                                    

Pumasok ako sa school nang hindi nawawaglit sa aking isipan yung panaginip na iyon. Hindi ko kayang mawala sa buhay ko yung mga taong mahal na mahal ko.


Habang naglalakad ako sa daan patungo sa aking silid-aralan, nadaanan ko si Denise sa baba ng aming building na para bang may hinihintay. Hindi ko na lang siya pinansin at ako'y dumiretso na.


Pagkarating ko roon, wala pa yung tatlo kong kaibigan na bugok. Late na nga ako ng five minutes pero nakakapanibago dahil wala pa sila. Mabuti na nga lang at wala pa yung guro namin.


Tumungo ako sa upuan ko't nilagay ang aking gamit. Napadako ang tingin ko sa katabi kong naglalaro ng paper doll eh ang tanda-tanda na. Ano siya, sabik?


"Psst!" Tawag ko sa kaniya.


"Ahm?" Tugon niya pero hindi niya ako nililingon.


"Nakita mo yung tatlong bugok?" Tanong ko.


"Oo nakita ko sila. Pumunta sila sa canteen." Aniya habang nilalaro ang papel doll niya.


"Salamat!" Tugon ko. Tatayo na sana ako sa upuan ko nang biglang may humawak sa may braso ko.


"Ahh!" Sigaw ko sa sobrang kaba dahil ang lamig ng kamay niya. Nakuha ko tuloy yung atensiyon ng aking mga kaklase.


Napatakip na lang tuloy ako ng bibig bigla. Nahihiya ako dahil eskandalong nagawa ko.


"Gaga! Ako lang 'to. Makasigaw ka parang may multong humawak sayo." Giit ni EJ habang nakakunot ang kaniyang noo.


"Hala, sorry na. Ang lamig kasi ng kamay mo kaya nagulat ako." Pahayag ko sabay upo.


"Ewan ko sayo. Basta sabi ni Divine sa akin kapag nakita raw kitang dumating, sabihin ko sayo na huwag ka nang sumunod dahil saglit lang daw sila." Anito habang inililigpit ang kaniyang paper doll at isinilid sa loob ng kaniyang bag.


"Okay! Thanks Edgardo Jacinto!" Panunuya ko sa kaniya.


"Huwag mo ngang sambitin ang buo kong pangalan. EJ lang okay?" Aniya habang habang nakapilantik ang kaniyang kamay.


"Gaga ka beks! Haha!"


"Hindi ko nga alam kung ano ang nakita sayo ni Fafa Charlie at niligawan ka niya. Mas maganda naman ako sayo?" Pahayag niya at kinuha ang headband ko sabay suot sa kaniya.


"Kasi nga, mas maganda ako sayo. Haha!" Pang-aalaska ko.


"Mas epek ang mukha ko sayo girl." Aniya sabay pout ng kaniyang nguso.


"Ay, panalo ka riyan." Turan ko.


"Oh 'di ba? Mas winner ako sayo kung lahat ng kalalakihan sa school ay nagkakandarapa sa akin." Aniya.


"Edgardo, magtigil ka nga! Haha!"


"EJ nga!"


"Haha!" Tawanan naming dalawa.


"Uy, nagliliwanag yung bag mo oh!" Kalabit niya sa akin sabay turo sa aking bag.


"Gosh, bakit ngayon pa?" Bulong ko at hindi ko alam kung ilalabas ko ba o hindi dahil nandito si EJ. Bahala na nga.


Pagkalabas ko sa libro, bumukas ito sa pahina na nararapat.


"Bulilit... bulilit... sanay sa masikip. Kung kumilos ang liit-liit."


Anong kinalaman ng bulilit dito? Don't tell me na...


"Awts!" Sikhay ko dahil nilamutak ni EJ ang braso ko.


"Ang ganda naman ng libro mo! Pwedeng mahiram?" Aniya habang nagpapaamo ang kaniyang mga mata.


Dahil sa gulat ko, isinara ko kaagad yung libro't isinalpak ko sa loob ng bag.


"Hindi pwede iyon sayo. Reregaluhan na lang kita ng kahit ano hehe." Turan ko habang nauunsyami ang aking loob.


"Talaga? Kahit ano? Birthday ko pa naman next week." Giit nito.


"Oo nga. Basta yung kaya ko lang ah? Advance gift ko na rin sayo." Tugon ko.


"Gusto ko yung lip gloss mong kulay pink. Hihi!" Aniya at wari mo'y biglang nahiya.


"Iyon lang ba? Okay!" Turan habang nakangiti sa kaniya.


"Naku, thank you girl." Aniya at niyakap ako.


"Wait, CR muna ako ah?" Sambit ko.


"Sige lang, take your time habang wala pa si Ma'am." Aniya.


Tinanguan ko na lang siya at naghihikahos kong tinakbo ang CR habang tangan-tangan ang aking bag.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon