Anselmo & Nidora

12.4K 198 39
                                    

Lol guys, I tried. Ang hirap pala mag straight tagalog! Pause muna yung 'The Right Time'. Tonight na ko magupdate. I hope you appreciate this chapter. Hihi 😂

Tweet me your thoughts @hdrmd24 ❤️

-------------------

Unang pagkikita pa lamang ni Nidora at Anselmo ay alam na nilang iibigin nila ang isa't-isa. Alam ni Anselmo na siya hamak na mahirap lamang at hindi niya maaabot si Nidora, ngunit hindi niya napigilan ang kanyang puso, kanyang inibig ito.

Ngunit tutol sa kanilang pagiibigan ang ina ni Nidora, si Senyora Ariana. Pilit niyang pinaghihiwalay ang dalawa. Sapagkat, para sa kaniya, hindi maaaring umibig ang isang mahirap sa isang mayaman. Kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang pigilan ang pagmamahalan ng dalawa.

"Nidora! Nasaan ka?"

Sigaw ni Senyora

Tumakas si Nidora sa kanilang mansyon sapagkat pilit siyang ikinukulong ng kanyang ina rito. Nais lamang ni Nidora na muling masilayan si Anselmo. Kahit gaano niya pang pigilan ang kanyang sarili, hinahanap hanap niya pa rin ang lalaking kanyang iniibig.

Nagtago si Nidora sa lahat ng lugar na maaari niyang pagtaguan. Ngunit napakaraming gwardya ng kanyang ina na naghahanap sa kanya. Siya ay nahuli, at minsan pang ikinulong sa mansyon. Labis ang pagmamasid sa kanya ng kanyang ina. Halos hindi iwinawaglit nito ang kaniyang paningin kay Nidora.

Araw araw at gabi gabing lumuluha si Nidora. Hindi lamang dahil sa pagmamalupit ng kanyang ina kundi pati na rin dahil pakiramdam niya ay hindi na siya kailanman magkakaroon ng kalayaang maging masaya. Hinahanap hanap niya ang mukha ni Anselmo, ang kanyang napakagandang mga ngiti, ang mga yakap nito at ang kanyang nakakatunaw na mga titig.

Si Anselmo lamang ang nakapagpapaligaya kay Nidora. Nakitaan niya ito ng pagpupursigi sa pakikipaglaban sa pagibig nilang dalawa. Ngunit siya rin naman ay naaawa dito, sapagkat tinatapakan ng kanyang ina ang pagkatao ni Anselmo.

Ngunit wala siyang magawa kundi maghintay; maghintay na baka mahanap siya ni Anselmo. Sapagkat nung huling pagkakataon ay hindi sila nakapagtago dahil siya ay nahuli ng kanyang ina.

Dahil hindi makalabas ng bahay si Nidora dahil marahang nakabantay ang kanyang ina sa ibabang parte ng kanilang bahay, dumungaw na lamang siya sa kanilang bintana. At labis niyang ikinagulat na naroon pala sa ibaba si Anselmo. Sa wakas nasilayan na rin nila muli at mukha ng bawat isa. Hindi matawaran ang laki ng kanilang mga ngiti.

Lumabas ng kwart si Nidora, at dahan dahan bumaba ng hagdanan. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang kanyang ina. Ito na ang kaniyang pagkakataon na muling makasama si Anselmo. Matahimik siya lumabas ng bahay sa kanilang hardin upang katagpuin si Anselmo.

Ng masilayan nila ang isa't-isa, hindi nila mapigilan ang kanilang tuwa. Tumakbo at nagtagpo ang kanilang katawan. Sinalubong nila ang bawat isa ng mahigpit na pagyayakapan.

"Iniibig kita, Nidora."

Bulong ni Anselmo habang nakatingin sa mga mata ni Nidora.

"Iniibig rin kita, Anselmo."

Ngunit, sa kasamaang palad, nagising si Senyora at sila'y nakita. Dali dali itong pumunta sa kinalalagyan ng dalawa at muling pinaglayo sila.

"Hampaslupa!"

Sigaw ni Senyora.

"Lapastangan ka! Hindi ka karapat-dapat kay Nidora!"

Pilit na pinipigilan ni Nidora ang kanyang ina dahil sinasaktan ng mga gwardya nito si Anselmo. Siya'y sinuntok, sinipa at binugbog. Kitang kita ni Nidora ang paghihirap ni Anselmo. Umagos ang dugo mula sa mga sugat nito at itinapon ito sa labas ng kanilang mansyon.

AFIREΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα