60th Mystery

2.9K 117 7
                                    

A/N: Sorry for late updates! :(

---* 60th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Mr. Flare

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

Hindi pa rin makapaniwala si Cassandra na nasa harap n'ya ako at yakap yakap pa. Patuloy s'ya sa paghikbi habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti pa ako. 'Tss! So she missed me? But I guess, I miss her a lot lot more!

I cupped her face and she instantly blushed. Mas napangiti pa ako. Agad ko s'yang hinalikan sa noo na s'yang ikinatigil n'ya sa pag-iyak.

Pinunasan ko ang mga luha n'ya saka ko ulit s'ya niyakap. "Kiss lang pala ang pampatahan sayo eh, dapat pala kanina pa kita ikiniss." bulong ko at gusto kong matawa no'ng biglang parang nagitla s'ya.

Itinulak n'ya ako ng mahina saka s'ya tumalikod sa akin at nagpunas ng mukha.

'Hahaha!'

"K-Kapal mo! Hindi no?"

"Tss! Sige itanggi mo pa! Alam ko namang miss na miss mo ko eh!" pang-aasar ko at humarap s'ya sakin.

"K-Kapal mo!" nakangusong sagot n'ya ulit.

"Oo kaya! Namiss mo ko kasi s'yempre, mahal na mahal mo ako!" nakangising sabi ko na ikinapula n'ya lalo. Nanlaki ang mga mata n'ya saka s'ya umiwas ng tingin.

Lumapit ako ulit sa kanya saka ko pilit na iniharap sa akin. "Why didn't you answer back?" tanong ko matapos kong mahuli ang paningin n'ya. Tinitigan n'ya ako saka ulit s'ya nag-iwas ng tingin. "C-Cassandra..."

"E-Eh ikaw?" Biglang sabi n'ya. Muli s'yang tumitig sa akin at sa pagkakataong ito, nilabanan n'ya ang titig ko.

"Anong ako?" nakangiting tanong ko.

"M-Mahal mo ko?" tanong n'ya na mas ikinangiti ko.

"Ano ba sa tingin mo?" sagot ko. Tumitig s'ya sa akin sandali pero tumalikod rin s'ya at q papunta sa round table ng mini kitchen ng kwarto n'ya.

Lumapit s'ya sa ref at kumuha ng pitsel na may orange juice. Kumuha rin s'ya ng cake at pagkatapos ay utensils.

Nilingon n'ya ako. "N-Nagugutom ka na ba? K-Kain ka na muna." naiilang na sabi n'ya saka ulit tumalikod at inayos ang mesa.

Nangunot ang noo ko sa inasal n'ya. 'Mahalaga ang pinag-uusapan namin tapos bigla s'yang iiwas. Tss! Baka naman hindi pa s'ya komportableng pag-usapan 'yon, ikaw nga hindi mo s'ya madiretsa eh? Wag mo na lang muna s'yang kulitin.'

Napabuntong hininga ako saka ako lumapit sa mesang may nakahanda nang pagkain.

Umupo rin s'ya sa tabi ko saka n'ya ko nilingon. "Uhm... hindi mo pa naipapaliwanag sakin kung bakit itinanggi mo ko kanina. Naguguluhan ako sa'yo." nakangusong sabi n'ya.

"Oh! That... yeah! I need to explain, uhm... how do I start? Ang totoo kasi, hindi ko rin alam kung paano ako hindi tinablan ng necromancy. It's the strongest evil magic. Noong nasa Sunflare ay nabigyan kami ng background tungkol dito dahil nga ito ang kapangyarihan ang namumuno sa amin. Ang alam ko wala daw 'yong kahinaan. Imposible 'yon dahil wala namang perfect magic pero sa tagal ng pananatili ko sa SFI ay wala akong nakitang kapangyarihang mas malakas sa kanila until  that day, noong araw na ginamitan nila ako para mapasunod nila ako sa mga gusto nila. Kasama na doon ang magustuhan si Steph and the next thing I knew, hindi 'yon umepekto sa akin. Nagpanggap na lang ako dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa akin. Secret lang 'to, ikaw lang ang pagsasabihan ko at wag mong sasabihin sa iba ha? Mas delikado kapag maraming nakakaalam." paliwanag ko.

"E-Eh di 'yong kanina ginawa mo lang para hindi mahalata ni Steph?"

"Oo, gustong gusto na nga kitang yakapin kanina pero sobrang pigil ang ginawa ko."

"Akala ko talaga nakalimutan mo na ako eh. *Umiyak pa naman ako ng umiyak.*" pabulong na sabi n'ya lalo na 'yong huling linya.

Napatawa ako ng mahina. "Ano 'yon?" kunwaring tanong ko.

"W-Wala! Kumain ka na nga!" singhal n'ya.

"Hahaha! I heard it. So iniyakan mo nga ako. Sabi na nga ba eh, mahal mo ko." dagdag ko. Ngumuso lang s'ya sakin kaya hindi ko na s'ya kinulit.

Kumain na lang kami.

"Uhm... Chance? Napano pala yang braso mo, may mahabang gasgas oh." Biglang turo n'ya sa kanang braso ko.

"Ah ito ba? Noon kasing ginagamitan nila ako ng mahika ay sinubukan kong pumiglas. Tumama sa nakausling pako doon sa sandalan ng upuan kay nagkasugat. Mabuti nga at magaling na."

"Ah! Siguro pinahirapan ka talaga nila?"

"Shh! Let's not talk about it. I don't want you to be sad." sabi ko pa at nakangiting tumango s'ya.

'Kailangang sulitin ko ang oras na 'to. After this, babalik pa ako sa Sunflare. Hindi ko pa kasi talaga alam kung kailan nila ako ibabalik rito o kung ibabalik pa ba nila ako.'

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Mr. Flare *---

Napangiti ako sa aking sarili. 'Unti unti nang naisasakatuparan ang mga plano ko. Kaunting panahon na lang at makukuha ko na ang minimithi kong walang kasing lakas na kapangyarihan. Wala nang makakatapat sa akin.'

"Mr. Flare, nalalapit na ho ang eclipse. Isang linggo na lang at magaganap na ang pinakahihintay n'yo." saad ng isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan.

"Alam ko. Siguraduhin n'yong walang hahadlang sa plano."

"Opo. Ah s'ya nga ho pala, mukhang bumabalik na sa kanyang sarili si Mr. Kayle. Magiging problema ho iyon lalo pa't isa pala sa mga anak n'ya ay kailangan natin."

Nilingon ko s'ya saka ako ngumisi. "Inutil ang isang 'yon. Walang magagawa ang isang normal na taong kagaya n'ya laban sa atin. Kapag bumalik ang ulirat n'ya ay gamitan n'yo ulit ng mahika. Wala na s'yang silbi. Hindi n'ya na mababawi ang dating sa kanya tutal sanay na naman s'ya at ang mga anak n'ya sa mahirap na pamumuhay. Maswerte nga s'ya at binuhay ko s'ya. Ang dapat n'ya lang gawin ay ang bantayan ang mga magulang ni Chance. Hindi n'ya pwedeng malaman ang tungkol do'n. Kahit pa nasa ilalim s'ya ng mahika ng aking asawa ay kukupas rin iyon. Hindi naman pang habang buhay ang epekto no'n."

"Kung gano'n ay posible pa hong maging sagabal si Chance?"

"Nah! Imposible! Apat na buwan ang bisa nang mahikang 'yon at bago pa man 'yon matapos ay wala na s'ya at ang mga kaibigan n'ya. Alam naman nating parepareho na mamamatay sila kapag kinuha nila ang Eternal Fluid."

"Uhm... hindi n'yo rin ho masasabi iyan. Kakaiba ang batang 'yon."

"Ano ka ba naman, Orly? Sigurado akong wala s'yang laban sa mahika ng asawa ko. Unless, masaktan n'ya ang sarili n'ya habang ginagawa ang ritwal. Hindi naman n'ya 'yon nagawa, kita mo naman at parang aso s'yang sunod ng sunod. Sige na, imonitor n'yo ang nalalapit na eclipse. Gusto kong maging perpekto ang lahat."

'Sa araw na iyon, mapapasaakin ang mundo at lahat ng taong nang apak at nangutya sa akin ay luluhod para sambahin ako.'

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon