2nd Mystery

7.7K 214 7
                                    

A/N: Sorry kung natatagalan ang updates, medyo busy eh..

Enjoy!!!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* 2nd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

First Day of Class!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Zhyla *---

'Puyat na puyat ako at ang laki laki ng eyebags ko. Sino ba naman ang makakatulog sa nalaman ko kahapon. The heck! Kami daw, may powers chu chu! Aba matinde! Iskwelahan ata ng mga baliw itong napasukan ko eh! Tsk! Tsk! Tsk!'

Tumingin ako sa wall clock at dun ko nakitang alas-sais pa lang ng umaga!

Idlip lang ang nagawa ko dahil nga sa kakaisip nung lintek na powers na iyon.

'Ang bigat bigat tuloy ng ulo ko! Pakiramdam ko luluwa ang mga mata ko eh!'

Maingat akong bumangon dahil ayoko namang maistorbo si Prystel na hanggang ngayon ay nandun pa rin sa dreamland.

'Mabuti pa ang isang ito eh, nakatulog ng maayos.'

Dumiretso na ako sa C.R at naligo.

'Ang lamig ng tubig! Grrr! Ang ginaw!'

Minadali ko nga ang pagligo dahil malamig. Ilang minuto lang at bihis na din ako.

Alas otso pa naman ang klase ko kaya nag maong shorts at t shirt na lang muna ako. Hinayaan kong nakaladlad ang lampas balikat kong buhok saka ako lumabas.

'Kumakalam na ang sikmura ko.'

Pagkalabas na pagkalabas ko sa dorm namin ay sinalubong ako ng guard na nagbabantay sa gate ng dorm namin.

'Yes! May gate ang dorms. Ang magkaharap na dorm ay isang gate ang sumasakop at ang dorm naman na pang solo at yung katapatan nun ay isa rin ang sumasakop.'

"Good Morning, hija!" bati nya pa.

"Good Morning din po!"

"Saan ang punta mo, ang aga pa ah?" tanong pa nya.

"Ah, sa Food Dec po, nagugutom na po kasi ako." sagot ko at ngumiti sya.

"Ganoon ba? Medyo malayo yun dito, paglabas mo dyan sa gate, hintayin mo yung Cloud transpo. Ihahatid ka nun sa pupuntahan mo. Dadaan na yun maya maya." sabi nya at nangunot ang noo ko.

'C-Cloud transpo?'

Tumango na lang ako at ipinagbukas nya ako ng gate.

Tulad ng sinabi nya hinintay ko nga yung Cloud chuva ek ek at kinamayan-mayan lang ay huminto sa tapat ko ang isang malaking ulap.

Talagang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hanggang tuhod ko lang ang taas noon at may mga naka-upo ring ibang estudyante.

"Saan ang punta mo?" tanong nung lalaking nakaupo sa unahan.

"A-Ah, sa Food Dec po." sagot ko at ngumiti sya.

"Sakay na. Dun talaga ang punta namin." sabi nya at alanganin akong sumakay dun sa ulap.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora