54th Mystery

3.2K 120 5
                                    


---* 54th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

The Consequences

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Manami *---

Pilit ko mang ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Dalawang araw na ang lumipas simula nang makilala namin si Lycxis. Magmula nang sabihin n'ya ang totoo ay nabuhay ang galit sa dibdib ko.

Dati rati  ay takot lang ang nararamdaman ko para sa kanila. Takot sa maari nilang gawin sa akin at pamilya ko pero ngayon, nagagalit ako dahil bukod sa pananakot nila eh hindi pa nila sinabi ang tungkol sa maaaring mangyari sa amin. Buhay pala namin ang kapalit.

Ginagawa ko ito para malaya ko nang makasama sina Lola at Papa tapos 'yon pala, mamamatay kami sa gagawin namin. Mabuti na lang at naawa sa amin si Lycxis kaya gumawa s'ya ng paraan. Ngayong alam namin, ibang plano na ang binuo ni Chance.

'Balak n'yang humingi na nang tulong sa mga taga-Moonlight High. Tutulungan naman siguro nila kami. Masyado pa kaming bata para sumabak sa  ganito at lumabang mag-isa sa mga gahaman at ubod ng itim na budhing mga tao.'

Ang sabi n'ya sa amin ay hahanap s'ya ng tyempo para makausap sina Mr. Cadmium pero dahil busy ang school dahil sa parating na school festival. Busy ang lahat sa paghahanda lalo na ang mga opisyal.

Naging maingat pa si Chance dahil may napapansin raw s'yang kakaiba kina Mr. Lardy at Ms. Lilac. Twing makakasalubong n'ya raw kasi ay ngumingiti ito sa kanya ng kakaiba.

Nagtataka na rin ako kung bakit hindi nila kami kinukulit na magreport sa kanila. Darati ay walang araw ang lumilipas na hindi nila kami kinukulit pero ngayon ay wala kaming naririnig mula sa kanila.

~Tok!~

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga nang makarinig ako ng kalabog sa labas ng bintana ko. May nakita pa akong anino ng lalaki mula sa labas kaya agad na kumalabog ang dibdib ko.

'May tao, sigurado ako. Shocks!'

Dali dali akong umatras para lumapit sa pinto. Napahawak pa ako sa dibdib ko ng gumalaw ang anino.

'Shit!'

Mabilis na nahagip ng mga mata ko ang wooden cabinet na pinaglalagyan ko ng mga gamit. Ifinocus ko ang sarili ko saka ko itinapat do'n ang mga kamay ko. Unti unti ko iyong inangat dahil unti unti nang binubuksan nang kung sino man  ang bintana ko. Agad kong iniharang ang cabinet sa bintana saka ko dali daling binuksan ang pinto ko. Nagtatakbo ako palabas at dali dali akong pumunta sa kwarto ni Aphroditee pero bago pa man ako makarating ay may pumukpok na sa ulo ko.

~

Dahaan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nanlalabo ang paningin ko pero naaaninag ko ang kisame. Mukhang luma na ito dahil butas butas na. Iniling ko pa saglit ang ulo ko para mahimasan. Madilim ang paligid dahil walang ilaw at sarado ang bintana.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko nagawa. Nakatali ang mga kamay ko sa likod ko at ang mga paa ko ay nakatali rin. May busal ang bibig ko.

Agad na kumalat ang mga luha sa mata ko at sunod sunod na tumulo 'yon.

'Kung nasaan man ako, alam kong wala na ako sa Moonlight High!'

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon