50th Mystery

3.5K 131 2
                                    

A/N: After this chapter, we are down to our last 12 chaps. then epilogue na! Enjoy! I'll try my best para habaan ang update, haha!

-Peachberryfruity

---* 50th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Real Plan and Explanation.

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Prystel *---

Malakas akong tumawa matapos ang nakakatawang joke ni Storm. Kasalukuyan kaming nakapalibot sa bon fire. Maraming mga estudyante ang kasama namin pero parang may sarili kaming mundo. May mga nakahalubilo na rin kaming mga students na taga rito at mababait naman talaga sila.

"Oh tawang tawa kayo d'yan. Oh ikaw Aphroditee, wala ka bang joke?Haha!" tanong pa ni Storm pero umirap lang si Ditee.

"Haha! Loko! Asa ka pang magjojoke 'yan. Hindi n'ya 'yon alam 'no? Sa arte n'yang 'yan?" sabi pa ni Zhyla at masama s'yang tiningnan nito.

"Are you really like that? I'm not maarte, it's just that I'm not used to be with you all." naiinis na sabi n'ya pero tumawa si Zhyla.

"Kung gusto mong tumagal na kasama kami, wag kang pikon." sabi pa niya.

"Tama! Alam mo kasi, ganito talaga kami. Mabait naman kami eh, mahirap ka lang maka-close kasi intimidating ka but konting time pa, you'll get used to this." nakangiting sabi ko at pilit na ngumiti lang s'ya.

"I'm sure my friends are wondering why I chose to be with you." mahinang sabi n'ya pa habang napapabuntong hininga.

"Oh com'on girl. Hindi mo real friend si Manami. A real friend won't use you! Wag kang manghinayang sa taong gano'n." sabi ko pa ulit na sinang-ayunan ng lahat.

Naagaw lang nina Cleinch ang atensyon namin dahil sa biglang pagsasalita ni Loki.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." puna n'ya kay Cleinch. Napuno ng panunukso ang lahat pero di tulad kanina, hindi namula si Cleinch. Tahimik n'yang tinanaw ang lugar kung nasaan ang mga tents namin.

"Ang tagal ni Cassandra. Sabi n'ya magsi-c.r lang s'ya pero hanggang ngayon wala pa s'ya. Naisip ko lang baka pumunta na s'ya sa tent pero bakit walang pasabi? Hindi ba kayo nagtataka?" tanong n'ya at do'n kami natauhan.

'Shocks! Bakit hindi namin napansin? Masyado ata kaming naging busy sa kwentuhan. Oo nga noh, wala pa si Cassandra.'

"Tsk! Bakit hindi natin napansin? Baka pumunta 'yon kay Chance. Alam n'yo namang close na sila at halatang nahihirapan s'yang iwasan s'ya. Baka may masabi 'yon kay Chance." nayayamot na sabi ni Zhyla na agad pang napatayo kaya napatayo na rin kami.

"Tara na. Hanapin na natin s'ya." sabi pa ni Loki at do'n nagsimula ang aming paghahanap.

Una naming pinuntahan ang tent pero wala s'ya ro'n. Pinuntahan pa namin s'ya sa C.R pero wala s'ya. Nilibot na namin ang mga pwede n'yang puntahan pero wala s'ya.

"Aphroditee!"

Nilingon namin ang matinis na boses mula sa likod at nakita namin ang humahangos na si Cleon.

"C-Cleon?" patanong na sabi n'ya at agad na s'yang sumimangot.

"Hay! Ano bang nangyayari ha? Hindi mo ba kasama sina Chance at Manami? My gosh! Iniwan n'yo ko sa ere."

"Ah magkasama pala sila? Hindi naman nakapagtataka 'yon." sagot n'ya na ikinairap ng kausap n'ya.

"Oo nga pero kasama din nila 'yong si Cassandra. Mukhang may pag-uusapan ata sila. Hindi nga ako isinama eh. I'm alone tuloy." maarteng sabi n'ya na ikinagulat namin.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now