63rd Mystery

4.4K 126 19
                                    

A/N: Last mystery for this generation.Happy NEW YEAR!!!

---* 63rd Mystery *---

---*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*----*---*---*----*---*---*----

A fight for Life

---*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---*---*----*---* ---*---*---*----*---

Back in that day, I wished to have a normal life like normal girls...

That's why I chose to study here at MLH, I never imagined that it will end up like this...

- Cassandra

-----*-----

Pinagmasdan ko ang likuran ng mga kasama ko habang tumatakbo. Sinadya kong magpahuli, nanghihina ang tuhod ko dahil kahit anong pilit ko, alam kong hindi na namin ito matatakasan.

'Tama si Lycxis, but I never imagined it will come so soon.'

Isang pagsabog pa ang narinig namin na s'yang nakapag patigil sa amin sa pagtakbo. Umuga ang building namin kaya nagkatinginan kami.

Napuno ng sigawan at tilian ang paligid.

"Tara na! Umalis na tayo rito!" sigaw ni Storm. Nagsipagtakbuhan kami kasama ng ibang estudyante. Bumagal lang ito ng pababa na kami sa hagdan. Delikado kung gagamit kami ng elevator.

Sari saring bulungan ang maririnig mo, may takot at may inis.

Alam kong inosente sila.

"Kahit anong mangyari, walang maghihiwalay." sabi ni Zhyla na agad hinawakan ang braso ko.

Kahit pa hirap na hirap ay pinilit naming  bilisan ang pagbaba. Narating namin ang ground floor at kitang kita namin ang pag-uga ng mga frames na nakasabit sa dingding.

Para kaming mga langgam na nagsipaglabasan sa lungga.

Nang matanaw ko na ang labas ay mas minadali namin ang pagkilos ngunit bago pa man kami tuluyang makalabas ay pumasok na ang kulay pulang usok sa hallway.

Nagkagulo ang lahat lalo na nang magsimulang magsitumbahan ang mga estudyante sa unahan.

"Magtakip kayo ng ilong!" sigaw ni Ditee.

Sinunod s'ya ng karamihan, ipinangtakip namin ang unahang bahagi ng aming damit.

Nang sa wakas ay marating namin ang labas ay makapal na usok pala ang bumabalot sa field.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now