Epilogue

6.8K 154 28
                                    



A/N: This last chapter is again dedicated to you!

Thank you for patiently waiting. :)

Enjoy!

---* Epilogue *---

Cassandra

Malakas na tumunog ang doorbell dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko. Binitawan ko ang kutsilyo at tinakpan ang mga ginagayat ko.

'Hapon na ah? Sino kayang bisita?'

Hinubad ko ang suot kong apron saka ako naglakad papuntang living room at papunta sa front door. Binuksan ko iyon at agad lumabas papuntang gate.

Nang marating ko iyon ay saktong paalis na ang kartero kaya alam ko nang may sulat para sa amin.

Lumapit ako sa mailbox at kinuha ang sulat na naroon. Kulay asul at elegante ang sobreng pinaglalagyan nito.

Bahagya pa ako akong nagtaka nang makitang may isa pang sobreng kaparehong kapareho.

Kinuha ko na lang din iyon at pumasok na sa loob. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang limang taong gulang na batang babae, mahaba at tuwid nitong buhok, namumula ang pisngi at karga karga ang isang teddy bear. Patakbo s'yang lumapit sa akin.

"Mommy, what's that?" inosenteng tanong n'ya na nakapako na ang paningin sa sobre.

"It's a letter, baby." nakangiting sagot ko. Nagliwanag naman ang mga mata n'ya.

"A letter? I wanna read it, Mom! Can Cassidee read it! Can I? Can I?" tumatalong sabi n'ya.

Ibinigay ko naman sa kanya ang isa at masayang masaya s'yang nagtatakbo papunta sa sofa. Prente s'yang umupo at tinapik ang bakanteng space sa tabi n'ya.

"Mommy sit here." masiglang sabi n'ya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi n'ya. Palibhasa ay bago pa lang s'yang natututong magbasa kaya excited s'ya sa mga ganitong bagay.

Dali dali n'yang binuksan ang asul na envelope at kinuha rin ang kulay asul papel na laman noon.

"G-Good d-day! I-It's been t-twenty y-years s-s-si-si-si---"

"Let me see, baby." sabi ko pa at nakangusong ipinakita n'ya sa akin ang letter. "Since."

"Since a-another his-history was made."

Mabagal n'yang binasa sa akin ang laman noon. To sum it up, we are invited to the 20th anniversary of the second reconstruction of MLH. Dahil kami ang prime participants sa event na iyon, mahalaga raw ang pagdalo namin.

"Mom, pupunta tayong party?" excited na tanong n'ya.

"Hmm... kakausapin ko muna ang Dad mo, baka kasi may work s'ya sa araw na 'to. Kapag pumayag s'ya ay pupunta tayo." sagot ko.

"Icoconvince ko si Dada, hindi s'ya makakatanggi sakin. Magpapacute ako, Mommy, like this..." sabi pa n'ya sabay beautiful eyes, ngumuso pa s'ya at inilagay ang dalawang kamay sa ilalim ng baba n'ya kaya natawa ako.

"Hahaha! Ikaw talaga! Im sure hindi talaga s'ya makakatanggi. Tara sama ka kay Mommy, watch me cook."

"No, Mom." umiling s'ya, "Magpapractice pa akong magbasa." ngumiti s'ya bago humalik sa pisngi ko saka nagtatakbo pataas.

Napangiti na lang ako. "Be careful baby, wag kang tumakbo baka mahulog ka."

"Yes po!" sagot n'ya saka nagdahan dahan sa paghakbang. Tumayo na ako at pumunta sa kusina.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant