25th Mystery

4.2K 131 4
                                    

---* 25th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Unexpected Meeting

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Mr. Xenon *---

I turned my laptop off as I felt the urge to sleep.

I lay myself comfortably in bed and close my eyes.

'This day was stressful.'

Dalawang teachers from higher levels ang parehong nagmaternity leave at dahil dun ay nakulangan lalo ng magtuturo sa mga students.

Luckily, visitation ngayon kaya naman wala kaming mga students at may oras pa kaming makahanap ng kapalit.

'I tried my best. Naghanap ako ng mga taong pupwedeng pumalit sa kanila from the former batches pero karamihan ay ayaw ng bumalik sa extraordinary life. Ang iba ay may pamilya na at karamihan talaga ay busing busy na sa pagpapayaman sa ordinary world.'

Ang mga teacher kasi dito ay marami ng hinahandle at hindi na kayang tumanggap ng iba pang load. 

My grandparents are too old to handle those vacancies and my father's very busy handling the school at ako? Marami na rin akong tinuturuan.

'Tsk! Bukas ko na lang talaga yan po-problemahin. Sa ngayon ay matutulog muna ako.'

.

.

.

.

.

"We finally found the solution!" nakangiting sabi sakin ni Lolo.

Nasa opisina nya ako ngayon dahil maaga nya akong ipinatawag.

"T-Talaga po?" I asked.

"Yeah! Tumawag kasi si Mr. Flare kagabi at nangangamusta. I mentioned about our problem. Kung kulang daw tayo sa Instructors ay sobra sobra naman sila, knowing that Sun Flare's population is only half as ours. They will lend us two instructors habang hindi pa nakakabalik yung dalawa."

"Woah! That's great! Napakabait talaga nila sa atin, ano po?"

"Yeah! Oh by the way, ipinatawag kita para sabihing ikaw ang susundo dun sa dalawang substitute instructors sa Sun Flare bukas."

"Oh, is that so? Fine with me! That would be fun, finally makikita ko na ang Sun Flare. 

Everytime na pupunta kasi kayo eh iniiwan nyo ako." nagtatampo kunyaring sabi ko at tumawa si Lolo.

"Oh? Hahaha! And then it's now your time to see it! I assigned Mr. Lu to acompany you."

"Hahaha! Mabuti naman po, baka maligaw ako. Let's see kung alin ang mas maganda, Moon or Sun?" nakangising sabi ko at tinawanan nya lang ako.

'Hmm.. Matagal na talaga akong curious dyan eh. Alin nga kaya ang mas maganda? Haha!'

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cleinch *---

Isiniksik kong maigi ang sarili ko sa gitna nina Mom and Dad.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora