13th Mystery

4.7K 144 6
                                    

---* 13th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

Test of Courage! (2)

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Cleinch *---

Matapos naming mapatitig dun sa mga umiikot na bilog ay agad kaming nakaramdam ng hilo.

Pareho kaming nagblack-out ni Loki at nung magising kami ay pareho na kaming nasa isang kakaibang lugar.

Nagkalat ang mga pulang dahon sa lupa at kalbo ang mga punong nakapalibot sa amin.

Madilim ang matatanaw sa unahan at ganun na rin sa kinauupuan namin dahil natatakpan ng ulap ang buwan.

Umihip ang malakas na hangin at kasabay nun ay ang isang napakalakas na tunog.

*KWOOG! KWOOG! KWOOG!*

Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko at binalot ng kilabot ang katawan ko.

"Tsk! Nasaan ba tayo? Bakit parang horror ata ang theme ng exam natin?" asik ni Loki na biglang tumayo at nagpagpag ng suot nya pero nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang isang napakalaking ibon na papunta sa direksyon namin.

At...

"AHHHHH! ARAY!" sigaw ni Loki ng mahagip sya nung claws nung malaking kwago.

*KWOOG! KWOOG! KWOOG!*

Huni pa nun at dagliang umupo si Loki sa tabi ko.

"Ayos ka lang?" tanong ko at sinamaan nya ako ng tingin.

"Kita mo na ngang tinamaan ako sa balikat eh? Nagtatanong ka pa!" inis na sabi nya at lihim akong napairap.

'BEAST!'

*KWOOG! KWOOG! KWOOG!*

Muling humuni ang kwago at paikot ikot na lumilipad ito sa may ulunan namin.

"Aww! Tsk! Kumikirot!" sigaw ni Loki.

Maya maya lang ay may ibinagsak na asul na sobre ang kwagong yun.

Tinanaw pa naming pareho ang paglayo nung kwago bago ko kinuha yung sobre at binasa.

"Good day Loki and Cleinch! Your task for this examination is to collect 3 Blood Eating Monster eggs then find your way out. Be careful because they are dangerous and they might suck your blood and leave you Lifeless! Blood Eating Monsters are commonly found near the Creep River. You are free to use your S.A's as well as your physical strength. Goodluck!

-The Head Master." mahinahong basa ko pa at kumunot ang noo ni Loki.

"Pinaghahanap nila tayo ng halimaw?" tanong nya at nagkibit balikat ako.

"Malapit daw sa ilog sila nakatira, so kailangan nating maghanap ng ilog." sabi ko at tumayo na kaming dalawa.

Naglakad lakad kami kahit pa hindi namin alam ang pupuntahan.

Maingay ang bawat apak namin dahil sa mga dahong halos tumatakip na sa lupa.

'Bakit kaya nalagas ang mga ito?'

Ang tataas ng mga punong nakapalibot sa amin kung puno ngang matatawag ito dahil wala namang dahon.

~AWOOOO!~

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now