23rd Mystery

4.6K 137 2
                                    

---* 23rd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Going home!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Prystel *---

Lumipas ang ilang araw at sa panahong yon ay naging normal at masaya ang lahat.

Konti lang ang mga quiz, may mga mangilan ngilang homeworks at may mga ilang seatworks pero lahat naman ay nagawa at nakumpleto naming magkakaibigan.

Ngayong araw naman, kinalimutan namin ang isang bagay.

'Ang mga S.A namin.'

Dapat daw kamimg umasta ng normal dahil maraming bisita ang darating mula sa labas.

Susunduin kasi kami ng mga magulang namin dahil ngayong araw ay uuwi na kami.

Nakabukas ang malaking gate ng MLH na may nakasabit pang 'Welcome to MLH!' banner sa pinakataas.

Umalis na sina Zhyla at Cleinch dahil maagang dumating ang mga sundo nila.

'Ang gwapo nga ng Kuya ni Zhyla. Haha! Wag kayong maingay ah! Secret natin yun!'

"Halika, upo ka dito."

Natinag ako sa pag-iimagine ng biglang sumulpot si Cassandra na kasama si Chance.

Hila hila nila ang mga maleta nila at umupo sila sa tabi ko.

Malapit na kasing dumaong yung yate na sinasakyan ng parents namin eh.

May sariling yate ang school at yun ang sumusundo sa mga parents na naroon sa kabilang dako.

Ini-inform sa amin kung sino sino ang mga magulang na nakasakay dun kaya alam namin kung malapit na ba sila.

Natatawa akong pagmasdan sina Cassandra dahil mukhang wala silang kaalam alam na ang cute nilang tingnan.

'Perfect couple! Isang lalaking masungit at walang pakialam at isang childish, sweet at inosenteng babae. Tsk! Tsk! Tsk!'

'Hindi ako makapaniwalang pumayag si Chance na sumama sa kanya. Alam kong walang malisya ito kay Cassandra dahil nung ikwento nya sa amin ang pag-imbita nya kay Chance, mukhang gusto nya lang may maipakilalang kaibigan sa pamilya nya dahil ngayon lang nya yun naranasan at dahil na rin naaawa sya kay Chance.'

'Nakakatawa lang dahil ni hindi nila naisip na baka mapag-isipan sila ng kakaiba. 

Sabagay, inosente silang dalawa. Their both innocent in different ways!'

"Prystel. Sinong susundo sayo?" tanong sakin ni Cassandra at ngumiti ako.

"Daddy ko. Eh ikaw?"

"Baka si Kuya! Hehe! Excited na nga akong umuwi eh. Namimiss ko na ang family ko tsaka yung house namin. Yung room ko, yung pool, yung music room, yung entertainment area, yung botanical garden, yung mini tree house ko, yung mga guards.."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinasabi nya at napansin kong nakatulala din sa kanya si Chance.

"..yung dance room, yung mini golf course ni Dad, yung court ni Kuya Lance, yung playroom ni Scotty, yung pastry room, yung work out room ni Kuya Kiel.."

Napalunok ako.

'Mayaman kami? Oo pero sobrang yaman ata nila! Oh my God!'

"..yung mga maids, yung pet ko, yung mga teddy bear collection ko. Hays! Namiss ko lahat!" nakangusong sabi nya habang niyayakap ang sarili nya.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora