18th Mystery

4.9K 138 4
                                    

---* 18th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

The Tale of Eternity!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Zhyla *---

Isang linggo na ang lumipas mula nung mag-exam kami.

Naging maayos naman ang buong linggo naming lahat lalo na ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa namin nasasabi kay Cassandra ang tungkol kay Fluffy.

'Sobrang na-trauma ata kasi sya dun sa nangyari sa kanya nung exam kaya kami ni Prystel ang talagang nag-aalaga kay Fluffy. Ilag pa rin kasi sa kanya si Cleinch. Wala daw kasi syang tiwala kay Fluffy kahit pa gatas ang ipinapainom namin dito.'

"Alam mo lumalaki na si Fluffy." sabi ni Prystel habang hinahaplos ang natutulog na alaga namin.

"Oo nga eh! Buti hindi sya naghahanap ng dugo."

"Ah.. May hinala ako eh, tingin ko dahil hindi pa sya nakakatikim ng dugo kaya kontento pa sya sa gatas pero pag naminsanan sya, maghahanap na yan kaya dapat mag-ingat tayo para hindi sya makatikim nun." mahinang usal nya at napatango ako.

"Eh, hindi naman sya makakatikim nun panigurado. Tara na, baka malate tayo." sabi ko pa at nagmamadali nga kaming pumunta sa Building M.

Naghiwalay na kami ni Prystel at pagdating ko sa room ay nandun na nga yung dalawa.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong sakin ni Cassandra at ngumiti ako.

"Napasarap lang ang kwentuhan. Teka, nagawa nyo na yung homework sa math?" tanong ko at ngumiti si Cleinch.

"Oo naman pero bawal kumopya ah! Hahaha!" pang-aasar nya at sinimangutan ko sya.

"Eto naman! Dali na, ayaw ko ng logarithm eh! Pakopya na."

"Hindi ka pwedeng kumopya noh. Si Cassandra nga nahirapan din pero hindi sya kumopya. Tuturuan na lang din kita kagaya nya."

"Oo nga Zhyla. Paturo ka na lang, after break pa naman yung Math eh." sabat ni Cassandra at nginiwian ko sya.

"Oh eh ano pang magagawa ko? Pinagtulungan nyo na ako eh." galit galitang sabi ko at tinawanan nila ako.

Nahinto lang yun nung pumasok na yung Prof. namin sa English.

"Good morning class! Kindly get your Literature book and open it on page 78." dire-diretsong sabi nya at nagkanya kanya kaming hila ng drawer sa mga tables namin para kunin ang pinapakuha nyang libro.

Binuksan namin yun sa page 78 at bumulaga sa amin ang picture na animated ng isang mala-dyosang babae at isang mukhang mag-sasakang lalaki.

"The Tale of Eternity?" basa ko pa dun sa title.

"Alright! Do you know that, The Tale of Eternity is the most famous literary work way back in 1420? It is written by a Filipino Author named Eiram Oya. It is said that the author witnessed this story and she decided to share it to everyone through writing." panimula ng Prof. namin at nagtaas ng kamay si Cleinch.

"Yes, Cleinch?" tanong nya.

Tumayo naman sya saka nagsalita. "Uhm.. You said that the author witnessed the story so this a true to life story?" tanong pa nya.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now