36th Mystery

3.5K 135 7
                                    

---* 36th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Loki VS Cleinch

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cleinch *---

Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko nang mabasa ko ang pangalan ko sa electronic board.

'Oh my god! Ako na kaaagad!'

Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ko ang pangalan ng makakalaban ko.

'Si Loki! Bakit s'ya!'

"Hala! Goodluck, Cleinch." sabi pa ni Cassandra at pilit na ngumiti ako.

"Kaya mo 'yan!" biglang sabi sa akin ni Zhyla.

"Break a leg!" nakangiting sabi rin ni Prystel.

"Mr. Maldivuoe and Ms. Stone, kindly go down!" sabi pa ni Sir Xenon kaya tumayo na ako at bumaba.

Para akong mabibingi sa lakas ng hiyawan at tiliang narinig ko.

'Mukhang excited ang lahat ah? Alam kaya nila ang pakiramdam ng sila na ang sasalang? Feeling ko, kakawala na ang puso ko sa ribcage ko eh!'

Nang makarating ako sa pwesto nila ay agad na ngumiti si Sir Xenon kaya ngumiti na rin ako pabalik.

"Malinaw na ba ang mechanics sa inyo?" paninigurado n'ya pa at tumango kami.

"Good! Now who will choose your post?" tanong n'ya pa at agad akong itinuro ni Loki.

"S'ya na lang. Babae s'ya." sagot n'ya pa at ngumiti si Sir sa akin.

"Which post do you want to guard Ms. Stone?" Itinapat n'ya pa sa akin ang microphone.

Muling umalingawngaw ang hiyawan ng mga nanonood.

"Ahm... I'm c-choosing the post with red ribbon." kinakabahang sagot ko.

"Well then, Ms. Stone will be guarding the left post while Mr. Maldivuoe the other post." pag-aannounce pa n'ya at naghiyawang muli ang crowd.

"Whoo! Simulan na 'yan!"

"Wag nang patagalin yan!"

"Go! Go! Go!"

"Goodluck!"

"So, are you ready?" tanong pa sa amin ni Sir.

"Yes!" sagot ni Loki kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin pa s'ya sa akin ng hindi ako sumagot.

"Ms. Stone?" tawag pansin sa akin ni Sir.

"Ah opo! R-Ready na po." sagot ko.

"Magkamay na kayo." nakangiting sabi pa n'ya at inabot sa akin ni Loki ang kamay n'ya. Inabot ko rin naman iyon. Alam kong ramdam ni Loki ang pamamasa at panginginig noon dala ng kaba.

Nagulat na lang ako ng bigla n'ya akong nginitian. Ngiting hindi nang-aasar, ngiting minsan ko lang makita.

Bahagya n'yang ishinake ang kamay namin bago s'ya nagsalita. "Let's give them a good fight!"

"Y-Yeah! L-Let's do our best." sagot ko.

"Okay! Mr. Maldivuoe, Ms. Stone? Let the battles begin!" sigaw n'ya pa saka s'ya umalis at umupo sa designated seat n'ya.

Tumayo kami ni Loki ng magkaharap pero napagigitnaan kami ng guhit na nasa field.

Ngumisi s'ya sa akin at nanlaki ang mga mata ko. "Totohanin natin ang laban na ito, Cleinch."

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now