52nd Mystery

3K 120 5
                                    


---* 52nd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Warehouse

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Zhyla *---

Hindi pa rin ako makapaniwalang si Papa ang taong kasalukuyang naglalakad papasok sa masukal na damuhan.

'Anong ginagawa n'ya rito? Anong kinalaman n'ya sa Sunflare? Ito ba ang trabaho n'ya?'

Nilingon kong muli ang mga kasama ko saka ako nagmamadaling tumayo. Nagtatakbo ako papalapit masukal na damuhan. Hindi s'ya pwedeng mawala sa paningin ko.

Pahakbang na sana ako ng may biglang humawak sa balikat ko. "Saan ka pupunta?"

Nilingon ko s'ya at agad akong nakahinga ng maluwag. "Ginulat mo ako, Storm. Anong ginagawa mo rito?"

"Nakita ka namin ng kaibigan mo. Sinundan ka namin." Itinuro pa n'ya ang likuran n'ya at do'n ko nakita si Cassandra.

"Bakit ka umalis? Sinabihan ko sina Prystel na pagtakpan tayo kapag nahalata ni Sir. Saan ka ba pupunta?" tanong ni Cassandra.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Tara na, baka mawala 'yong sinusundan ko." bulong ko pa saka kami marahang naglakad papasok sa makapal na damuhan para sundan si Papa.

"Hoy, Zhyla! Bakit ba natin sinusundan 'yang lalaking 'yan?" tanong ni Storm.

"Wag kang maingay, baka makita n'ya tayo. Papa ko 'yan."

"Papa mo? Anong ginagawa dito ng papa mo?" tanong pa ni Cassandra.

"Hindi ko rin alam kaya nga sinusundan natin eh, para malaman natin."

Tahimik namin s'yang sinundan. Mukhang hindi namam s'ya nakakahalata. Malayo na rin ito at mukhang mas lalayo pa kami.

"Hey, malapit na tayo sa bangin. Isinama ako rito ni Chance, bangin ang nasa dulo nito." sabi ni Cassandra kaya napahinto kami.

"Hayaan mo na, hindi naman siguro tatalon do'n si Papa." sagot ko pa.

Nagpatuloy kami sa pagsunod hanggang sa huminto si Papa sa tapat ng isang putol na puno.

"Iyan na 'yong bangin, Zhyla." bulong pa ni Cassandra pero biglang sumenyas si Storm ng 'shhh'. Itinuro n'ya pa si Papa na kasalukuyang lumilingon lingon sa paligid.
Maya maya pa ay inilabas n'ya mula sa malaking paper bag ang isang lubid. Nanlaki pa ang mga mata namin ng itali n'ya 'yon sa putol na puno saka n'ya itinali sa baywang n'ya ang kabilang dulo. Dahan dahan s'yang bumaba sa bangin. Kagat kagat n'ya ang flashlight habang nakasukbit sa balikat n'ya ang paperbag.

"Hala paano 'yan? Bumaba 'yong papa mo. Susundan pa ba natin?" bulong sakin ni Storm at tumango ako.

Lumabas kami sa makapal na talahib at saka kami nagmamadaling sumilip pababa. Wala kaming maaninag na kahit ano dahil nga gabi na.

"Hindi ba papunta na 'yan sa City? Ayan ang city lights oh!" turo pa ni Cassandra sa malayo.

"Ewan! Tsk! Bakit kaya pumunta d'yan si Papa?" bulong ko pa. "Kailangan nating malaman. Pero paano tayo bababa?" inis pang sabi ko.

"Alam ko na. Makakapag-intay ba kayo?" tanong ni Storm.

"Ha? bakit?" tanong ko.

"Tatawagin ko si Line para makalipad tayo pababa. Hindi natin kakayaning bumaba d'yan lalo pa't wala tayong nakikita. Hindi natin kaya ang ginawa ng papa mo."

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now